Chapter 10: Pink Market

Magsimula sa umpisa
                                    

Dinilat ko yung mga mata ko ng unti-unti.

Tama nga si Mat, enjoy the view. Ang ganda! Mas maganda pa sa akin!

Yung lumulutang na mga islands sa ibaba, sa gilid. Basta ang danda. Iba't ibang color kasi eh. Hihihi.

Sa di kalayuan, may isang pink na island, cute.

"Nagustuhan nyo po ba ang mga tanawin?"

"Oo naman. Mat, sigurado ka bang hindi ito panaginip?"

"Hindi po miss Cashmere. Hindi po."

"Nga pala, paano sina Lola? Iiwan ko na ba ang Earth?"

"Kami nang bahala. Magtiwala ka sa amin. Ang mahalaga, mapalabas ang iyong mahika at makontrol mo ito."

Naalala ko naman bigla yung yelong itim na lumabas sa kamay ko nung panahon na galit na galit ako kina Lola at ate Gael.

"Thanks Mat, pakisabi rin kay Sir Felipe salamat sa pagpapalaya sa akin."

"Walang anuman Miss---."

"Cash na lang." Pagpuputol ko sa kanya sabay ngiti.

"Hahahaha. Sige, walang anuman Cash, iyan ang aming trabaho. Tara na." Hindi ko naman napansin na nakababa na itong kabayo na to sa pink na island. Wah. Pink. So cute!

"Owkay? Bat pala dito tayo bumaba? Kala ko ba sa Academy? Bat parang---."

"Market? Oo. Ito ang Pink Market. Pansin mo naman atang puro pink ang lahat." Pamimilosopo nya.

So ganun? Pinatawag ko lang sa kanya na Cash, pinipilosopo na ako? Upakan ko na ba?

"Kung may Pink Market, edi may Blue, Green, at iba pang kulay?" Tanong ko para malihis.

"Mayroon nga, kayalang iba ang binibenta doon. Sa Blue, mga sandata. Sa Green, mga halaman o mga kakailanganin para sa mga halaman."

"Astig! May mga halaman din na tumutubo dito sa moon?!"

"Oo naman. Meron ding Red Market, doon mabibili ang puro tungkol sa pag ibig na mga kagamitan. Sa Yellow---."

"Pag ibig? Wow. Edi may love potions eklavu din doon?" Manghang tanong ko.

"Yeah. So, lahat ng imposible na magagawa sa Earth o yung mga mukhang shokoy na makikita mo sa mga TV, dito ay totoo talagang nagbubuhay Cash."

"Talaga?! Katulad ng fairies?!"

"Speaking of Fairies. Pupunta tayo mamaya sa Yellow Market, tyak nandoon ang fairy na iniwan ng mga magulang mo. At tyak din, ilang taon ka na nyang hinihintay." Nakangiting paliwanag sa akin ni Mat.

"Magulang ko?" Halos pabulong ko na sa aking sarili.

"Oo. Nararamdaman kong mayroon kang kapangyarihan Cash. At di ako nagkakamali doon. Hmm. Ganito kasi yan, imposibleng normal na mga tao lang ang mga magulang mo Cash, o isa man sa kanila ay normal , malabong magkakaanak sila."

"Naguguluhan na talaga ako. So you mean, taga dito din ang mga magulang ko?"

"Exactly, nakuha mo rin!" Aba bastos to ah, bobo ba ako, bobo? "Tara na. Naiirita na si Laxus kasi hindi pa tayo bumababa sa kanya oh. Bumili na tayo ng mga gamit mo, ako nang bahala."

".........."

Ayaw talaga tanggapin ng utak ko yung mga nangyayari at mga nalaman ko.

"Okay." Isasantabi ko muna yang mga tanong na yan.

Inalalayan na ako ni Mat pababa dun kay kabayong may pakpak. Wew. Ang gentleman nya talaga. Kalandian attack! Char!

Nilibot na namin yung mga stall dun, at kung ano-ano na rin yung mga binili nya para sa akin. Wah. Ang sakit na ng balikat ko.

"Sabi ko na mga ba mapapagod ka rin kakabitbit ng mga yan. Oh eto, heavy bag. Ilagay mo yang mga pinamili natin dyan."

"Huh? Heavy bag? Mabigat yan eh." Actually maliit lang sya na bag na kulay blue. Malay mo ba, baka mabigat yan eh. Heavy nga di ba? Tsk vovo.

"Ang OA mo Cash." Reklamo ni Mat. "Lahat ng imposible doon sa Earth, posible dito."

Eh? Yung Heavy Bag, parang pocket ni Doraemon. Biruin mo nagkasya yung mga yun? Damit, abubot at kung ano ano pa. Aish basta lagay lang sya ng lagay.

"Oh." Saka nya sinabit sa leeg ko.

Ibilib. Parang wala lang syang laman.

"Pwede bang paarbor na lang to?"

"Oo, sayo na. Kaawa ka naman eh. Haha."

"Tenchu!" Sabay ngiti ko ng malapad sa kanya. "Tyak, maiinggit sa akin yung dalawang unggoy na pinaglihi sa ma---uh oh." Napatakip ako sa bibig ko.

"Bakit?"

"H-Hindi na ba ako makakabalik sa Earth?"

"Oo? Once kasi na nakatapak ka na dito sa Moon Palace, hindi ka na makakabalik pa. Maliban na lang kung isa ka sa mga malalakas na pipiliin ng hari o may matataas na estado dito sa Moon Village, katulad namin ni Sir Felipe, sa Earth kami naassign. Kaya nakakalabas pasok kami dito. Bakit?"

"Ibig sabihin kung mahina ka at hindi napili.. Hindi ka na makakaalis dito?" Sabay turo ko sa tinatapakan ko.

"Exactly. Oy. Bakit ba? May babalikan ka pa ba sa Earth maliban sa Lola mo?"

Yeah. Yung mga kaibigan ko.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon