Chapter 23

84.7K 869 140
                                    

CHAPTER 23

Pagkatapos ng practice ay pagod nila akong pinalibutan. Puno ng pawis na tumabi sa akin si Ice habang umiinom ng tubig.
"Patabi kahit mabaho ako ha?"

Tumawa lang ako sa sinabi nya at hinayaan syang umupo. Nang bumaling ang titig sa iba ay nahagip ng aking mga mata si Kurt. Umirap sya nang magtama ang mga titig namin.

Hindi ko inalis ang aking titig at nagulat ako nang lumingon ulit sya. Mukha syang nagulat na nakatingin pa rin ako. Nang makabawi naman ay muling umirap. Napaka moody! Imbes na mainis ay natatawa na lang ako.

Naramdaman ko ang paglingon sa akin ni Ice at alam kong nahuli nya na kay Kurt ako nakatitig. "Gwapo?" bulong nya pa.

Sinapak ko sya na itinawa lang naman nya.

Nang bumaling ulit ang aking titig kay Kurt ay pabalik balik na ang tingin nya sa amin ni Ice. Nang magtama ang aming mga titig ay tinaasan ko na sya ng kilay. What the hell?

Nag-iwas sya ng tingin. Hinintay ko ang muling pagbaling nya sa akin, na nangyari nga talaga, ay nginisian ko sya. He thought there was something between me and Ice. It was so obvious.

"'Wag ka nang ngumiti. Nakakabwisit ang ngiti mo!" nakaangil na sabi nya na ikinatingin nb lahat sa kanya.

"Oh bakit?" natatawa lang na tanong ko.

"Your smile creeps me out." Umakto pa syang para bang sobrang kinikilabutan. But his ears were so red, it caught their attentions.

"Anong nangyari sayo?" tanong ni Ken na medyo natatawa.

"Teka may lagnat ka ba? Bakit ka namumula?" dagdag pa ni Michael.

Pinagbabato nya ng basang towel ang dalawa. "Shut up."

Di nagtagal ay sabay sabay kaming umalis. Naamoy ko pa ang pinaghalong amoy ng kanyang pawis at pabango. Hindi masansang at lalo lang nagpabango pa sa kanya. Kinuha nya ang kanyang bag sa aking tabi at diretsong umalis.

"Nasan pala si Kurt?" si Ken. Nawala na lang sya nang naglalakad na kami. Magkakasabay kaming umalis at ni hindi man lang namin napansin ang paghiwalay nya sa amin.

"Oo nga noh kanina ko pa sya hindi napapansin eh." si Carlo.

"San nagpunta yon?"

"L.A nakita mo si Kurt?"

"Ha?"

"Si Kurt ba?" si Ice.

"Malay ko! Bakit sakin mo tinatanong?!"

"Teka tatawagan ko na lang," sabi ni Yuan.

Medyo napatalon ako nang biglang may tumunog galing sa bag ko na sinasabayan pa ng pagba vibrate.

I looked at Yuan. "You're dialling my number."

Napasimangot si Yuan at tinignan ang screen ng kanyang phone.

"No. It's Kurt's," sabi nya na ipinakita pa sa akin ang kanyang cellphone.

Nanlaki ang mata ko ng mapansing hindi nga sa akin ang cellphone na ngayon ay hawak ko.

Natataranta kong dinial ang sariling numero.Nakailang ring lang ay may sumagot agad. "Yea?"

"You have my phone, give it back," walang ligoy na sabi ko pagsagot nya.

"What?"

"I have your phone. Magpalit tayo. Nagkapalit tayo ng phone."

Mr. COLD (the heartbreaker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon