Chapter 1: Transfer student

49.3K 1K 86
                                    

Chapter 1

Coleen's POV

"Coleen! Dalian mo naman!" sigaw sa akin ni Steph habang nag mamadali syang mag lakad at ako naman parang namamasyal pa habang papunta kami sa school.

Nag check ako ng wrist watch at nakitang quarter to 7am palang.

Ang aga-aga pa eh,nag mamadali naman masyado itong si steph

"ba't ka ba kasi nagmamadali?"reklamo ko sa kanya.

Araw-araw naman ganitong oras kami naalis. Madalas pa ngang sya ang nagsasabi sa akin na wag mag madali, tapos sya ngayon ang aligaga.

"may transfer kaya!!di ba in-announce sa inyo kahapon??and guess what,12 year din sya!!" excited na excited nyang sabi sa akin. Halos muntikan pa syang tumalon sa tuwa.

"oh?"

Bakit ngayon pa sya nag transfer kung kelan senior na sya,at tapos na rin yung 1st quarter.

"ba't ngayon pa nag transfer?masyado naman ata syang late"

"Malay ko, problema na iyon ng school. Basta ako masayang may bagong mukha, sawang sawa ako sa mukha ng mga kaklase natin. At malay mo!" nilakihan nya ang mga mata nya sa akin habang super lapit nya naman.

Kumakaway na ang mga pores nya sa akin.

"Baka sya na ang prince charming ko!" at humagikhik pa sya " Halika na bilis!"

Nag simula na syang tumakbo ako naman,tumakbo na rin...ayoko ngang maiwan..nung nasa school na kami, halos hindi na nakapag paalam si Steph dahil aligaga syang pumunta sa room nila. Hindi kami classmate,ang sad nga eh,pero okay lang kasi classmate ko naman si—

"Hi! Coleen" Oh!!speaking of the loveable angel! Parang commercial model kong nilingon ang pinanggalingan ng gwapong boses na iyon.

"Goodmorning my loves—I mean goodmorning James!" masayang bati ko pabalik sa kanya. Kung masaya ka, mas masaya ako.

"Maganda ata ang gising mo? tara sabay na tayo." Yaya niya sa akin.

"Medyo eh, let's go"

As if naman na tatanggihan ko yang gwapong nilalang na yan diba?

Sabay kaming nag lakad katulad ng madalas naming ginagawa kapag nagkakasalubong kami sa umaga matapos kong ihatid sa room nya si Steph. James Natividad is the definition of leading man, kung ikukumpara mo sa mga classic novelas.

Sya yung gwapo na mabait na anak ng mayamang haciendero at walang pakialam sa estado ng buhay ng mahirap na bida dahil mahal na mahal nya ito. Ganoon nya ka perpekto. Si My loves ang perfect heartthrob and gentleman.

"James, may practice ba mamaya?" tanong ng isa naming schoolmate ng nakasalubong namin sa paglalakad

"After lunch" nakangiting sagot nya.

I'm guessing sa dance troup ito. Dahil aside sa pagiging gwapo at mabait, talented din yang si loves. Buti na nga lang member din doon si Steph kaya may excuse akong sumama at mag pantasya kay James. Ang galing-galing sya kasing sumayaw.

"Coleen, why are smilling?" agad akong napatingin kay James, hindi ko napansin na nangingiti na naman ako. Ganoon talaga kapag masaya ang crush life mo.

"Mukhang malayo na naman ang nararating ng utak mo ah" tawa nya. Napangiti din ako sa sinabi nya. Hindi naman nakakatawa yung sinabi nya pero dahil sya ang may sabi tatawa nalang din ako.

"Halika na nga" natatawa pa din sya ng bigla nyang hinawakan ang pala-pulsuhan ko at hinatak ako.

Napakagat ako sa aking labi sa paghawak nya sa akin. How I wish sa kamay nya nalang ako hinawakan. Wala namang malisya eh! Damot.

Hey!Back-Off She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon