CHAPTER 53 - Compromised

Start from the beginning
                                    

"Whatever. Kaya nga pala ako dumaan dito para sabihing di kami papasok ni Kiyo after lunch." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya bilang tugon.

Habang papunta sa room nila Kiyo, hindi pa rin maalis sa isip ko yung sinabi ni Mr. De Guzman. Ano bang ibig niyang sabihin sa 'simoy ng kamatayan'? May mamamatay ba? Natigil lang ako sa pag iisip ng mapagtanto kong nandito na pala ako sa tapat ng room nila Kiyo.

"Goodmorning class." Seryosong bati ko sa kanila. Dapat mukhang seryoso para gwapo.

"Good morning sir." Bati naman nila na more on irit sa part ng mga babae.

"Reporters in front. You may start now." Tawag ko sa mga mag rereport na estudyante. Ang sipag ko diba? Katamad kasing mag turo eh. Unang una, hindi naman talaga ako professor, though legit naman ang credentials ko; Pangalawa, I seek excitement and adventure, being confined in a school bores me to death.

Nagpunta na ako sa side dala ang upuan para kunyaring mag masid sa nag rereport. Iginala ko ang paningin ko at nakitang natutulog si Kiyo. Tignan mo yun, ako pa ang sinabihan ng tamad eh siya rin naman. Tama bang matulog sa klase? Tatayo na sana ako para lapitan siya ng biglang tumunog ang phone ko. Napatingin naman sa akin ang buong klase.

"Go on." Sabi ko sa kanila at lumabas na muna sa room para sagutin yung tawag.

"Bakit?" Tanong ko sa tumawag.

"Ilabas mo ng campus si Kiyo. Nakapasok na sila sa school ngayon. Baka may madamay na estudyante." Utos sa akin ng tao sa kabilang linya. Damn. Sabi ko na nga ba, dapat di na kami pumasok.

"Okay sige. Kayo na bahala sa kanila."

Matapos ibaba ang tawag, agad na akong pumasok sa room at dali daling hinila patayo si Kiyo. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"Ano bang problema mo Nanjiro?" Inis na tanong niya sa akin. Rinig ko naman ang bulungan ng mga kaklase niya. Damn. Wala na kong oras mag paliwanag. Hindi nila pwedeng maabutan si Kiyo. Malaking problema pag nagkataon.

"Mamaya ko na papaliwanag. Tara na. Kailangan nating makalayo sa school." Sabi ko sa kanya. Naguguluhan man ay agad naman siyang tumango at nagpadala na sa pag hila ko. Bago pa man kami makalabas ay hinarap ko muli sila Ryuu.

"Ryuu, kayo na bahala sa mga estudyante. Wag niyo palalabasin ng room. May intruder sa labas." Bilin ko sa kanya. Mukhang naintindihan naman niya kaya tumango nalang siya.

Tumakbo na kami palabas ni Kiyo. Takbo lang kami ng takbo hanggang makarating kami sa parking lot. Pero hindi pa man kami nakakalapit sa sasakyan ko ay may biglang sumulpot na limang lalaking nakamaskara sa harap namin.

"Ikaw ba si Moyonaka?" Tanong ng isa sa mga humarang sa amin. Humigpit ang kapit ko s kamay ni Kiyo.

"Kung sasabihin ko bang hindi, pakakawalan niyo kami?" Seryosong tanong ni Kiyo.

"Hindi! Hahahaha." Tumatawang sagot nung lalaking nagtanong.

"Tss. Siraulo! Yun naman pala eh. Ako man o hindi yung Mayonaka na hinahanap niyo eh hindi niyo paa din kami patatakasin. Tatanong tatanong pa." Mataray na sagot ni Kiyo.

"Grabe. Ang tapang talaga ng asawa ko." Nagpipigil ng tawang sabi ko sa kanya. Inirapan niya lang naman ako.

"Aba at nakuha niyo pa ngang magusap sa harap namin. Hindi ba kayo natatakot samin huh?" Inis na sabi nung isa pang lalaki.

"Bakit naman ako matatakot eh kayang kaya ko nga kayong patayin kahit hindi pa tumulong tong lalaking katabi ko." Bale walang sagot ni Kiyo. Gusto ko na talagang matawa sa sinasabi niya pati sa inis n reaksyon ng mga lalaking humarang sa amin.

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now