"Hindi ko pa alam siyempre." putol ko rin sa sasabihin niya. Quits na kami.

"Hehehe." natawa pa siya habang umiiyak.

Hala gusto ko na siya. Kaya niya kasing ipagsabay ang pag-iyak at pagtawa.

Sabi ko kasi noon, na kung magkakaroon ako ng kaibigan ay iyong marunong pagsabayin ang pag-iyak at pagtawa. Siya na yun. Gagawin ko siyang kaibigan ko. Yes!

Lumapit ako sa kanya at umupo para magpantay kami. Hindi sa kagandahan hah. Alam niyo namang, nakakalamang ako.

"O ayan, napatawa na kita hah. Huwag ka ng umiyak. Dahil ang magaganda, hindi umiiyak."

Tinignan ko ang pagmumukha niya.

"Hala. Ang kinis ng mukha mo ah. Ang ganda mo! Parehas tayo. Kaya magkaibigan na tayo. Pero mas lamang ang kagandahan ko sa iyo." diretso kong sabi sa kanya para hindi na siya makaayaw sa pakikipagkaibigan.

"Alam mo ba?" heto na naman siya sa alam mo ba. "Ako ay parang isang cocoon, sabi ni Mama. Maganda daw ako pero tinatago ko raw iyon. Sabi niya pa. Isa daw akong paru-paro na pumasok sa cocoon upang itago lang daw ang kagandahan ko. Pero hindi naman ako naniniwala doon. Hindi ako maganda. Nagsisinungaling lang sila sa akin."

Medyo mahaba na yung litanya niya. Pero nakinig lang ako.

"Mama mo yun, bakit hindi ka naman naniniwala? Dapat paniwalaan mo siya. Para sa akin maganda ka naman. Pero sa uulitin, mas maganda pa rin ako sa iyo." nagpout ako. Bakit? Gusto ko lang magpout. Yun kasi ang nababasa ko sa wattpad. Nakikiuso lang.

Tumawa na naman siya. Hindi naman ako nagjojoke. Pero gusto ko pa rin siya maging kaibigan.

"Ako pala si Chanda Paquita, ang pinakadyosa sa paaralang ito." nakangiti kong sabi sabay abot ng aking kamay para....siyempre..makipagkamay.

Nakita niya akong ngumiti kasi...lumingon siya kasi sa akin. Ngumiti rin siya. Positive response yan. Kaya alam ko na ang mangyayari.

"Delilah Devora is my name."

"Friends!" confident kong sabi sa kanya habang nakikipagkamay.

"Pwede." tumango-tango pa siya. 

"Choosy pa?! Pasalamat ka dahil magiging kaibigan mo ako. Madadagdagan yang kagandahan mo. Magiging dyosa ka rin at makakalabas na ang paru-paro sa cocoon." magaling talaga akong magconnect ng mga bagay-gabay. Iba na talaga ang maganda.

Pagkatapos nakong makipagkamay ay tumayo na siya. Yinakap niya ako. Yinakap ko rin siya. Friends na kami eh. Diba ang dali lang. Iba na ang maganda.

Nanatili kami roon at nagkwentuhan. Maganda naman si Delilah. Pero masyado niyang pinapababa ang kanyang sarili na hindi daw siya maganda. Saka marami pa. Nakakapagod kaya magtype.

Una akong umalis doon at pumunta na sa unang klase ko. Pumasok ako sa loob ng room with umaapaw ng confidence to the highest level.

Napatingin ang iba sa akin. Nakitingin na rin ang iba.

Alam kong namangha na naman sila sa kagandahan ko. May pakunot-kunot pa sila ng noo. May padisgust-disgusting face pa sila. PEro alam ko deep inside sinasabi nila, maganda ka talaga Chanda Paquita.

Naghanap ako ng upuan at umupo siyempre.

Bigla na lang nagtitili ang mga babae. Tinakpan ko ang aking tenga. Nakita kong pumasok ang tatlong lalaki.

Hindi kayo nagkakamali sa iniisip niyo. Iba talaga ang magaganda magaling mag-isip. Aper!

Yung tatlong ambulansiya lang naman ang pumasok. Napatingin sila sa gawi ko. Inirapan ko sila at tumingin na lang sa board.

Nakita ko sa sulok ng aking mga magagandang mata na papunta sila sa akin at nakangisi pa.

Umupo sila sa likod ko. Tumili ulit ang mga babae sa loob. Hala. Pati mga lalaki. Weird.

Pumasok ang isang lalaki. Isang antipatikong, madaldal na lalaki.

Maganda tayo kaya magaling tayo mag-isip. Alam niyo na kung sino ang pumasok. Yung nakaharap ko sa cafeteria.

Ang ganda talaga ang araw ko. Makakasama ko pa talaga silang apat sa klase kong ito.

Nakita niya ako. Nagtama ang aming mga paningin. Ngumiti siya ng nakakaloko. Ngumiti rin ako ng nakakaloko. Akala niya ha. Siya lang marunong niyan.

Habang papalapit siya sa akin, hindi niya pa rin inaalis ang kanyang paningin. See, nagagandahan lang talaga siya sa akin. Kaya nagpapansin siya kanina. Tsk. Tsk. Tsk. Umiling-iling pa ako.

Umupo siya sa tabi ko. Pinagdikit niya pa ang braso namin. May naramdaman ako bigla.

Hala! Ano ito??

---------------------------------------------

Sunod na ako magrequest ng numbers of vote. Pwede ba? Hahaha. Nagtanong ka pa.

Saka, ngayon lang ako nakapag-UD kasi...ngayon gusto ko mag-UD. XD.

VOTE and COMMENT

Ilusyunadang PangetWhere stories live. Discover now