Adventure! :) Chapter 18

Magsimula sa umpisa
                                    

Kaso hindi na tuloy! -___-

Tumunog ulet ang cellphone ko. This time hindi na ko masyadong interisado tignan kung sinong nagtext.

Message: 1

From: Dana (Blockmate)

-Huy! Hindi ka na nagreply! Joke lang yun, baka maniwala ka! Haha

-Dana naman! Nalungkot na ko eh. Akala ko hindi na talaga tuloy!

-Grabe hindi pa kita ginamitan ng acting skills ko naniwala ka agad! Haha. Halika na! Nandito na kami!

Mabilis akong umalis nga condo at nagpunta sa meeting place namin. Ni hindi na ko nakapagpaalam sa ate ko. Itetext ko nalang siya mamaya.

Grabe ang saya ko! Yung pakiramdam na akala mo babagsak ka sa exam tapos biglang ikaw pa ang highest. Ganun yung nararamdaman ko ngayon. Mas matindi pa nga ata eh.

Sobrang nagmadali ako. Mamaya ako na lang ang hinihintay nila. Sa laki ng mga hakbang ko, hindi na siya pwedeng tawaging paglalakad. Hahaha :)

Pagdating ko sa meeting place, nandun na silang lahat! -____-

Nahiya naman ako. Hanggang dito sa activity namin, late pa din ako.

“Andyan na si Andrea!”

(wow naman. At talagang kailangang isigaw ang pagdating ko.)

“Sa wakas makakaalis na tayo!”

“Hoy Andrea late ka na naman! Hahaha”

“Hindi pa ba kayo sanay guys? Hahaha”

Ito nalang ang sinagot ko. Wala ako sa mood makipagtalo. Technically, hindi ako dapat late kung hindi ako nagood time ni Dana.

Pero sa totoo lang, ang lakas talaga mang-asar ng mga to. Well, di naman ako napipikon sa kanila. Kasi kung sanay na silang late ako parati, mas sanay na ako sa pang-aasar nila. Normal na sa kanila yun.

Tinignan ako ni Dana, na parang nagsosorry. Haha. Siguro naguilty siya, dahil sa text niya late ako.

Dana: “Late siya kasi sabi ko hindi na tayo tuloy, hindi ko naman na maniniwala siya agad! Haha.”

And here I thought tutulungan niya ko ipagtanggol ang pagiging late ko. Mang-aasar lang pala lalo. -__-

Ako: Haha, okay lang, ang mahalaga tuloy tayo! Tara na.

“Oo nga baka hindi natin matapos yung mga gagawin natin.”

Pagkasabi ng leader naming nun, lahat kami naglakad papuntang sakayan.

Pag sakay namin ng bus, ni hindi ko man lang tinanong kung san kami talaga pupunta. Well may tiwala naman ako sa kanila, saka hindi talaga ako magaling sa directions, so sila na lang bahala dun. Ako naman, eto napipikit na. Gagawin ko na ang paborito kong gawin, ang matulog.

Clarice POV

Kainis, ang aga kong nagising! Kasi naman, naiisip ko pa din na may date siya!

Ano bang pakialam ko? -___- Bakit ba apektado ako sa kanya. Haaay. Pero kahit naiinis ako, gusto ko pa ding magenjoy siya sa date niya, kasi nung magkatxt kami kagabi, ramdam ko talaga yung excitement niya. Kasi tuwang tuwa talaga siyang nagkwento. So tinext ko na lang siya.

Nag goodmorning ako, at ang bilis ng reply niya. Pero bakit ganun yung reply niya? Malungkot siya?

Kaya ba siya malungkot kasi hindi na siya tuloy? :)

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon