Kabanata 3

1K 23 2
                                    

III

Andito kami ngayon sa hospital. Puyat na kami kakabantay dito kay Enzo. Si Cind, nakatulog na sa sofa kaka cellphone. Ako naman nandito sa upan malapit kay Enzo. Pinagmamasdan ko ang mukha niya at ang cute niya pa din kahit namumutla at tulog. Bihira lamang ako maniwala sa mga sinasabi ng mga kaibigan ko pero ngayon papalampasin ko. Tama nga sila. Kapag crush mo ang isang tao, hindi mo makikita ang mga imperfections nito. Mga perfections lang ang makikita mo.

Kaya nga nauso ang luma at gasgas na linyang "Love is blind" diba.

Napatingin ako sa orasan. Its already 1:03 ng madaling araw. Sa sobrang bigat na rin ng mata ko, bumigay na ako dahil hindi ko na nakayanan.

***

Enzo's Point of View

Idinilat ko ang mga mata ko. Medyo hindi pa rin ako makahinga pero kaya pa naman. Agad kong ibinaling ang ulo ko upang hanapin ang kapatid ko pero ang naabutan ko ay si Amy. Sa tabi ko.

Tulog na tulog siya.

Hays. Kasalanan ko 'to. Ang gago ko kasi. Naabala ko pa kapatid ko pati ang kaibigan niya. Naging kampante kasi ako na pwede na aking maging normal. For God's sake. Gustong gusto ko. Ayokong napapagiwanan just because of this fucking heart failure. Gusto ko maging mabuhay ng normal but goddamnit, ang daming naapektuhan. Pati sarili ko, hindi nakakaligtas.

Until The Night CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon