12

28 10 2
                                    

A/N:

Before anything else, gusto kong ayusin ang pagpronounce nyo ng pangalan ni Kaxier. Inaasar ako nila ate e.

Kaxier pronounces as 'cashier'

*-*-*-*-*

*flashback

Kaxier's POV

"String!"

Tawag ko sa babaeng nasa kabilang building. Agad akong tumakbo papunta sa kanya dahil may importante akong sasabihin sa kanya.

"Bakit ka ba tumatakbo? Tignan mo pawis na pawis ka na."

Inabutan ako ni String ng panyo at pinunas ko ito sa mukha ko.

"M-may sasabihin kasi ako."

Ano ba Kaxier! Umayos ka nga! Kailangan mong masabi sa kanya iyon bago matapos ang araw.

"Ano yun? May problema ka ba?"

Lumapit s'ya sa akin at hinawakan ang balikat ko. Asdfghjkl String naman oh! Wag kang ganyan! Hindi ako makapagconcentrate.

"W-wala wala tara kain tayo."

"Sige ba basta libre mo ko ah."

Pilit naman akong tumawa at tumango sa kanya. Ano ba Kaxier! Hindi naman 'to unang beses na aamin ka pero bakit kapag kay String tiklop ka? Dapat ang sasabihin mo yung cool na cool na 'String, I like you' hindi yung 'tara kain tayo' tapos uutal-utal ka pa .

Pumunta kami sa canteen at umorder. Napansin ko yung mga estudyanteng nakatingin sa akin. Qbsxausnl ngayon ka pa tinamaan ng hiya ah.

'When you'll tell to her about your feelings, chin up. Don't be so nervous'

Naalala ko yung sabi ni mommy kaya kahit doon lang nagkaroon ako ng lakas ng loob para humarap kay String.

"String, I like you."

Tinignan ko si String. Halos maging puti na ang kulay ng balat ko. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Ang dami kong inipon na lakas ng loob para lang sabihin sa kanya yun tapos makikita ko syang nakaearphone lang habang kumain. WTF?!

"Ugh" mahina kong sigaw habang ginulo yung buhok ko.

"May problema ka ba?"

"WALA" pasigaw kong sagot sa kanya tsaka umalis.

Nakita ko ang mga ibang tao na pinagtitinginan kami. Ugh! Hindi ko pa rin sya matiis na iwan kahit malaki na sya at palagi nyang sinasabi na kaya na nya ang sarili nya. Tumalikod ako at pupunta na sana sa canteen para balikan si String kaya lang--

"Aray!"

Sh*t agad akong napatakbo sa kinaroroonan ni String. Naabutan ko kasi syang nakaupo sa sahig dahil sa pagkakatapilok sa daan.

"Ayos ka lang?"

Chineck ko agad kung may sugat sya o kaya pasa. Thanks to God dahil wala naman.

"Hindi, sa tingin mo ba ayos ako?" iritado nyang tanong

"Hindi, bakit ka ba kasi tumatakbo?"

Binatukan naman nya ako bigla pero imbis  na magalit ay parang natuwa pa ako sa ginawa nya.

"Ikaw kasi e! Bigla-bigla kang nagwawalk-out. Nagtatanong lang naman ako kung anong problema---"

"Ugh! Sasabog na ako kung hindi ko sasabihin 'to. Porcelain String Zeju, mahal kita"

Sa wakas nasabi ko na. Parang tumigil yung mundo ko noong lumabas yung mga katagang iyon sa aking bibig. Narinig ko rin ang lakas ng pagkabog ng puso ko pero mas lalong bumilis ito noong yakapin ako ni String.

"The feeling is mutual" bulong na sabi nito at bakas dito na nakangiti sya

Nakarinig ako ng palakpakan sa paligid kaya napahiwalay kami sa isa't-isa.

"1...2...3!"

Pagbilang nya ng tatlo ay tumakbo agad kami. Parehas naming hinahabol ang hininga namin noong makalayo na kami sa mga schoolmate at mapunta dito sa abandunadong building.

"Wow! May ganito pa lang building dito" sabi ko sabay tumingin-tingin sa paligid

"Kaxier, let's go back ang creepy dito"

Humarap ako kay String at ngumiti. Oo nga pala, yung nangyari kanina. That was amazing. Seryoso kong siyang tinignan

"String, be my girlfriend"

Ngumiti sya ng malawak at tumalon para yakapin ako.

"Yes! Yes yes yes"

01-09-14. January 9, 2014. This is the day na naramdam ko na kumpleto ako. I just only have her but it feels too much.

Day passed, naging hot topic kami ni String. Kesyo ang sweet daw namin, we're are perfect for each other and many more.

"Brad, ayos ah! Nakaamin ka din hahaha" matawa-tawang sabi ni Walter

"Grabe pala yun 'no! Parang sasabog yung puso ko sa sobrang kaba noong umamin ako sa kanya"

"Sus ang corny mo naman hahaha porque kayo na. Congrats pala sikat na kayo ngayon dito dahil sa ginawa nyong eksena noong nakaraang araw"

Pagkatapos kasi noong eksena na iyon, pagpasok namin kinabukasan halos lahat ng makasalubong namin ay binabati kami. The best daw yung nakita nilang scene tsaka bagay daw kaming dalawa.

"Ok lang kahit buong mundo malaman na kami ng dalawa ni String. I'm not ashamed that we're together. I'm actually proud of it but I'd rather not to tell to everyone that we are"

"Bakit naman?"

"I want to protect her from others. Kapag sinabi ko sa lahat iyon, maraming makakakilala kay String at sa akin baka maagaw pa s'ya sa akin."

"Hahahaha selfish ka bro" sinuntok nya ako ng mahina

"Selfish? Nah, what I mean is nasa akin na si String hahayaan ko pa ba syang mapunta sa iba? Hindi ako tanga."

Tumawa naman si Walter. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Seryoso kaya ako. Pagkatapos nyang tumawa ay sumeryoso naman ang mga tingin nya.

"You're too good to be open huh? If you will break my cousin's heart bare with my fists."

"Kapag sinaktan ko si String, expect me na pupuntahan kita kahit nasaan ka man para lang masuntok mo ako."

Saktan si String? Iyon na ata ang huling bagay na gusto kong gawin sa buhay ko. She's the one, hindi ko s'ya magagawang saktan.

"Deal" nakangiting sabi ni Walter

Nakarinig kami ng mabibilis na yapak ng paa. Lumingon kami sa pinanggagalingan nito at agad akong lumapit sa kanya.

"Bakit ba kasi ang hilig mong tumakbo? Ok ka lang ba? Baka madapa at masugatan ka dahil sa ginagawa mo." sabi ko habang tinitignan kung mayroon ba siyang sugat.

Agad naman nya akong niyakap ng mahigpit kaya natigilan ako sa pagtingin kung may sugat siya at tinugunan ko ang yakap niya. Ang init ng yakap niya. Sa tingin ba ni Walter, papakawalan ko pa 'tong ganitong klaseng babae na 'to?

"I'm ok. Salamat sa pag-aalala, I love you Kaxier"

Tell me, anong dahilan para iwan ko 'tong babaeng 'to? Wala naman di ba? She's perfect.

xxxxxxxxxxxx

Love is a treasure.

Being rich didn't always about money, sometimes all you need is love. Pure love feels you complete and content. Noong makilala ko s'ya, alam ko na na siya ang 'the one'. Siya ang gusto kong makasama sa pagputi ng aking mga buhok. Kahit maging mahirap pa kami, I will always be proud as long as we're together with our little juniors.

I can't afford to lose the treasure that I have right now.

xxxxxxxxxxxx

Para SayoWhere stories live. Discover now