Chapter 11

13 3 1
                                    


#11.

Chrine's POV

Nagpunta ako sa rooftop para magyosi nang maabutan ko si GD na nakahiga habang nakatingin lang sa taas at may hawak ring sigarilyo.

Umupo ako sa tabi niya at pagkatapos kong humithit ng yosi ay nagsalita ako, "anong balak mo, GD?" tumingin siya sa akin saglit at humithit sa yosi niya.

"Seryoso ka ba talaga na papatulan mo ang pustahan na 'yon?"

"In love yata ako." Nasamid ako sa usok ng marinig ko mula sa kanya ang salitang what? Love? Nagbibiro siya.

"Tsk! H'wag ka ngang magbiro, ikaw mai-in love? Tao ba naman yan?" tinitigan niya ako ng masama. Tumayo sya sa pagkakahiga at inagaw ang yosi ko. Nak ng putspa, kasisindi ko lang eh!

"I don't know. But----aish! Damn'it! That fuckin' pumpkin! Why do I always see her fuckin' ugly face whenever I close my eyes?! And this shitty feeling! I want to see her more! Damn'it! Is this a curse huh, Chrine?!" humihingal na napahinto siya. Siguro napagtanto niya na basag na ang mukha ko.

"Shit, GD! Why did you---" urgh! Shit ang sakit! Habang nagpapaliwanag siya ay ako ang napagdiskitahan! Hindi ako nakalaban sa gulat ko! Puta!

Nanlalaki ang mata niya ng binitawan niya ako. Umayos ako ng upo at dumura ng malasahan kong lasang kalawang ang bibig ko. Shit!

"Damn'it!" bulyaw niya ulit sa hangin. Tumahimik kami saglit at siya rin ang nagbasag sa katahimikan, "Pasensya na." he said while sulking. Nakakainis! Bakit ba siya nagkakaganyan dahil sa baliw na babaeng 'yon?

"You know what, GD. You're not at yourself. Maybe we can find an albularyo nang magamot yang kahibanagan mo. I mean, he's not your type. She's too plain, baliw pa and most of all, siraulo." Tumigil ako nang sulyapan ko siya. Madilim ang mga mata nitong nakatingin sa akin at mukhang makakatikim na naman ko kung magsasalita pa ako. Geesh! I think he's more crazy right now than his usual!

"Don't shit talk her like that, Chrine. I'm the only one who can say that to her, only me." Itinaas ko ang dalawa kong kamay sa pagsuko. Mukhang seryoso siya sa kanyang sinabi.

"Did your heart races whenever she's near?" okay fine, sakyan nalang ang kaguhang 'to. Tutal, naisip ko na rin naman na kaya niya sinundan ang babaeng 'yon ay baka, baka lang naman, pero hindi ko pa rin akalain na talagang tatamaan siya. Haist!

And about the bet and bullying, maybe it's his way to get close to her? Tss. Pero bully naman siya talaga.

Hindi siya sumagot. Shit! Silence means yes!

"Ano nang balak mo ngayon? Sigurado ka na ba?"

"No, not yet," mabilis niyang sagot. "But I have to make sure. I think I'm going crazy! Damn that woman!" nagsisimula na naman siyang magwala ng tama namang dating ng iba pang isa ring mga siraulo.

"Hey! Kanina pa namin kayo hinahanap, weew!" si Jack. Nasa likuran naman niya sina Peter, Charles at Walter.

"Wala pa ba kayong balita kay Vincent?" tanong ko. Sabay sabay na umiling ang apat. Anak ng, nasan na ba ang isang 'yon? Kung kailan kailanagan siya saka siya wala!

"Anong nangyari sayo?" tanong ni Charles na nakaturo sa mukha ko.

"Wala, may lamok na dumapo, napalakas lang ang paghampas." Lame excuses, tss.

Tumayo si GD at tumayo na rin ako at nagpagpag ng mga dumi sa kumapit sa damit ko. Nang daanan ako ni GD ay may ibinulong siya sa akin na hindi ko pwedeng sabihin. Tss.

Belle's POV

Muntik na akong mapasigaw nang makita ko ang isang babaeng gulo-gulo ang buhok, malalim at nangingitim ang paligid ng mata at may tulo laway pa!

Nanlalatang inabot ko ang toothbrush. Gusto kong magsakit-sakitan para maka-absent ngayon pero hindi pwede! Masisira ang pagiging most punctual image ko, huhu.

Natapos ang first subject na wala naman akong naintindihan dahil panay ang hikab ko. Halos tatlong oras lang ata ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip. Si Dorothy, ang bet at ang Moron Seven. Haist!

Dumukdok ako sa desk habang naghihintay ng pangalawang subject nang may sumisipa-sipa sa desk ko. Sino na naman kaya 'tong, inaantok ako! Urgh!

"Hoy." Dahan-dahan kong inangat ang mukha ko habang nakangiti.

"Anong kailanagan nila?" aish! Ano na naman ba ang problema ng mga 'to?!

"Tss. Stop doing that idiot smile, idiot." Pasimple akong tumingin sa paligid. Nang nakatingin ang mga classmate ko sa amin ay iminintain ko lang ang pagkakangiti ko.

"Ano ba kasing problema mo, GD. Ano bang ginagawa niyo dito?" sabi kong halos hindi bumubuka ang bibig at yung mahina lang na tamang madidinig lang niya.

"Tch!" may ibinagsak siyang maliit na papel sa harapan ko. Kinuha ko naman at binasa, 6pm at the school pool ang nakasulat. Tumingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo pero nakapoker face lang siya.

"Don't forget to bring your idiotic friends, idiot." Sabi nito saka lumayas nalang bigla.

Aba't, hoooooo! Napakayabang! Idiot ng idiot eh sila nga itong mga idiot! Mga gwapo nga may mga pangil at sungay naman!

...

3pm may meeting kami ng mga officer at pagkatapos non ay kinausap ko sina Dorothy at Wacky tungkol sa ibinigay sa akin ni GD na papel. Kahit na ayaw ko na silang idamay sa kalokohan ng mga moron seven na 'yon ay involve na sila. Isa pa, kapag hindi kami nanalo, malamang na mag drop out si Dorothy sa school at hindi ko na siya makikita. Hindi pwede 'yon!

After class, nagkita-kita kami nina Dorothy at Wacky sa office ulit. 1 hour early pa naman kaya nag-usap ulit kami at nagplano.

"What if swimming ang challenge nila?" si Wacky." 'Yon din ang naisip ko dahil sa pool ang venue.

"That's what I thought too." Tumango-tango si Dorothy. Eeeehhhh, ang gwapo!

"God Bless me." Usal naman ni Wacky habang nagsa-sign of the cross siya.

"Anong problema, Wacky? Don't tell me hindi ka marunong---" umiling-iling siya at nakahinga naman ako ng maluwang.

"He's not that good, Belle." Napangiwi ako, paano na? Eh mukhang mga dugong pa naman ang mga 'yon. To think na swimming ang challenge nila, malamang na doon sila magaling.

"But we have both of you guys! Belle is number one on her swimming class and you too Pres!" masiglang sabi ni Wacky. Haaayy, I don't know, pero parang nasisiraan yata ako ng loob ngayon. Much better sana kung pare-pareho kaming the best sa swimming. Pero wala naman akong magagawa tungkol kay Wacky.

"Don't worry guys, we can handle this." Confident na sabi ni Dorothy na nag star-star pa ang paningin ko sa kanya dahil sa paghanga! Oh my prince! Ikaw na talaga ang lightning shimmering splendid von appetite ko, hihi!

-next time ulit

A Prince or a Thug?Where stories live. Discover now