Chapter Sixteen: Girl In The Shore

Start from the beginning
                                    

Nagsalubong ang mga kilay ko na muling sinulyapan ang dalaga. "Palagi po ba siyang ganyan?"

Tumango si Mang Ambo. "Simula nang dalhin mo siya rito ay madalas siyang nagpupunta sa tabing dagat. Nakamasid lang siya. Malungkot at walang sigla. Aba'y kung hindi mo kakausapin ay hindi magsasalita. May mga gabi pa nga naririnig namin siya ni Lydia na umiiyak sa kanyang kuwarto."

"Umiiyak?"

Muling tumango ang katiwala. "Sa tingin ko ay pinagdadaanan ang batang iyan. Hindi naman sa nanghihimasok ako, Sir, pero mas mabuti siguro na iuwi n'yo na siya ng Maynila. Pakiwari ko ay hindi nakakatulong ang kagandahan ng lugar na ito para bumuti ang kanyang kondisyon. Baka sakali na bumalik ang dati niyang sigla kung ibabalik nyo na siya sa kanila."

Maaaring tama si Mang Ambo. Kung ako lang ang magdedesisyon ay matagal ko na siyang inuwi sa kanila. Pero ang problema ko ay si Mr. Alejo. Desidido talaga ginoo na patinuin ko ang pasaway niyang anak. Ngunit paano ko naman gagawin iyon kung siya na mismong ama ay hindi magawang patinuin ang sariling anak.

Pinuntahan ko si Patte sa kinaroroonan niya. Hanggang sa makalapit ako ay hindi pa rin niya namamalayan ang aking presensya. "Hey..."

Saka lang siya lumingon. Nang makita ako ay biglang namilog ang mga singkit niyang mata. "You're here!" Unti-unti ay sumilay sa mga labi niya ang isang ngiti. At kasabay na pag-ihip ng hangin ay ang paglipad ng mahaba niyang buhok na bahagyang tumatabing sa kanyang maamong mukha.

Then suddenly I just stopped and looked at her. Wala sa loob na nasapo ko ang dibdib. Iyon na naman ang pamilyar na pagtibok ng puso ko. Oh boy! This is not good!

"Are you okay, Monreal?" Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Pate. "May masakit ba sayo?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko sa cellphone?" Sa halip ay tanong ko.

Napalabi siya. "Nawawala ang phone ko. Hindi ko na matandaan kung saan ko nailagay," muli niyang hinawi ang buhok na patuloy na nililipad ng malakas na hangin.

May dinukot ako sa bulsa at inabot iyon kay Patte. "Ito ba ang phone mo?"

Nanlaki ang mga mata niya na kinuha iyon. "P-paano...s-saan mo nakuha ito?"

"Nakita ko lang iyan sa side table ng kuwarto mo. Now tell me, bakit hindi mo sinasagot ang phone mo?"

Pero mukhang hindi ko talaga siya makakausap ng matino. "Monreal, bakit ka nga pala nandito? Susunduin mo na ako? Uuwi na ba tayo ng Manila?" Aniya sa masiglang tinig. "Huy! Hindi mo na ako sinagot."

"Yup! Sinusundo na kita...para ipatapon sa Batanes."

"What?" Bigla siyang sumimangot. "Bakit naman doon? Iyon ba ang utos sa'yo ni Daddy?"

Inaabot ko ang kamay niya. "Dumating lang ako naging madaldal ka na. Kumain na nga lang tayo. Gutom lang iyan!" At hinila ko siya patungo ng beach house.

"May dala kang pagkain? Maraming pagkain?" Nakakapagtaka talaga ang pagbabago niya ng mood. Lalo kong binilisan ang paglalakad. "Teka lang naman!" Reklamo ni Pate at pilit hinahabol ang mga hakbang ko. "Jared, wai- Aww!"

Sh-t! Nakalimutan ko ang pilay niya. Parang gusto kong batukan ang sarili nang makita ko siya sapu-sapo ang nasaktan na binti. Yumuko ako at tangkang bubuhatin ang dalaga nang bigla siyang magsalita.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now