Chapter 12: Weird Dreams

Bắt đầu từ đầu
                                    

“Te—Teka! Nasaan ako? Anong lugar ’to?!” Paano ako napunta rito?! Tumayo ako at pinagmasdan ang tinatapakan ko.

Marbled floor na may white carpet sa gitna. Parang nasa mansion ako dahil hallway pa lang ay sobrang laki at lawak na. Napakaliwanag ng paligid dahil sa mga chandelier sa taas. Teka, bakit dito ako sa hallway natutulog? Nasaan ba talaga ako? Last time na naaalala ko ay kasama ko pa lang si Faye kanina! Alam ko sa sofa ako nakahiga! What am I doing here?!

“Faye! Nasaan ka?! Bakit tayo nandito?! Faye!” sigaw ko ngunit nag-eecho lang ang boses ko hanggang sa dulo ng hallway. Hala! Ano ba’ng ginagawa ko rito?!

“Why is that, Eve! I am their son too! Bakit si Daryll lang ang napapansin nila?”

Naglakad-lakad ako at napatigil sa harap ng pinto na nakabukas ng kaunti. Parang dito nanggagaling ang boses ng batang lalaking ’yon. Bakit kaya siya umiiyak? Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin ang malawak na kwarto. Malinis, mabango, marbled floor din at parang napakayaman ng nakatira rito dahil sa mga babasagin na gamit at mga naglalakihang painting. Nakita ko ang batang lalaki na umiiyak at may kasama itong batang babae rin. Nakaupo lang sila sa kama. Mukhang magkaibigan sila dahil nakayakap ang batang babae sa kaniya at pinipilit na patahanin siya. Lumapit naman ako sa kanila.

I don’t know. Basta ang alam ko ay mahal ka rin nila, Prince Gulo.” sambit ng batang babae. Ano ba naman ’yan! Ang panget naman ng pangalan! Bakit kaya hindi na lang ginawang Prince Gulong, ’no?

“Hello sa inyo!” Naghintay ako na tumingin sila sa akin at batiin din nila ako ng hello pero wala. Hindi nga nila ako tinitingnan. Snob sila! Baka iba ang language nila?

Annyeonghaseyo! Gracias Señorito and Señorita! Konichiwa! Bueno embotido!” Ay mali yata nasabi ko sa huli. Pero wala pa rin epekto sa kanila. Naubusan na nga ako ng sasabihin.

Pero patuloy pa rin sa pag-iyak ang batang si Prince Gulong—este Gulo. Hindi alam ng batang babae kung paano niya patatahanin ang batang lalaki. Bakit hindi nila ako pinapansin? Hindi ba nila ako nakikita? Hindi kaya..

Kinapa-kapa ko ang sarili ko. “Patay na ba ako?! Ito na ba ang sinasabi nilang kaharian?”

Nagulat ako nang unti-unting maglaho ang lahat pati na ang mga bata. Ano’ng nangyayari sa paligid?! Bakit naglalaho ang lahat? Tinakpan ko ang mukha ko at pinipilit na gisingin ang sarili. Hindi totoo ang lahat ng ito! Wake me up!

“Prinsipe! Sandali lang naman! Ikaw naman ang nanalo, ah!”

Mabilis kong inalis ang mga kamay ko sa mukha ko nang marinig ko ang boses ng babae. Pinagmasdan ko ang paligid at nasa ibang lugar na naman ako! Malawak na lupain at ang natatapakan ko ay malinis na berdeng damo. Maraming mga nakakalat na kabayo. Natatanaw ko rin sa malayo ang napakalaking puting kaharian na nababalutan ng niyebe?! Mukhang doon ako pumunta kanina! Pero paano ako napunta rito?!

“Leave me alone!”

Napalingon ako sa likod nang marinig ang boses ng isang parang makisig na lalaki. Mabilis akong tumabi at muntik niya na akong mahagip dahil tuloy-tuloy lang siya sa mabilis na paglalakad.

“Hoy! Hindi mo ba ako nakikita? Gwapo ka nga, bulag ka naman!” sigaw ko sa likod niya. Nalampasan na niya kasi ako. Pero parang may kamukha siya! Hindi ko lang maalala kung sino.

Napatingin din ako sa magandang babae na nilampasan din ako at mukhang sinusundan niya ang gwapong lalaki. Paanong hindi susundan, eh gwapo! Mukhang kasing edad ko nga lang sila. Aba’t snob din sila?! Sinundan ko naman sila. Ano ba kasing pinag-aawayan nila?

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ