Walter's PovKaaalis lang ni Posh kasi may lakad daw sila ni Zorn. Aba't siraulo talaga 'yong lalaking 'yon, ni hindi man lang sinundo si Posh. Tsk. I offered her na ihatid s'ya but she insisted kasi may bibilhin pa daw s'ya at kaya n'ya na daw 'yong sarili n'ya. Si tita naman ay bumili ng groceries at ibinilin sa amin 'yong bahay. Si Riri naman ay abala habang tinitipa ang kanyang cellphone. What the heck?! Hindi ba n'ya alam kung gaano s'ya ka-bless ngayon kasi kasama n'ya ako?
"May pupuntahan ka mamaya?"
Kumunot ang noo n'ya noong humarap s'ya sa akin.
"What?" Tanong ko sa kanya.
"Are you asking me for a date?"
Oo
"Wow ha? I didn't know na may pagka-assuming ka pala Riri haha" matawa-tawa kong sabi.
"Whatever."
Ibinalik n'ya naman ang tingin sa cellphone n'ya. Ano ba naman 'to! Kami na nga lang 'yong magkasama tapos para pang hangin.
"Hindi ka ba naboboring?"
"Partly yes kasi nandito ka and no kasi may iba akong kausap bukod sa 'yo." Sabi n'ya sa akin ng hindi man lang ako tinitignan sa mata.
"Pagka-uwi ni tita samahan mo ko sa mall."
"And why?"
Napahilamos ako ng mukha at napayuko.
"Grabe naman Riri! Samahan mo lang naman ako."
"Ok."
Napatingala ako sa kanya. Magdadate kami?
"But it's not a date. Nagpaalam ako kay Mavric and he said yes pero sasama s'ya."
*-*-*-*
From: Unknown
Hi Walter! It' Franzine
Franzine who? Grabe naman, nananahimik lang ako sa isang tabi tapos may magtetext sa akin. Bakit ba kasi ang gwapo ko? Kasalanan ata 'yon?
To: Unknown
Franzine who?
Wala pang 5 minutes ay agad akong nakatanggap ng text mula kay Franzine.
From: Unknown
Franzine from the coffee shop :)
Franzine? 'Yong hot chick from the coffee shop kung saan nagwo-work si Riri? Siguro s'ya nga. Bilang mabait na gwapong nilalang, sinave ko naman 'yong number n'ya.
To: Franzine
Yeah, naalala ko na. Paano mo nakuha 'yong number ko?
From: Franzine
You forgot your books kaya tinabi ko muna and nakaindicate doon 'yong mga info mo.
Kaya pala nawawala 'yong libro ko. The heck! 'Di ko man lang namalayan.
To: Franzine
Thank you. Can we meet para makuha ko 'yong libro ko?
From: Franzine
Sure, later sa mall malapit sa coffee shop kung saan tayo unang nagkita :)
Later? May date kami ni Riri--- kasama n'ya naman pala 'yong boyfriend n'ya. Siguro naman sandali lang 'yon.
To: Franzine
Okay.
"Sino 'yang katext mo?"
ESTÁS LEYENDO
Para Sayo
Historia CortaTatlong taon na ang nakakalipas ngunit ginugunita ko pa rin ang mga sandaling merong TAYO.