Chapter 17: Serria Land

Magsimula sa umpisa
                                    

Talaga?! Parehas kayo ng edad at birthday?! Ang cool!” wika ni Dara. Napansin ko ang mga bagahe nila. Talagang sasama sila!


“Akalain mo ’yon? May fairy pala talaga!” manghang sambit ni Val.

Nakapagpaalam na kayo sa mga magulang niyo?” tanong ko.

“Isn’t it obvious? Mapilit kasi itong babaeng ’to. Sarap ipasagasa sa ten wheeler truck.” Ngumiti lang si Dara na parang wala lang sa kaniya ang mga sinabi ni Winzé.

“Kung sa akin, ayos lang basta kasama kayo!” wika ni Val.

Sumama kayo sa akin.” Sumunod naman kami kay Faye.

“Faye? Hindi ba ito ’yong secret room ni Mama? Bakit tayo ngayon nandito?” Sa wakas ay nakapasok na rin ako sa secret room ni Mama.

Nakakapagtaka nga lang dahil walang gamit dito kahit isa man lang. Tanging mga candle light lang ang nakapaligid at nagbibigay liwanag sa room. Malinis at maaliwalas. Ngunit ang weird na napansin ko sa room na ito ay ang tinatapakan namin ngayon.

Ano naman ’to?” Dara asked innocently.

Pinagmasdan ko ang malaking circle na nakaguhit sa sahig. May pangalawang circle pa ito sa loob. Kapansin-pansin ang malaking hugis star sa gitna. Maraming iba’t-ibang hugis sa loob ng malaking circle. Ngunit maraming kakaibang lenggwahe ang nakapaloob sa bawat hugis. May mga symbols din na hindi ko maipaliwanag. Malaki ito at sakop ang whole area ng room.

“Secret room ito ng Mama mo, Sendy? Pero bakit may ganito?

“I don’t know, Val. Ngayon lang din ako nakapasok dito.”

Hindi ko alam na may ganito si Mama. Hindi kaya may kinalaman ito sa pagiging Sorceress niya?

Why does this circle seem familiar to me? I just can’t remember where did I saw this.” Napatingin kaming lahat kay Winzé.

Naningkit ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang circle. Parang may gusto siyang alalahanin.

Ehem! Sisimulan ko na!” Pinagmasdan namin si Faye. Nakapikit siya at parang may binubulong sa hangin.

Ang creepy ni Faye!” bulong ni Dara.

Napatingin kami sa malaking circle dahil nagsimula na itong umilaw ng kulay blue. Nagulat kami nang magsimulang lumipat sa lugar ang mga lenggwahe. Umiikot din ang circle ngunit ang malaking hugis star ay nanatili sa pwesto.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon