”Hindi ko maintindihan kong bakit ako naging mahalaga sa inyo. Halos isang taon niyo lang ako nakasama noon. Pero bakit?” Ramdam ko ang lungkot sa boses niya kahit hindi ipakita ng emosyon niya. Humarap ako sa kanya. 

”Alam mo ang sagot diyan Sophia. Kahit na ilang beses mo pang itanggi, andyan pa rin sayo ang Sophiang minahal at nasaktan ng lahat. Nandyan pa rin ang babaeng hindi nauubusan ng ngiti kahit na ilang beses apak-apakan. At ngayon, wala kaming ibang gagawin kundi hintayin na bumalik ang Sophiang yun.” Hindi ko mapigilang hindi mapaluha sa mga sinasabi ko. Nagulat ako ng bigla siyang tumawa..

”Yves is really lucky to have you. Hindi siya nagkamali sa pagpili sayo. Kung buhay lang sana siya..” Sana. Pareho kaming napatingin ng pumasok si Sebastian. Nag-bow siyang pareho sa amin. At saka seryosong tumingin kay Sophia..

”She’s already been found, Young Mistress..” Napatingin ako kay Sophia..

 “Where?”

(THIRD PERSON) 

Bumukas ang pinto ng isang madilim na kwarto.

 “Long time no see Madam Diane..” Agad napatingin si Diane sa taong pumasok. Inaaninag niya kung sino ang taong pumasok. At nagulat siya ng makita kung sino.

 ”Ikaw.. Timothy Monteverde..” Seryoso lang na tumingin si Timothy kay Diane..

“Pakawalan mo ako!”Sigaw ni Diane.

 ”Pasensya na, pero hindi pwede. Masyado ng malaki ang kasalanan mo sa lahat lalung-lalo na kay Sophia..” Seryosong sabi ni Tim..

 “Kasalanan? Sila ang may kasalanan sa akin! Hindi nila ibinigay ang dapat na akin!” Sigaw niya ulit.

 ”Kaya iginagaya mo ang anak mo sayo, Diane..” Parehong napalingon si Timothy at Diane sa nagsalita.

”Empress..” Unti-unting lumapit si Sophia sa kinaroroonan ni Timothy at Diane..

”Magkasabwat kayo.” Hindi makapaniwalang sabi ni Diane.

 ”Hmm, i only asked for a favor..” Sagot ni Sophia at saka ngumiti.

 “O ano pang hinihintay mo? Gagantihan mo na ako, sige gawin mo na! Hindi ako natatakot sayo!” Sigaw ni Diane. Natawa lang si Sophia..

“Kahit na ikaw ang puno’t dulo ng lahat, mas maganda siguro kung ang anak mo ang gagantihan ko. Ano kayang mararamdaman mo kapag unti-unti ko siyang pinapahirapan? Hmm..” Tatayo dapat si Diane pero hawak agad siyang dalawang Class S guard. Kaya napaupo ulit siya.

“Hindi mo kayang gawin yan Sophia. Mahina ka! Kagaya ng mga magulang mo at ng kapatid mo!”Pero imbis na magalit si Sophia. She smiled devilishly to Diane..

 “Are you sure?” At biglang naglabas ng baril si Sophia. Bigla namang namutla si Diane, si Timothy nagulat.

“Then let’s try...”

(JUSTINE)

Kanina pa ako palakad-lakad ng mapansin ko si Daniel na balisa. Kaya lumapit ako sa kanya.

”Huy!” Tapos napatalon siya sa gulat. OA naman!

”Oh anyare sayo? Para kang nakakita ng multo.” Bigla kasi siyang namutla.. Para bang may nalaman siyang hindi dapat malaman.

”A-ah. Nagulat mo lang kasi ako.. Sige una na ako..” Tapos nagmamadaling umalis.. 

”Daniel! Huy!” Para kasing may sasabihin siya sa akin.. Kaso ano kaya yun? Ang weird. Hay naku, napapraning na naman ata ako.. 

(UNKNOWN)

 ”Ano?!” Hindi ko napigilang hindi mapasigaw. Impossible, hindi totoo ang sinasabi niya.

”Niloloko mo ba ako, ha?!”Napayuko naman ang tauhan ko bigla sa takot..

”Hindi po. Totoo po ang sinasabi ko, nasa kamay na po ng Empress si Madam Diane.” Damn! Paano niya nahanap si Mama. Bwisit ka talaga Sophia!!!!

 “Ano na pong gagawin natin, Young Mistress?” Tanong ng tauhan ko. 

“Hintayin na lang natin na dumating ang araw ng Royal Grad. At magtutuos na kami ni Sophia. Hindi tayo tatraydurin ni Mama. Hindi siya magsasalita kay Sophia.” Tignan lang natin Sophia, wala kang kaalam-alam na nasa tabi mo na pala ang magpapabagsak sayo. At ako yun...

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Where stories live. Discover now