Napapansin ko na...parang mga kabute lang ang mga estudyante dito ha. O sadyang nalulunod lang ako ng kagandahan ko kaya di ko napapansin ang mga estudyante rito. Hehehe
"Bakit ka ngumingisi diyan?!"
Ay teka! Nandito na pala sa harapan ko ang isa sa mga ambulansya.
"Bakit ka ganyan makatingin, PANGET?! Wala kang karapatang tumingin sa akin ng ganyan."
Doon ko lang napansin na nagtatanong pala siya. That word PANGET is my push button, you know.
English ako ng english, parang mayaman lang ah. Bakit mayaman lang ba ang marunong mag-english?! Hala naiiba na naman ang usapan. Iba na talaga ang maganda.
Saka...Ano raw? Ako? Panget?! Sabihin niyo lahat sa akin. Maganda ako, maganda ako, maganda ako at maganda ako. Huwag lang ang word na panget. Dahil hindi ko matatanggap iyan.
"WEHHH! ME?!" turo ko sa sarili ko. "PANGET?!" capslock todamax, yan. "My answer is obviously...... NO!" umiiling-iling pa ako para umayon ang action ko sa sinasabi ko at para maemphasize rin yun.
"YOU!" I pause tapos tinuro ko siya. "PANGET! Kasama nila." turo ko sa kasama niya at tumango-tango pa ako.
Pinalakpakan ko ang sarili ko. Ang galing kasi ng konklusyon ko. Saka tinignan ko siya mula paa, hanggang ilong. Itinaas ko pa ang kilay ko niyan para sabihing nagtataray ako.
Nagtataray ako hindi dahil naiinis ako sa kanila. Kundi naiinis ako sa kagandahan ko. Sumusobra na kasi.
Napansin niyo na hanggang ilong lang? Ayaw ko na ulit tignan yung buhok niya. Kasi...naaalala ko si...Zac Efron. Eh...kinikilig ako. Hehehe. Pinipigilan ko lang kaya kanina ang sarili ko.
"Nababaliw siguro sa kagwapuhan mo pre. Sinasabihan pa tayong panget. Hahaha. Kinikilig pa nga pre oh. At ikaw miss, ang hangin mo ha. Anong drugs ang nainom mo't inaayawan mo ang bagay na nakadikit na sa mukha mo." at nagtawanan ang dalawa sa likod.
Napatigil ako sa kilig moment ko. Napansin pala nila iyon. Binalingan ko ng tingin yung nagsalita.
Ngumisi pa siya akin. Yung mataas ko ng kilay...ay pinataas ko pa. Napakaepal naman nito. Papansin. Saka with my look sinabihan ko siya..HINDI KITA TYPE! Hindi ko na siya pinansin. Pero makati ang dila ko eh.
"Alam mo masyado kang affected sa presence ko at marami kang sinasabi. Hahaha." tinawanan ko rin sila. Quits lang kami.
Tumigil ako sa kakatawa at sumeryoso. Diba ang dali ko lang magbago ng mood. Hindi dahil moody ako. Kundi maganda ako. Hahaha.
Binalingan ko ulit ng tingin yung nagsabi sa akin ng panget. Lapastangan. Taray!
Panget 3
Zacznij od początku
