16

24 7 3
                                    

Pagkagising na pagkagising ko pa lang ay agad ng pumasok sa isip ko ang usapan namin ni Zorn.

"Posh, breakfast na." Sabi sa akin ni mama na nakadungaw sa kwarto ko.

"Opo ma, sunod na lang po ako."

Bago ako bumaba, tinignan ko muna ang cellphone ko.

From: Zorn

Good morning. Don't forget to come later I'll wait. See you!

Sabihin n'yo nga sa akin, anong parte ng text n'ya ang nakakakilig? Naramdaman ko na naman 'yung pag-init ng mukha ko. Pagbaba ko nakita ko si Walter na kumakain. Tsk ang takaw talaga.

"Yow bes! Maganda ba umaga mo kasi ako ang nakita mo?" Tinaas-baba n'ya ang kilay n'ya.

On cue, kinuha ko ang pinakamalapit na bagay na pwede kong madampot at ibinato ko ito sa kanya.

"Aray ah! Tita oh! Si Posh nambabato!" sigaw ni Walter.

Tumawa lang si mama sa kanya at nagpatuloy sa pagluluto para sa tanghalian namin.

"Ayan 'di ka pinansin, wala kasing nagmamahal sa 'yo haha." pang-aasar ko sa kanya sabay dila.

"Haha marami po kayang nagmamahal sa akin."

"Haha maniwala ako sa 'yo."

"May nagmahal sa akin pero 'di ko naman pinahalagahan kaya ayun nawala na."

Ngumiti s'ya pero halatang peke. Napatigil s'ya matapos n'yang sabihin iyon. Halatang malungkot s'ya, hindi naman kasi magaling magtago si Walter ng nararamdaman. Ginulo ko 'yung buhok n'ya.

"Ayan magdadrama ka na naman, kumain ka na lang kaya."

Agad naman napalitan n'ya ang mood n'ya.

"Ikaw kasi, e! Ang gulo mo tsaka 'wag mo ngang guluhin 'yung buhok ko! Kalahating oras ko 'to inayos pero sa bagay kahit ano namang ayos ng buhok ko ay babagay pa rin sa akin kasi nga gwapo ako."

"Ewan ko sa 'yo."

"Bes, insecure ka? Haha"

Hinawakan ko ang balikat n'ya.

"Ok lang 'yan bes kung saan ka masaya susuportahan kita kahit alam kong mali."

Tinapik n'ya 'yung kamay ko dahilan upang maalis iyon sa balikat n'ya. Maya-maya ay may nagdoorbell kaya inutusan ako ni mama na pagbuksan ito.

"Hi Porcelain"

"Riri! Tara, pasok ka"

Noong pumasok na kami, napatigil si Riri sa paglalakad kaya tinignan ko ang tinitignan n'ya. Oo nga pala, nandito rin si Walter. Tumuloy s'ya ng lakad at ngumiti kay Walter. Halata namang nagulat si Walter sa pagdating kay Riri pero agad n'ya itong binawi at binati si Riri.

"Yow Riri!"

"Glycerin nga kasi!"

Iritadong sagot ni Riri pero mas lumawak 'yung ngiti ni Walter. 'Yung totoo? Nakamove-on na ba talaga si Walter sa kanya? Para namang hindi pa haha sad to say, may boyfriend na si Riri.

"Nga pala Posh, may date raw pala kayo ni Zorn?" Sabi ni Walter.

"Zorn? 'Yon 'yung nanliligaw sa 'yo 'di ba Posh?" Sabi naman ni Riri.

"No, magkaibigan lang kami."

"Anong magkaibigan? Baka magka-ibigan. BOOM!" Sabi ni Walter with matching action pa para daw mas damang-dama haha.

"Wag kang maniwala d'yan Riri." Pagkukumbinsi ko sa kanya.

"Okay, if you say so."

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa aking bulsa kaya agad ko itong kinuha. Napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni Zorn sa screen, bakit ba palagi akong napapangiti kapag si Zorn ang usapan?

From: Zorn

Are you awake? I'm eating my breakfast. Dapat ikaw din.

Ngumisi ako saglit pero binawi ko agad. Baka kasi makita pa nila Walter at Riri, hindi pa ko tantanan sa kakatanong.

To: Zorn

Gising na ko at kumakain na rin :)

From: Zorn

Good. You know, naboboring ako dito sa bahay.

To: Zorn

Bakit?

From: Zorn

My family are all sleeping. It's not my usual time to get up.

To: Zorn

E bakit ka pa gumising ng maaga? Pwede ka naman mamaya pa bumangon, e.

From: Zorn

I need to prepare something haha and besides it's your usual time to get up, gusto kong makasabay ako sa mga ginagawa mo even if we're not on a same place. Text me if you're done. Don't forget our date.

Anong nangyari? Bakit ba ang sweet nya? Naku! kung ganito ba naman ang manliligaw sa akin, bakit kailangan ko pang ireject? Hahaha pero syempre dalagang filipina tayo kaya kailangan nating magpabebe kahit konti haha.

"Hoy! Kinikilig ka na naman d'yan."

Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Riri. Inirapan ko na lang s'ya.

You're ruined my imagination.

"Kailan date n'yo?"

Kumunot ang noo ko sa tanong ni Riri.

"Paano mo nalaman?" Takang tanong ko sa kanya.

"Seriously?! You didn't notice my presence noong nasa likuran mo ako?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Riri. Hagalpak naman sa tawa si Walter kaya napayuko na lang ako. Kasalanan ko bang hindi ko s'ya mapansin?

"Ganyan talaga 'yan Riri kapag si Zorn na ang pinag-uusapan. Ni wala ngang talab d'yan 'yong charms ko, e."

Napa-"ew" na lang si Riri dahil sa sinasabing 'charms' ni Walter. Napasimangot naman si Walter sa naging reaksyon niya.

*-*-*

Someone's POV

"Give them 3 months. Kapag walang nangyari sa kanila sa loob ng tatlong buwan, doon ka na lang magpakita sa kanya."

"Kapag hindi na s'ya masaya, do'n ka na lang magparamdam sa kanya."

"Kapag malungkot s'ya, do'n mo na lang s'ya alagaan."

"Just please, hayaan mo na lang muna s'yang maging masaya ngayon."

Those words give impact to me. A huge damage that no one can heal but her. Pinilit kong hindi masaktan dahil sa nangyari dati, alam kong ako ang may kasalanan.

"Pre, ano nang plano mo ngayon." Tanong sa 'kin ng isang lalaki.

"Ano pa ba? I'll wait."

"Wait? Maghintay? Palagi ka na lang naghihintay."

"I do it because I need it. Nagsuffer s'ya kaya kailangan gano'n din ang gawin ko. Nasaktan s'ya kaya dapat masaktan din ako."

He chuckles.

"Olats ka pala, e."

"I'm not. I'm just waiting for the right timing. I want to assure that when the right time comes, makukuha ko ulit s'ya."

xxxxxxxxxx

Love is a time.

Kung gusto mong maging kayo, you need to wait for the right time. Right time para mapatunayan mo sa kanya na ikaw talaga ang 'the one'. True love waits kahit gaano pa ito katagal. Kahit abutin pa ito ng isang araw na naging isang buwan na naging kalahating taon na naging isang taon at sa mga susunod pang taon.

And I'll wait---I'll wait for him to confess his feelings.

xxxxxxxxxxx

Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon