I know you! :) Chapter 19

Start from the beginning
                                    

Yun naman ang kadalasang takot ng mga katulad ko eh. Ang mareject sila ng mga taong mahalaga sa kanila dahil lang sa kanilang sexualidad.

Kaya naman natutuwa akong malaman na meron pa ding mga taong nanatiling nasa tabi ko, kahit anu pa man ako.

Si Ces, siya yung kaibigan kong tinutukoy ko na nasa ibang bansa. Dati kasi kapag pakiramdam ko sasabog na yung puso ko sa sama ng loob, luluwas lang ako ng Manila para makausap siya, tapos okay na ko, ngayon hindi ko naman kayang lumipad papuntang ibang bansa ng basta basta para makabonding lang siya.

Kaya nga super thankful din ako dahil ngayon, marami ng way para makausap mo yung mga taong malayo sayo, tulad niya.

Mula nung umalis siya, sa Wechat ko na lang siya nakakausap, everytime na nalulungkot ako, o kaya naman masaya, lagi pa din akong nagkukwento sa kanya.

Kaya ngayon naisipan kong magmessage sa kanya, dahil ilang linggo na din akong nagpaparamdam sa kanya.

To: Ces

-I miss you!

Ganyan lang ako parati magmessage sa kanya. Ang sweet ko diba?

Sa sobrang sweet naming dalawa, madalas na napagkakamalaman kaming may relasyon. Pero ever since naman hindi ako nagkagusto dun.

Siguro nga ganun talaga, meron at merong dadating sa buhay mo na kahit hindi anong gawin mo, o kahit saan mo tignan, alam mong hindi ka maiinlove sa kanya.

Kung meron mang taong ganun sa buhay ko, si Ces yun.

Siya yung tao na siguro kahit anong mangyari, never kong magugustuhan, dahil talagang friendship lang ang namamagitan sa aming dalawa.

Pagkatapos kong isend yun, naisipan ko kalikutin yung Wechat ko.

Nagtingin ako ng news feed kung may bago, at kung meron ba akong makikita.

Sa tinagal kong hindi nagopen, halos wala nagbago at naidagdag.

Kokonti lang kasi yung mga kaibigan ko na merong wechat, kasi mas sikat pa din ang viber.

Napunta ako sa Contacts, at inopen ko yung "recommended friends". Laking gulat ko ng makita ang buong pangalan ni Andrea!

"Catrine De Guzman." Yan yung nakalagay na name niya sa wechat, nakilala ko agad dahil yung picture niya sa viber, yun din ang picture niya sa Wechat.

So ang buong pangalan niya, Andrea Catrine De Guzman. TUWANG TUWA AKO! :D

Nung nakita ko yun, mabilis pa sa alas kwarto, nagbukas ako ng facebook ko. At hinanap ko kung yun nga ba talaga ang Apelyido niya.

Search: Andrea Catrine De Guzman

PERFECT!

Perfect talaga! Yung kaninang pangit na gising ko, gumanda na! Kasi nasa harap ko na ngayon nag facebook account niya! :D

Hindi ako pwedeng magkamali! Siya to!

Chineck ko lahat ng mga pwedeng makita sa account niya, well, nakaprivate yung account niya, pero kahit paano may nakikita pa din ako!

Naisipan ko kung iaadd ko na ba siya, o hindi muna. Kaso gusto ko ng makita yung buong account niya. Excited ako! -____-

Pero mas pinili ko pa ding hindi muna siya iadd, dahil panigurado hindi din naman niya ako iaccept. So ang ginawa ko, tinext ko siya!

To: Andrea Catrine (cute ng name niya!)

-Ang saya ko!

-Wow talaga? Good!

-Oo, wala lang, nashare ko lang! :)

-Ah okay. For sure wala namang kinalaman sa kin yan!

-Yeah? Whatever you say! :) pero sa totoo lang, may kinalaman ka sa kasiyahan ko! Haha.

-Ano ba yun?

-Basta! You'll know it soon! ;)

Hahahaha, tuwang tuwa ako, kasi for sure mapapaisip yun! :) Kaso hindi na din naman siya nangulit! :)

Ano kayang magiging reaction niya kapag nalaman niyang kialala ko na siya?

Well technically hindi ko naman sinasadya na malaman yung totoong pangalan niya. So sa tingin ko wala naman akong kasalanan ko! :)

Ang saya ko! Kasi isipin niyo, dati, araw araw ko siyang hinahanap sa facebook. Araw araw akong nagbabakasakaling baka makita ko sya. Na baka malaman ko na yung buong pangalan niya, pero hindi nangyari yun.

Tapos ngayon, sa hindi inaasahang panahon, nakilala ko siya! Hahaha.

Isang achievement na naman to! Hahahaha.

Nakakatuwang makilala ka ng hindi ko sinasadya Andrea Catrine!

____________________________________________________________________________

Enjoy guys! :D

I want to temporarily hold this, I'll resume as soon as I can. Thank you for reading this guys! mwah.

-Hazelnot

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Where stories live. Discover now