Chapter 12

20 4 0
                                    


12. We need to win!

Pagkarating namin sa pool ay sinalubong kami ng mga pares ng matang mga nanlilisik.

"You think we can forgive you for being late?" mariing sabi nung Peter na nasa isang sulok habang may hawak na sigarilyo. Agad na nag-init ang tenga ko dahil sa bisyo nilang walang wala sa lugar!

"Don't you know that smoking in this area is forbidden? And to tell you the fact na kumuha pa kami ng permit sa office para mahiram itong pool sa ganitong oras." He chuckle at saka nang-iinis pang itinapon ang sigarilyo niya sa harapan namin. Bastos talaga!

"Sumusobra na kayo ha!" sigaw ni Wacky na agad na napatigil nang pigilan siya ni Dorothy.

"What? Lalaban ka?" ani Walter. Yung ibang kasama nila ay mukhang naiinip na walang pakialam na di mo matanto. May pinag-aagawan ata na pagkain.

"Stop this non-sense. Ano bang pakay niyo at pinapunta niyo kami dito?" nakakapagtakang walang umimik ni isa sa kanila at sabay-sabay silang tumingin sa kinikilala nilang leader na si GD.

Tumingin si GD kay Chrine at tinanguan nito ito. Don't tell me na bugbugan ang magaganap na labanan dito sa pool?

"There's a three challenge. First is swimming. Kung matalo niyo kami ngayon, pwedeng kayo ang mamili ng susunod na challenge. But if you lose, kami pa rin ang mamimili para sa second challenge. And if you lose again, it's time for you to pay the price. May nakalimutan pa ba ako, GD?" nakatitig na nakatingin si GD kay Dorothy.

"And vice versa." Si Dorothy na nahuli kong ngumiti ng ngiting kahit kaylan ay hindi ko pa nakita, na dahilan para mapakurap-kurap ako. Guni-guni ko lang 'yon siguro.

"Pa-pano yan, tatlo lang kami?" si Wacky na halatang kinakabahan. Maski ako ay kinakabahan rin dahil 6 vs 3? Naman!

"Three on three, ako si GD at Walter ang sasali." Si Chrine. Tiningnan ko silang tatlo. Hindi pa tumatayo si GD at Walter pero parang halos kasing laki na nila ako. Halos hindi naman sila nagkakalayo ng mga height, pero si Walter ang sa tingin kong pinakamatangkad sa kanila.

"Ang daya naman, Chrine. Bakit hindi kami kasali?" reklamo ni Jack. Tumabi pa sa kanya si Charles na mukhang gusto ring sumali.

"Ayokong mabasa, katatapos ko lang mag comp, baka mapasma ako." Sabat ni Walter. Pero nang tumingin sa kanya si GD ay agad rin niyang sinabi na ayos lang daw tutal nakalimutan niyang nakapagpahinga na nga pala siya. Tss, mga baliw.

"We have to change our clothes." Sabi ni Dorothy na nilingon ako. Tumango ako at napangiti when he pat my head. Oh dear, feeling ko nag-blush ako, hehe.

Nang makapagpalit kami ng school swimming uniform, ganon rin sila ay nagsimula kaming mag-stretching at mag warm up para hindi pulikatin. Habang nag-i-stretch ako ay ramdam kong parang may nanonood sa akin kaya lumingon ako sa paligid ko.

Hindi nga ako nagkamali. Masamang nakatingin sa akin si GD. Nagbawi ako ng tingin ng tawagin ako ni Dorothy at tinulungan sa pag-i-stretching. Buti naman at ginawa 'yon ni Dorothy, dahil hindi maitanggi ng mga mata ko na maganda pala ang katawan ng masamang halimaw na 'yon!

"There's no rule in this game. Whoever finishes it first in two rounds, that's the winner." Says Peter na nagsilbing referee. Tumingin ako kina Dorothy at Wacky na tumango sa akin. Ngumiti ako at nahagip ng paningin ko ang tatlong kalaban namin na mukhang kalmado. Aish! Sana manalo kami!

"Ready~" si Wacky ang mauuna, ang katapat niya ay si Chrine. Pangalawa naman ako at katapat ko si Walter. Ang mahuhuli naman ay sina Dorothy at GD.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Prince or a Thug?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon