Chapter 5: Fight

29.7K 652 13
                                    

Hi! Ito na po ang huling chapter na available sa wattpad. Kung nagustuhan nyo po ang story na ito at gusto mag pa tuloy, pwede nyo pong basahin ang "Hey Back-off She's Mine!" sa Dreame. Don't forget to follow me and leave me message of love. 

See you there

xoxo

Donya Ecrivaine


Chapter 5

Coleen's POV

Problemado akong nag lakad papunta sa faculty. Uwian na at pinapatawag ako ng Art Proffessor namin. Siguro para humingi ng tawad doon sa sinabi ni Vince kanina.

Parang sira naman kasi ang taong iyon! Lagi nalang akong pinag ti-tripan. Sumula ng pumaso sya ang dami ng problema na dumating sa akin. Take note! 2nd day nya palang pero ang stress level ko sa kanya ay pang end of school year na!

Kung maka-asta ay akala mo close kami! Bakit ba ganoon iyon? Akala ko baa ng bad boy eh pa walang pake sa mundo effect? Dapat babae ang lalapit sa kanila? Eh bakit ang isang ito ay masyadong pa epal sa akin?

Wala naman akong matandaang may atraso ako sa kanya. Kakakilala ko pa nga lang sa kanya eh!

Dumating na ako sa may faculty at pina diretso ako ng mga prof sa pwesto ni Sir sa dulo. Malayo palang ako kay kita ko ng nasa harapan nya si Vince, naka upo sa upuang vacant, akala mo teacher din.

"Good afternoon sir" bati ko sa kanya.

Ngumiti lang si Sir sa akin, kitang kita ko nakakaiba ang ekpresyon ng mukha nya. Para syang kabado o ano.

"Ah sir,bakit nyo po pala ako pinatawag?" saglit na tumingin si Sir sa akin, pagkatapos ay kay vince na nag cecellphone at sa akin ulit.

" A—ano kasi, ganito ka—kasi iyon Miss Soriano " nauutal pa nyang sagot. Anong nangyari dito kay Sir? Naiilang ba sya kay Vince? May crush ba sya kay vince? Pero may asawa sya?

Humarap ako kay vince


"Naiilang sayo si Sir, umalis ka muna " utos ko sa kanya.

Tapang ko na ngayon. Inirapan nya ako. Tinignan nya si Sir bago sya tuluyang umalis.

"Sir, ano po bang sasabihin nyo?" tanong ko.

"Coleen, ganito kasi iyan. Mula ngayon ay hindi mo na kailangang mag exam sa akin, o mag assignment " nagulat ako sa sinabi ni Sir.

Ano daw?

"Bakit sir?"

"Basta si Vince na ang bahala sayo" agad akong sumimangot sa sinabi nya.

"Bakit naman sir? Ano ang kinalaman ni Vince dito—"

"Kahit ang practical exam hindi mo na kailangang gawin" napa isip ako sa sinabi nya. Naalala ko pa ang unang practical naming naging tampulan ako ng asaran.

Ayaw ko na iyong maulit pero mas lalo ko atang ayaw ng makasama si Vince! Mas maiistress lang ako sa taong iyon!

"Sir parang unfair naman po ata—"

"Buong school year mong hindi gagawin iyon pero yung kay Vince 2-3 weeks lang" napatigil ulit ako sa sinabi nya.

Akala ko naman 1 year pero 2-3 weeks lang. Ang kapalit pa ay buong taong walang practical.

"Deal!" mabilis kong sagot sa kanya.

Ano baa ng 2-3 weeks na iyan. Napaka liit lang na bagay. Masaya akong umuwi sa bahay namin. Masaya din ako dahil weekend na, ibig sabihin dalawang araw kong hindi makikita si Vince.

Hey!Back-Off She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon