Chapter 29

1.3K 15 0
                                    

Young Love 29

Dedicated sa nagsabi na maganda daw  ito, ang ganda daw ng story ko hihi, hindi ko alam kung totoo yun o pambobola para mag-update ako kaagad pero, naniwala ako huhu, nakakaiyak, pero thank you! Kaya eto may update hihi <3

---

Nakikiliti ako, nakikiliti ako! Hindi ako makadilat dahil sa kiliting nararamdaman ko, may kamay na gumagapang sa ilalim ng damit ko, sa tiyan ko, at may nararadaman akong paghinga sa may leeg ko. Anona naman ito?! Muling gumalaw ang kamay kaya naman hinawakan ko na iyon, at dumilat na rin ako, pero sht, napamulagat ako nang biglang may humalik sa leeg ko, kinikilabutan ako!!!

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!" sigaw ko sabay takbo pababa sa kama. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil para akong hihimatyin sa takot at kaba, dahan-dahan namang umupo mula sa pagkakahiga ang salarin ng bilis ng tibok ng puso ko. Nakatakip ang isang kamay niya sa bibig niya at parang nagpipigil ng tawa. Kitang-kita ko kasi sa itsura ng mata niya na nakangiti siya, nasabi ko na ba sa inyo na pag ngumiti si Sir Patrick ay nagmimistulang parang linya lang ang mga mata niya? Gets niyo? Bahala na kayo kung mage-gets niyo! Haha

Huminga ako ng malalim at, " Nakakainis ka!" sigaw ko sa kanya at dumiretso sa CR, bigla kasi akong nawiwi eh. PAglabas ko ng Cr ay hindi ko na siya nakita sa loob ng kwarto niya, oo mga kapatid! Magkatabi kaming natulog, iisang kwarto lang kasi ang meron, napakalaking kwarto, parang para talaga sa aming dalawa, hihi, landeeee.

Kinuha ko ang phone ko na katabi ng phone niya na nasa ibabaw ng study table niya. It-text ko si Tita Lina at Ian. Hay ang lungkot ng buhay ko, ang lungkot ng story ng buhay ko, pansin niyo? Iilang tao lang kasi ang nababanggit, walang kwentang author! Hmmmp, makapag-text na nga.

To: Tita Lina

Titaaaaa! Magkasama po kami ni Sir. Wag po kayong mag-alala. Buo pa rin ako. ^^V

Kasi, kaya ganyan reply ko, may text pala siya sa akin, haha, tapos may nakalagay na, huwag ko daw isusuko ang grand prize. Nag-blush tuloy ako, hindi pa kaya ako ready ibigay yun sa kanya! Hello, hahaha. Nakita ko din na may text ang Mama at Papa ko kaya naman super good mood naman ako...kaya lang...

*bzzzzt-bzzzzt-bzzzzzzt* kinuha ko agad yung phone na nag-vibrate, kanino pa, edi kay Sir, muhahaha, sino naman kay itong ganitong katanghaliang tapat eh nagt-text sa kanya? Hindi ba nito alam na kasama nung tao yung girlfriend niya at nanggugulo siya? Muhahaha ok, ALlyzza, stop na. di na maganda.

Napangiti pa ako pagkahawak ko dito dahil picture ko yung wallpaper, oha, I got his heart, he had fallen for me deeply that he cannot get out of my love, booom. Kaso parang tinangay ng hangin yung ngiti ko dahil sa nakita kong name nung nag-text.

1 new text message

From: Lovely Pretty Lady

Meheeeee, natawa ako bigla, sino namang matinong babae ang magpapangalan sa kanya ng ganito sa phone ng isang gwapo at machong lalaki? Pero, come to think of it, dahil wala naman yatang babaeng ganun, possible na si Sir nagpangalan sa kanya! Lapastangan!

In-open ko yung text at....

From: Lovely Pretty Lady

Patrick, hinahanap ka ni Nica. Naglilihi

OMG!

WTF!

Huminga ako ng malalim, at isa pang hingang malalim, at phew, don't tell me? May naanakan na si Sir, how come? Charots, hmmm magagalit ba ako sa kanya? Pero hindi ko naman nararadaman na dapat akogn magalit tsaka parang natuwa ako sa text ni Lovely Pretty Lady kasi hindi siya yung buntis di ba, yung Nica kaya, anong dapat kong ika-galit?

Young Love ( Student Teacher Affair )Where stories live. Discover now