5

83 48 27
                                    

"Wake up, anak!"

Naramdaman ko ang pagyugyog sa akin ni mama kaya napabangon ako. Tumingin ako sa orasan, maaga pa naman.

"Ma! maaga pa naman ah, bakit mo ko ginigising?" Angal ko kay mama na kasalukuyang nagtutupi ng aking higaan.

"Ayun na nga e, maaga pa pero Zorn is already here"

Napatayo ako sa sinabi ni mama. Anong nandito si Zorn? Baliw talaga 'yun. Tinitake advantage nya yung closeness nila ni mama ah. Nagpaalam na ako kay mama para bumaba at sya na lang daw mag-aayos ng kwarto ko.

"Bakit ka nandito?" bungad na tanong ko sa kanya.

"Good morning din," nakangiti nyang sagot tsaka inirapan ako

Kukuha sana ako ng makakain pero hinila nya ako at pinaupo. Kinuhaan nya ako ng pinggan sa kusina at pinaghain n'ya ako ng kanin at hotdog sa pinggan ko.

"Bahay mo?" Natatawa kong tanong.

"Soon," sabi nya tsaka kumindat sa akin.

Dapat di ba kilabutan ako? Pero bakit kinikilig ako? Naalala ko na naman yung nangyari kagabi kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

"Smiling without reason? Crazy" pailing-iling nyang sabi

"Hoy sinong nagsabi na wala akong rason?"

"I knew it. I'm the reason why," nagsmirk na naman sya

Tumahimik na lang ako at kumain. Baka may kung ano akong masabi sa kanya.

"Oh mga anak, ok lang kayo dyan?" Tanong ni mama.

"Yes ma" sagot naman nitong isa.

"Hoy di mo mama yung mama ko!" sabi ko habang nakapout.

Ngumiti na naman sya ng nakakaloko. Yung ngiting nagbilis ng tibok ng puso ko.

"Soon"

*-*-*-*

"Bestfriend!" sigaw sa akin ni Walter kaya napatakip ako ng tenga

Oo nga pala, I already accept his apology. Nag-iinarte lang naman ako that time e hahaha.

"Oy Wirham! Ayus-ayusin mo 'tong bestfriend ko. Kapag may nangyaring masama dyan, ready your last words" sabi ni Walter

"Yes, I know," nakangising sagot ni Zorn

"Ang weird nyo ngayon, do you have a secret?"

"Wala ah" sabi nya pero di sya nakatingin ng diretso sa akin

Habang hinahatid ako ni Zorn sa room, ang tahimik. Wala ni isang nagsasalita sa amin. Pakiramdam ko mabibingi ako sa sobrang katahimikan. Ah! May itatanong nga pala ako sa kanya.

"Zorn, akala ko ba kapag nagpakilala na ako sayo titigilan mo na ko?"

"Huh? I can't remember that I agreed to your proposal."

Napasimangot na lang ako. Oo nga, wala nga syang sinabi na ganun pero mas ok na 'to.

"Salamat nga pala" sabi ko

"Stop saying 'thank you' araw-araw ko ng nakikinig yan sayo," naiirita nyang sagot

"Basta thank you."

Tinignan ko lang sya sa peripheral vision ko, nakangiti sya.

*-*-*-*

"Uy anong nangyari sa inyo ni Zorn?"

"WALA"

"Sus as if naman! Gusto mo na 'no?"

Hindi ko na sinagot si Walter. Ang dami n'yang tanong sa tingin ko naman alam nya na yung sagot.

"Good yan bestfriend! Atleast makakapagmove on ka na sa gunggong mong ex"

Dumating na ang teacher namin at nagturo. Lahat ng kaklase ko ay nakikinig about sa LOVE kasi ang pinag-uusapan.

"Anong nararamdaman nyo kapag hinawakan nyo ang kamay ng boyfriend or crush nyo?" tanong sa amin ni maam

"Ma'am parang may kuryente pong dumadaloy sa katawan, bumibilis yung tibok ng puso at the same time naeexcite" sabi ng classmate ko

"Walk away from that man, he's not the right man for you. If you hold a man's hand and it feels you comfortable and safe. Stay with that man, he will be the one that your going to marry"

*-*-*

Naglalakad ako mag-isa para umuwi. Wala naman si Walter kasi may pupuntahan pa daw sya. Si Zorn naman ng papractice ng basketball, varsity kasi sya. Madilim na rin.

Tumingin ako sa kalyeng dadaanan ko. Nakita ko na may nag-iinuman kaya napaatras ako. Ugh! Hayaan na nga kaya ko to! Bibilisan ko na lang maglakad.

"Oh Miss! Nag-iisa ka lang ngayon? *hik* Ang babaeng katulad mo ay di dapat *hik* hinahayaan maglakad mag-isa sa daan," sabi nung isang mamang kalbo na may malaking tyan.

Napaatras ako kaya lang nabunggo ko yung mamang balbas sarado at nakahubad. Ang pawis nya! Ugh!

"Hayaan mong samahan ka namin Miss papuntang langit," nakangisi nyang sabi habang hinahawakan ako.

Natatakot na ko. Papalapit na sa akin yung mamang may malaking tyan. Hindi ko kayang lumaban kasi ang lalakas nila at nanghihina na ako sa mga pinaggagawa nila. Akma akong hahalikan ng lalaking may malaking tyan kaya lang nakita ko si Zorn kasama ang mga kaibigan nya sa basketball na may hawak na batuta at yung iba naman ay kutsilyo na convertable.

Yung lalaking may malaking tyan wala na, nakahiga na sa sahig.

"Ano ba yan pare! Nilalabas labas pa namin to! e isang suntok mo pa lang tulog na yan e," sabi nung isang kavarsity nya

"Sige boss sibat na kami dalhin lang namin 'tong mga kutong lupa sa police station."

Hinawakan lang ako ng kamay ni Zorn. Yung kaba at takot ko parang magic na nawala.

"May magic ka ba?"

Instead na sumagot sya, niyakap nya lang ako. Ramdam ko ang paghabol nya sa kanyang hininga.

"Ok na Porcelain. Nandito na ko. Sorry sorry sorry " sabi nya habang nakayakap sa akin

Eto ba yung sinasabi ni ma'am? I guess she's right.

"Ok ka lang? May ginawa ba sila sayo" nag-aalala nyang tanong

Umiling ako tsaka itinaas ko yung kamay nyang hawak-hawak ang kamay ko.

"Ok na ko," nakangiti kong sagot

*-*-*-*

"Nandito na pala kayo mga anak! Teka lang at maghahain na ako" masiglang sabi ni mama

"Mama pagod si Zorn galing basketball kaya uuwi na sya" sabi ko

Tumango na lang si mama at sinabing mag-ingat si Zorn sa daan. Naiwan kaming dalawa dito sa labas.

"Babalik ako dito bukas kasi from now on, ako na ang maghahatid at magsusundo sayo" sabi nya

"Hindi mo naman kailangan e"

"But I want to"

Zorn, thank you dahil sayo parang nakapagmove-on na ako kay Kaxier.

xxxxxxxxx

Love is saving you like a hero.

If you love someone, you don't have to think twice to save him. Lahat gagawin mo para maging safe lang sya. When you hold his hand parang magic na mawawala ang kaba at takot mo then you will know that everything's fine. Kamay nya pa lang ang hahawakan mo, feeling mo safe ka na. Kahit ilang bad guys pa ang nagtatangka o may masamang balak sayo, he'll face it why? Cause he can't afford to see that you are hurting by someone. Feeling mo prinsesa ka na sinave ng prince charming mo sa mga evil witch.

I feel the magic when I hold his hand.

xxxxxxxxxx

Para SayoWhere stories live. Discover now