Chapter 1

64 16 30
                                    


A Prince or a Thug?

#1. My Prince and I


Sabi ng mama ko, i don't have to be a perfect girl just to make a person turns his/her head towards me. Paano naman, masyado na akong perpektong anak para sa pamilyang ito pero wala man lang akong maipakilalang kaibigan sa kanila. Biruin mo bukod sa maganda na ako ay palaging ako pa ang nangunguna sa kalase namin (beauty and brain). Hindi ko nga malaman kung bakit hindi nalang sila maging proud sa akin instead na pinagsasabihan akong masyado na raw akong boring. They almost wanted me to get a guy na ipapakilala sa kanila bilang boyfriend ko. How mysterious, samantalang high schooler palang ang unica hija nila.

Hmm well for me, lahat siniseryoso ko. Once I put my mind into it, I focus. Ultimo summer break nagrereview-review din ako.

I have my reason for all of this. Dahil ang kaisa-isang taong pinagpapantasyahan ko ay ubod ng perpekto. Gusto kong mapansin niya ako dahil sa pagiging role model, at kung papalarin man na balang araw ay mapansin niya ako, ay sisiguraduhin kong babagay ako sa kanya.

But then, I have a secret na ako lang ang nakakaalam.

Sinasabi nilang boring ako pero ang totoo marami rin akong kalokohan. Mahilig akong mag-aral pero mas mahilig akong magbasa ng manga at maglaro ng mga games. Hindi man ako mahilig makipagsocialite katulad ng iba pero lahat naman ng bagay na pwedeng mapaglilibangan ay nandito sa kwarto ko.

They have no idea kung gaano karaming manga book collection ang meron ako, they have no idea na meron akong Ps3 sa loob ng kwarto ko, and they have no idea kung gaano karami ang mga DVD ko. 

Pero paglabas ng kwarto ko, ibang tao na ang makikilla ninyo.

"Okay class, you may now see your rankings on bulletin board." Pagkatapos lumabas ng teacher ay isa-isa namang nagsitayuan ang mga classmate ko para tingnan ang mga rankings sa bulletin board. Ako naman ay nagpatihuli sa kanila because I know the result already. *grin.

"Woah! Number one na naman sya ngayon. Biruin mo straight number one ang ranking niya hanggang 9th grade?" sabi ng dalawa kong classmate na hindi ko matandaan ang mga pangalan nila. Ngitian ko naman sila at akmang lalapitan nang magstep backward sila sa akin.

Hmmm truthfully, I have no friends. Gusto ko sana magkaroon ng mga kaibigan kahit isa man lang pero nilalayuan nila ako (girls). Hindi ko alam kung bakit pero parang naaalangan sila sa akin. Ang tingin kasi nila sa akin ay kakumpitensya. Lalo na yung mga classmate kong babae. Insecurity kilss them because of my being.

Lumingon ako sa ibang direksyon dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Hindi nga ako nagkamali. The number two in our class is staring at me. Masama ang tingin nito, siguradong masama na naman ang loob dahil hindi na naman niya ako nabeat. Hehe.

"Ang galing mo talaga, Belle! Wala kang kakupas-kupas!" pagpapapansin sa akin ng mga classmate kong lalaki na walang inatupag kung hindi ang manghook ng mga babae.

"Hindi naman." I smiled sweetly at saka sila tinalikuran. Narinig ko pa silang napa"haaaaayyyy" bago ako nakalayo sa kanila.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nahagip ng mata ko ang kumukumpleto ng araw ko.

"Kuya Dorothy!" I shouted sweetly at kumaway-kaway sa kanya. Halos mapunit naman ang bibig ko sa sobrang luwang ng pagkakangiti nang kawayan ako nito pabalik habang nakasmile sya.

Oh my God! Ngiti palang! Ngiti palang yan!

Nagmadali akong lumapit sa kanya at excited na ibinalita ang pagiging number one ko sa klase.

A Prince or a Thug?Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum