Chapter 4: Love Shot

32.6K 751 62
                                    

Chapter 4

Coleen's POV

Pag gising ko palang ng umaga, parang ayaw ko ng pumasok. Makikita ko na naman ulit ang pag mumukha ni Vince. Kahapon lang sya pumasok pero ayoko na agad syang Makita eh

Paano ba naman kasi kung ano-ano na lang yung sinasabi nya tapos yung mga pinagsasabi nya pa ang hirap intindihin. Ginagawa nya kung anong gusto nya at sya lang ang nakaka-intindi sa sarili nya.

Pag pasok ko sa classroom, konti pa lang yung mga tao pero nandoon na rin si Vince. Napapikit ako ng mariin. Mukhang maaga akong sasabak sa laban ah.

Pero ang aga nya naman para sa isang bad boy. Wala ba silang rule book na dapat laging late? Pero at least stick sya sa pag tulog lagi ah.

Naglakad na ako,umupo ako sa upuan ko ng hindi nag iingay,baka kasi magising sya,at magsalita na naman ng kung ano-ano.

Hindi ako umimik at tahimik na nag hintay sa pag dating ni James.

"COLEEN!" napangiti ako ng marinig ko ang angelic voice ng aking my loves.

Ako talaga ang una nyang hinahanap pag dating sa school. Wag naman ganyan James, masyadong halata ang feelings mo sa akin hehe.

"Goodmorning James!" naka ngiti kong bati.

An gaga aga ng lambingan natin loves ah!

"aga mo ata" tanong nya sa akin.

"maaga kasi akong nagising eh,kaysa naman mag stay sa bahay umalis na lang ako"

"ah..buti na lang di ako tumuloy sa inyo.."hinimas nya ang batok nya pag kasabi noon.

Parang nag ring sa utak ko ang sinabi nya."ah..buti na lang di ako tumuloy sa inyo.." Anong ibig sabihin noon? SUSUNDUIN NYA KO?

"Ha?" tanong ko.

"buti na lang di ako tumuloy sa inyo, susunduin sana kita eh" nakangiting saad ni James.

Kinagat ko ang labi ko at nginitian sya. Pinag salikop ko ang dalawa kong kamay para pigilan ang sarili kong sampal-sampalin ang sarili ko

BOBA! TONTA! BOBA ka talaga Coleen! Bakit sa dinami-dami ng ara na magigising ka ng maaga ay ngayon pa?

"Ah haha, buti na nga lang. Next time nalang siguro?" pilit kong sagip sa lumubog kong saya. Sayang naman yung opportunity na yun!!!

"Oo naman! SIge dun na ako sa upuan ko" naka ngiti akong tumango at kumaway sa kanya.

Hanggang sa maka upo sya ay naka tingin ako sa kanya.

"sayang ba?" agad nawala ang ngiti ko sa narinig kong boses. Hinarap ko sya.

" Gising ka na pala?" walang emosyon kong tanong

"Nagising ako sa lakas ng pagkabasag ng puso mo" umirap ako sa sagot nya. "nag sasayang ka lang ng oras"

Pinanlakihan ko sya ng mata. Kita mo naman ang isang ito. Pagkakagising mang buburyo agad.

" At namang gusto mong iparating??"-me

" Na hindi dapat sya pang hinayangan" nag kibig balikat sya.

"Anong hindi? Naririnig mo ba ang sarili mo? Ang gwapo kaya nya, matalino, magaling sumaway at mabait! Sobrang bait! Para syang anghel na ipinadala ng langin!" mahina pero may riin kong sagot sa kanya.

Inirapan nya ako. Attitude sis is back.

" Mas magaling naman ako dun"

"mas magaling si james sayo.."

Hey!Back-Off She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon