Chapter 25

81.2K 784 121
                                    

CHAPTER 25

Last day na ng pasok, kakatapos lang ng exams at Christmas vacation na. Nakapag usap na kami nila Maj na hindi muna kami uuwi at mag sstay muna sa bahay namin for a few days bago umuwi.

"L.A, natapos mo?" tanong ni Carlo nang makita ko sila sa tapat ng gate ng school.

Tumango ako sa kanya. "Oo, salamat ha?"

Ngumiti sya, "Ayos lang yon," sabi nya at tumingin sa likod ko.

Lumapit ako sa kanya at umakbay, "There's nothing going on between us okay? Shut your mouth and you're not going to tell anyone about that, are we clear?" I whispered.

Kumamot sya sa sariling batok at tumatawang tumango.

"Good," sabi ko at hinampas ang kanyang balikat.

"Bakit nga pala kayo nandito?" tanong ko sa kanila.

"Hinihintay namin si Kurt," sagot ni Bryan.

Napatingin ako kay Carlo at tama nga ang hinala ko, nakatingin sya sa akin habang nakangisi. Nilapitan ko sya at bahagyang kinurot.

"Masama na bang ngumiti ngayon?" si Carlo.

Sasagot pa sana ako nang tumunog ang cellphone ni Kurt na hanggang ngayon ay nasa akin.

Nakatingin silang lahat sa akin habang sinasagot ko ang tumatawag. Hindi ko na lang pinansin at tinalikuran ko silang lahat.

"Hey, I made your breakfast. Thank you sa kagabi," sabi ko agad nang sagutin ko ang tawag. Hiyang hiya ako habang nagsasalita kaya naman sa init ng mukha ko ay siguradong pula na naman ang aking mga pisngi.

Ni hindi man lang sya nagsalita sa kabilang linya. "Hoy bakit ka pa tumawag kung hindi ka naman magsasalita?!" kunwaring naiinis kong sabi para mapagtakpan ang pagkapahiya.

"Tara na," narinig ko sa kabilang linya.

"Anong tara na?" tanong ko naman. Sumulyap ako sa grupo nila para masiguro na hindi sila nakikinig pero lahat sila ay nakatingin sa akin. Nanlamig ako nang makitang may hawak ring cellphone si Glenn at gulat ang itsura na nakatingin ng diretso sa akin. Tinignan ko ang screen ng phone at napapikit na lang ng makita ang pangalan ni Glenn. Stupid!

Nawala lang ang titig nila sa akin nang may maramdaman akong tao sa aking likod.

"Kayo na ba?" tanong ni Ice sa amin na nakangiti ng nakakaloko kagaya ni Carlo at Yuan.

"Nasisiraan na ba kayo? Malamang hindi," sagot ko. Halata sa kanilang itsura ang hindi paniniwala sa sinabi ko kaya dinugtungan ko ang sinabi. "Pinahiram kasi nya sa 'kin yung book nya sa History so I made him breakfast to thank him."

Gulat silang bumaling lahat kay Kurt. "Nagpahiram ka?"

"You brought her in your condo," nakangiting sabi ni Ice.

"You slept together?"

Magkakasunod ang mga tanong sa amin.

"What? No! I slept on his bed while he slept on the couch."

Napanganga sila sa sinabi ko. "Bakit nanaman ba?" naiinis na tanong ko. Nakakaloko ang kanilang mga reaksyon.

Nagsalit-salitan ang tingin nilang lahat sa aming dalawa.

Napapikit na ako sa inis nang makita ang paparating na sina Yna, Maj at Liz. Dadagdag pa ang mga 'to.

"Una na 'ko."

Nagsimula akong maglakad papasok ng school para hindi maabutan ng tatlo kasama ang buong team na maraming binabatong tanong. Ayokong pati sila ay makisali.

"Kurt bakit na kay L.A ang phone mo?" narinig ko pang tanong ni Steven.

Nang makarating sa classroom ay pinapirma lang kami for attendance. Pinasa ko na rin ang workbook na pinasagutan ay hinintay na matapos ang kararating lang na tatlo para sabay sabay na kaming umalis. Pinilit ko pang idelay ang pag uwi namin sa takot na maabutan pa sina Kurt sa gate pero wala akong nagawa nang yakagin na nila ako pauwi.

Nang natatanaw ko na ang gate, nakita kong naroon pa rin sila at hindi pa nagsisialisan. Shit.

"Ayan si L.A!" dinig kong may nagsalita.

"Shut up!" sigaw ko pagtapat sa kanila at nagmamadaling hinila ang tatlo.

Pagdating sa bahay ay agad akong pinaupo ng tatlo.
"So, anong meron sa inyong dalawa?" pagsisimula ni Liz.

Sasagot pa lang ako ay may mga maiingay na sa labas. Si Maj ang sumilip at lumabas. Pagbalik nya ay kasama nya na si Yuan, Ice, Carlo, Emman at Steven.

"Oh anong ginagawa nyo rito?" tanong ko.

Sumagot sya kasabay ng pagpasok ni Kurt kaya hindi ko na napakinggan ang kanyang sinabi. Napatitig ako sa pagtataka kung ano ang gingawa nya rito at sumama pa talaga sya sa makukulit na lalaking 'to.

"Why are you all here again?" nagtatakang tanong ko kay Ice.

Nagkibit lang sya ng balikat.

Nagkanya kanya sila ng upo at nagulat ako nang umupo si Kurt sa pwesto na inalisan ni Maj sa tabi ko.

Sila ni Yna ay naghanda ng makakain ng mga ito kaya nasa kusina.

"Wala ba kayong magawa kaya dito kayo nanggugulo sa amin?" tanong ko nang makaupo silang lahat.

Walang sumagot sa kanila at nakangisi lang na tumingin sa akin. May pataas taas pa sila ng mga kilay na lalo kong ikinabwisit!

Binato ko sila ng throw pillow na tumama sa ulo ni Emman.

"Tigilan nyo nga ako at napipikon ako sa mga itsura nyo!"

Nagtawanan lang sila at mga walanghiyang binuksan ang TV. Naaaliw ko silang tinignan sa mga biruan nila nang tumunog ang cellphone sa bulsa ko.

Napatingin ako sa aking tabi nang mabasa ang pangalan ko na lumabas sa screen. It was a message from my phone.

Kurt:
You told them?

Ako:
What?

Tumingin sya sa akin na tinaasan ko lang ng kilay. Muli nyang hinarap ang cellphone kong gamit nya ngayon.

Kurt:
Alam nila na sa bahay ka kagabi.

Umirap ako at sumagot sa text nya.

Ako:
No. They just figured it out.

Napatalon ako nang tumabi sa kabilang gilid ko at umakbay sa akin si Ice.

"Ano ba?" singhal ko sa kanya. Napalingon si Kurt sa aming dalawa.

"You're so jumpy," natatawang sabi nya. "Sino ba ang katext mo?" sinilip nya pa ang hawak kong cellphone.

Bago pa ako makasagot ay sumagot na si Kurt para sa akin. "Ako, bakit?"

Nakatingin sya sa kamay ni Ice na nakapatong sa balikat ko.

"Your arms," sabi nya na nakatitig kay Ice.

Tumawa ng malakas si Ice habang inaalis ang braso.

Napatingin ulit ako sa cellphone nang tumunog. Binuksan ko ang message na galing sa kanya.

Kurt:
Wag ka magpaakbay.

Nagtitipa pa lang ako ng irereply ay tumayo sya sa tabi ko kasabay ng pagvibrate dahil sa panibagong pasok ng message.

Kurt:
I'm gonna court you.

Kukurutin ko sana ang sarili para siguruhin kung hindi ba ako nananaginip pero naunahan na ako ng sipol ni Ice sa aking tabi. I looked at him and he was looking at my phone, probably have read the message he just sent. Damn!

Mr. COLD (the heartbreaker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon