Chapter 19

82.6K 664 80
                                    

CHAPTER 20

"Ang kapal ng mukha mo para pagbintangan mo kong naglalandi—"

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang bigla nyang suntukin ang poste sa gilid naming dalawa. "Don't even justify what you did."

Napatingin ako sa kamay nya na ngayon ay dumudugo na. Ang sakit siguro non.

"K-kurt yung kamay mo nag d-dugo," tinuro ko yung kamay nya. Kinakabahan ako. Hindi ko pa naranasan na may magwala sa harap ko.

"Ipalinis mo yan tara sa ospital," natatarantang sabi ko na sa kanya. Hinawakan ko sya sa braso para hilahin na papunta sa sasakyan.

Tinabig nya ang kamay ko at masama pa rin ang tingin nya.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Are you jealous?" mapang-asar na tanong ko.

Para syang baliw at nakakainsultong tumawa at nag iwas ng tingin.

Isang beses pa nya akong tinignan at umiiling na dumiretso papasok sa sasakyan at pinaharurot, iniwan akong mag-isa. Bwisit na lalaki.

Kinaumagahan ay wala ako sa mood samantalang panay ang tawanan ng tatlo.

"Iniwan nyo ako mag-isa kahapon dito. Pinasok ako habang tulog," hindi ngumingiting sabi ko sa gitna ng tawanan nila.

"What?" sigaw ni Liz sa harap ko. Tumalsik pa ang ilang kanin na nginunguya sa mukha ko sa lakas ng sigaw nya.

Nakatitig ako sa kanya habang pinupunasan ang mga tumalsik.

"Lei," naiinip na tawag ni Maj nang hindi ako sumagot.

"Pinasok ako sa kwarto," wala pa ring damdaming sabi ko.

Nanlaki ang mga mata nila at tuluyang nanahimik.

"Are you okay? What happened?" kinakabahang tanong na rin ni Yna.

"Nasaan na yung nanloob sa bahay? Napakulong ba? Nakatakas?" natatarantang dagdag ni Liz.

"Nakatakas pagkatapos akong muntik suntukin," sabi ko.

Ang maalala ang lahat ng nangyari kagabi ay nakakapagpawala ng mood ko.

"Shit. Saan ka muntik suntukin?"

Tumayo ako para kumuha ng tubig pero hinila ako pabalik ni Maj. "Anong nangyari ayusin mo!" naiinis nang sabi nya.

"Joke lang," I said, face impassive.

Natahimik sila. Natawa ako.

Pinaghahablot nila ang buhok ko at panay ang hampas nila. Hanggang sa school ay hindi sila naka move on sa pantitrip ko raw sa kanila. Lahat ng sabihin ko ay barado dahil sa nangyari. Natatawa na lang ako at wala silang ginawa kung hindi ang irapan ako. They would get over it later anyway. Hinayaan ko lang.

Napatitig ako kay Carlo nang bigla na lang sya tumawa sa harap ko. Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa audi.

"L.A!" tawag ni Ice, natatawa.

"Anak naman ng bakla oh kanina pa kami nagsasalita rito hindi ka pala nakikinig!" pumapalatak pa si Emman.

"Ano nga ulit sinasabi nyo?" napakamot na lang ako sa ulo ko. Hindi ko talaga napakinggan kung anong mga sinasabi nila.

"Sabi namin ang macho mo," sarkastikong sabi ni Ken.

Tinignan ko sya ng masama.

Nawala lang ang pang aasar nila sa akin nang sabay sabay kaming lahat na lumingon sa may entrance ng audi nang walang pakundangan na pumasok si Kurt.

Binalibag nya lang ang kanyang bag sa gilid at saka kami hinarap.

Late na nga, ganyan pa.

"Let's start," sabi nya.

Nagsitayuan sila mula sa pagkakaupo sa paligid ko.

"Anong nangyari sa kamay mo?" tanong ni Ice nang makita nya ang benda sa knuckles ni Kurt.

Napatingin sya sakin at umiwas lang ako ng tingin sa kanya. Bwisit sya. Tama bang iwan ako mag-isa ng dis oras ng gabi?

"Wala," sabi nya na lang.

"Ayos lang ba sayo magpracrtice?" si Emman.

"Warm up muna tayo," sabi nya hindi na sinagot yung tanong sakanya ni Emman.Batos talaga kahit kelan.

Nag warm-up sila at pagkatapos ay nagsimula nang magpractice. Buong laro nila ay ni hindi ko man lang tinapunan kahit ng konting tingin man lang si Kurt. Nababanas ako sa pagmumukha nya dahil naaalala ko lang ang pang-iiwan nya sa akin kagabi.

"Oh anong mga ipapabili nyo?" tanong ko sa kanila pagkatapos nilang maglaro.

Tinanong ko sila isa-isa maliban kay Kurt. Ayoko sya kausapin at bibilhan ko na lang sya ng kahit na ano.

"Okay ayos na to ah?" Tinaas ko pa yung listahan ko ng mga pinapabili nila sa akin. Si Steven ay sinabihan ko na para samahan ako. Paalis na kami nang magsalita sya.

"Why didn't you ask me? Lahat sila ay tinanong mo, ako lang hindi." Si Kurt.

"Steven pakitanong nga kung ano ang gusto nya," imbes na tanungin sya ng diretso ay kay Steven ako humarap.

Nagpalipat lipat ng tingin ang lahat sa aming dalawa.

"Kurt ano ba sayo?" tanong naman ni Steven sa kanya.

"Ikaw ba kinakausap ko Steven?" pambabara naman ni Kurt sa kanya.

"Steven tara na. Wala nang magpapabili," balewalang sabi ko.

Naglakad na ako palabas kasunod si Steven. Hindi ko sya papansinin! Iniwan nya ako!

Bumili kami sa pinakamalapit na convenience store at bumalik din agad.

"Tapos na ba kayo? Pwede na sigurong umuwi noh? Ayos na kayo dito?" uwing uwi na talaga ako kanina pa eh.

"Oo naman L.A, sige na una ka na. Bye!" si Kristian.

"Sige salamat, bye!" nag wave pa ko sakanila habang sinusukbit ko na ang bag ko.

"Teka 5:00 pa tapos ng practice. 4:00 pa lang kaya wala pang pwedeng umalis," paepal na singit naman ni Kurt. Edi wag, isang oras na lang din naman hihintayin ko kaya ayos lang.

Hindi ako umangal pero hindi ko sya tinignan. Tahimik akong bumalik sa pagkakaupo.

"Bakit?" tanong ko nang mapansin kong nakatingin sila sa akin.

"Masunurin ah?" nang aasar si Ron.

Pag angat ko ng tingin ay hindi naiwasang mapadaan ang tingin ko kay Kurt na nagpabaga ng galit ko sa kanya. "I quit," sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanya.

"Bakit?" sigaw nilang lahat maliban kay Kurt. Takang taka dahil kanina naman ay okay pa ako.

"Hayaan nyo sya. Wag pilitin kung ayaw na." tumayo sya at iniwan kaming lahat.

Nagtinginan kaming mga naiwan. Si Emman ang unang bumasag sa katahimikan.
"Nag-away kayo?"

Wala akong maisagot sa tanong nya kaya naman nagkibit balikat na lang din ako at iniwan din silang lahat na nagtataka sa mga pangyayari ngayong araw.

Mr. COLD (the heartbreaker)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora