Chapter 7

132K 1.1K 74
                                    

CHAPTER 7

Sa pag-uwi ay halos mapatay ko na sa aking isip ang walangyang lalaki. Gustong gusto kong pangalawahan ang pagsapak ko kagabi. Well deserved. Why I said sorry is beyond me. Nagsisisi akong nanghingi ako ng sorry sa isang lalaking napaka bitter sa buhay in general.

Sa sobrang inis ko ay iniwasan kong makita ni anino nya ng ilang araw. Maliban sa pag iwas ko ay binalitaan ako ni Yuan na sya rin mismo ay iniiwasang makita ako at ang labis na ikanainis ko ay ang sinabi ni Yuan na ayon kay Kurt ay "That girl gives me creeps. Stalker." halos mandiri pa raw habang sinasabi.

"L.A!!"

Nilingon ko ang tumawag. Napakunot ang aking noo nang mamukhaan si Jett. He's Maj's ex boyfriend. Nagtataka ko syang tinignan habang hinihintay na abutan nya ako.

"Buti at nakita kita rito. I was on my way to your house. Where's Maj?"

"Why?"

"I want to talk to her."

Tinaasan ko lang sya ng kilay. "I don't know." Nilagpasan ko sya ngunit agad nyang nahawakan ang aking braso, pinipigilang ang paghakbang ko paalis.

"L.A, nasaan nga?"

"I don't know!" nasigawan ko sya sa kakulitan. Pumikit ako para kalmahin ang sarili at pagdilat ay seryoso ko syang tinignan. "If you're so determined to talk to her, come to school. Tomorrow. You're not welcome in our home." Iniwan ko syang nakatayo at nakatingin lang sa pag alis ko.

Ngayon ay wala na akong kaplano plano kung paano ako makakalapit kay Kurt because I'm sure ni masulyapan sya hindi ko na magagawa. He was avoiding me more than I wanted to avoid him. Kaya naman hindi na 'ko nag effort umiwas ng mga sumunod na araw.

Papunta sa tree house ay matatanaw ang audi. Nauna na ang tatlo roon. Kinabahan ako nang makitang may mga lumabas na lalaki. Iniwas ko ang aking tingin at hindi na muling nilingon ang lugar.

"Uy si L.A!"

Napapikit ako nang marinig na nagsalita ang isa sa kanila. Hindi ako lumingon at nagpatuloy lang sa paglakad, nagkunwaring walang narinig.

"L.A!" Nagpatuloy at binilisan ko ang paglakad ngunit sa pagkadismaya ay mukhang hinabol ako at hinawakan pa ang braso ko. Nakangiti akong humarap. Biglang naglaho ang aking ngiti ng mapagsino ang tumawag. Iba pala ang tumawag.

"Jett."

"Where is she?" Tinitigan ko sya. "I just wanted to talk. I promise."

"I will tell her. Let her decide if she wants to talk."

"It won't even be 10 minutes long. Please." pagmamakaawa nya pa.

"No." I handed him my phone. Nakuha nya agad ang nais kong mangyari at nagtipa para idial ang sariling number.

Habang hinihintay ay napalingon ako sa gawi ng audi at nakita kong nakatingin sila sa amin. Kinawayan ako ni Yuan at ng katabi nya na si Ice.

"Musta L.A? sigaw ni Ice.

Binalik ni Jett ang phone matapos ang ginagawa at lumingon din kung san ako nakatingin. "Mga kaibigan mo?"

Nakita kong nagsalita si Kurt at umalis na, iniiwan ang mga kasama. As if! Feeling pogi!

Tumango lang ako sa kanya at muling bumaling kanila Ice. "Fine thanks! Saan kayo?"

"Sa condo L.A. Sama ka?"

Mr. COLD (the heartbreaker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon