Hindi ko pa rin siya tinitignan sa buhok at kasama na roon ang mata niya. Huminga ako ng malalim. At saka....nagpatuloy sa paglakad. Natulala sila. Tinalikuran ko na sila. Gusto ko na kasing pumunta sa room ko.

Oh, ano kayo ngayon. Akala noiyo hindi ko nakita pagkatulala niyo hah. Iba na ang maganda. Nakatulalang kagandahan goes to me.

Pero ang rason talga kung bakit tinalikuran ko sila ay hindi kasi ako pumunta rito para makipagbangayan sa mga taong walang magawa kung hindi magpapansin lang. Napakachildish naman na gawain nyun.

 Alam kong maganda ako. Huwag lang nilang masyadong ipahalata.

With that thought, I went to my room. 

Papasok na sana ako pero....hindi ko natuloy kasi...may klase pa pala ang ibang estudyante. Maaga pa nga.

Umupo ako. Hala, ito na ba ang epekto ng aking kagandahan na hanggang ngayon ay walang tigil sa pagsibol. Napangiti ako sa naisip ko.

Hinawakan ko ang aking mukha at pinanggigilan iyon. "Ang ganda ko talaga. Ang ganda mo talaga Chanda Paquita."

Kahit maghapon yata na nakaupo lang ako rito, hindi ako magsasawa sa kagandahan ko. Ewan ko ba, baka in-love na ako sa sarili ko. Hahaha.

Tumayo na lang ako at umalis na muna ako doon. Napagdesisyunan ko na lang na lilibutin ko muna ang buong campus. Para at least mafamiliarize ko kung saan ko pa dapat ipagkalat ang aking kagandahan ko at kung saan ako tatakbo kapag hinahabol na ako ng mga kalalakihan sa school. Diba iba na ang handa. Girl Scout lang.

I'm so eggzoited na.

Napahinto ako. Nakarating kasi ako sa isang lugar. May nakapaskil doon na BUTTERFLY SANCTUARY. Pumasok ako doon. Nagustuhan ko kasi ang lugar. Maraming bulaklak. Magagandang bulaklak.

"Wow. Ang gaganda naman nila." buong pagmamangha kong sabi sa mga nagliliparang butterfly. "Katulad ko lang." Hehehe. Kaya pala Butterfly Sanctuary.

Pinanggilan ko na lang ulit ang aking pisngi.

Maya-maya ay may narinig akong umiiyak. Hinanap ko ito. Nakita ko ang isang babae. Nakaupo siya at pinupunasan ang luha niya at pati na sipon niya. Grabe.

"Miss? Huwag kang iiyak dito, papanget ang lugar at baka mahawa ako." naaawa kong sabi sa kanya.

Naaawa pa ako sa lagay na yan ha.

Tumingin siya sa akin at umiyak siya ulit. Habang umiiyak ay nakatuon ang kanyang mata sa isang bagay. Sa isang cocoon.

"Miss? Ah..."

Bigla na lang siya nagsalita, habang tinitignang mabuti ang cocoon. "Alam mo ba ang cocoon na ito?"

Ilusyunadang PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon