Chapter 22

81.8K 719 53
                                    

CHAPTER 22

Last subject na pero hindi pa rin ako makapag decide kung aattend na ba ako ng practice. Kanina pa ako nag-iisip kung didiretso ba ako sa audi o hindi. Nahihiya ako dahil siguradong aasarin nila akong lahat pagtapak ko pa lang sa entrance.

Siniko ako ni Maj at tumingin ako sa kanya. "Tawag ka ni sir."

Tumingin ako sa harap at kinabahan nang makitang sa akin nakatingin ang prof.

I stood up as quick as I could. "Sir?"

"Answer all the exercises in the book to be passed next meeting."

Magrereklamo pa sana ako pero nagligpit na sya ng mga gamit nya at paalis na ng classroom.

"Nananaginip ka kasi ng gising kaya ayan tuloy." si Liz.

"Anong pinag-usapan nyo naman kagabi?"

I avoided their gaze. "After I cleaned our mess, I went directly to my room to take a rest."

Hindi na sila nakipagtalo pero halata namang hindi sila naniwala sa sinabi ko. Bahala sila kung ano ang gusto nilang isipin.

"Ah let's go shopping!" suggestion ni Liz na sobrang excited.

"Pass muna ako ngayon ha? May kikitain kasi ako eh." Hindi ko na sila hinintay sumagot at tumakbo na ko agad palayo para hindi na nila ako tanungin ng kung anu-ano.

Nang nasa tapat na ako ng audi ay nagdalawang-isip ako, I could hear their voices coming from inside. May nagtatawanan! Hindi ko na alam kung tutuloy pa ba ako.

Naglakad na ako papasok at hindi na nag-isip. Nag wawarm-up sila nang pare parehong tumingin sa akin.

"LA!!" Lumingon ako sa tumawag. Sa entrance ng audi ay nakakaloko ang ngiti nila Maj, Yna at Liz. Ang mga lintik na tsismosa ay talagang sinundan pa kung saan ako papunta!
"Shhh!"

Imbes na itikom ang bibig, nananadya pa nilang nilakasan ang boses nila nang lumapit na sila sakin.
"So dito pala ang sinasabi mong pupuntahan mo?" si Yna.

"L.A!! Babalik ka na ba?" tanong si Steven.

Nakatingin na silang lahat sa akin maliban lang sa kanya. Tumayo sya. "Let's start," sabi nya na parang walang narinig.

"Tara na dito L.A," sabi ni Allen.

Nang walang gumalaw ay saka pa lamang sya tumingin sa akin. He smirked at hinagis ang timer sa akin na muntik ko pang hindi masalo.

Napangiti rin ako. I guess we were okay. Kinabahan ako at akala ko ay mag aaway na naman kami. Kababalik ko lang at ang mabungaran ng away sa pagitan naming dalawa ay nakakawalang gana.

Walang gumagalaw at tanging kami lang ang parang hundi makasabay sa reaksyon ng lahat. Naglakad ako para ibaba ang gamit ko at maupo na. They were about to start the game kaya kailangan ko na tumabi.

Walang kumikilos kaya tinignan na sila ni Kurt.

"Ano?"

"Did you actually smile at her?" natutulalang tanong ni Carlo.

Nagtanguan lang ang iba habang nakangangang nakatingin sa kanya.

"Ayan ba epekto ng pag-uusap nyo kagabi?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanila. Sa aking pag-iwas ay napabaling ang tingin ko kay Kurt. Mapula ang kanyang leeg at hindi sumasagot. Nang mapatingin sa akin at magtama ang aming mga tingin ay napalunok sya at umakyat hanggang mukha ang kanyang pamumula.

Napangisi ako sa nakita. May hiya pala sya. Naaaliw ako kaya ginatungan ko ang pang-aasar.

"Wala namang nangyari kagabi. Nag sorry lang sya. He even asked me to come back so I did," parang balewalang sabi ko.
Mas lalong napanganga pa sila sa sinabi ko. Ngayon ay umabot na sa tenga ang pamumula nya.

Nang muling magtama ang paningin namin at masama na ang titig nya sa akin.

Hindi sya tinigilan sa kantyaw ng kanyang mga kasama hanggang sa mag walk out sya. Nagtawanan ang lahat pati ang tatlong bruha sa likod ko.

Nang nilingon ko sila ay nakakailang ang tingin nila sa akin. Nakangiti habang nakatitig.

"Kami muna mag malling today," sabi ni Yna.

Tumingin sya sa kamay kong hawak pa rin ang timer na binatu sa akin.

"Mag timer ka na at baka mag-away na naman kayo ng ano mo," sabi ni Maj, natatawa.

Inirapan ko sila. Humalik muna ako bago sila tuluyang umalis.

Saka ko lang hinarap ang buong team nang makaalis na ang tatlo.

"Oh paano? Let's start?"

Magana silang nagtayuan. "Okay!"

Ganoon ang naabutan ni Kurt paglabas nya galing sa locker room. Lahat kami ay sa kanya ang tingin.

Nag-iwas lang sya at dinampot ang bola na nakapagpangisi sa aming lahat.

Nagtinginan kaming lahat at nagkibit balikat sa inaasta ngayon ng aming Captain.

Mr. COLD (the heartbreaker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon