VOICE 6 (part 1)

155 3 2
                                    

If you're still reading this I just want to thank you for giving this a chance. And I hope you like this chapter :)

Hinati ko siya into two parts kasi masyadong napahaba.

•••••

The Replacement Vocalist

Voice 6 (part 1)
Cloud-y With a Chance of Hailey

☆▪☆▪☆

HAILEY

Dalawang araw na ang nakalipas since the performance output announcement. And it's adequate enough to say that everyone's busy preparing for it.

"Piggy! Let's go!" I heard the familiar voice of Storm shout, a distance away from where I am still seated.

Of which, simultaneously, I heard a sigh from the seat beside me.

Itinigil ko muna ang pagliligpit ng gamit ko para humarap sa Best Friend ko. Nakatayo na siya at tila ba aakalain mong bitbit niya na ang problema ng buong mundo sa itsura ng mukha niya ngayon. Nanlulumo at para bang kapag hinawakan mo siya, or tinapik man lang, ay magpi-piraso na siya sa harapan mo.

Not that I can blame her. She was forced to be in a group with the one person whose soul she'll be willing to sell to a demon for a potato chip, or two.

Pati hindi ko din talaga magets kung bakit sila yung magkapartner. Nakalimutan na ba ni Ma'am na halos muntikan ng saksakin ng pencil ni Snow si Storm?

"Una na ako, friend..." mahina niyang sabi sa akin as she turned her face from her table to me.

"Sige. Bata pa ako e," I tried to joke but she just looked at me with a deadpan expression.

"Hailey."

Sabi ko nga...wala siya sa mood sa mga corny na joke.

"Oo na. Sorry na. Ingat kayo ha. Wag mong papatayin si Storm, okay?"

"Hay. I can't promise but I'll try. Ingat ka 'din."

She walked closer to me and leaned in for a hug. Tinanggap ko naman ito. Tumigil lang kami sa pagyayakapan ng muli na namang tinawag ni Storm si Snow mula sa kung saan siya nakatayo sa labas ng classroom.

"Oo na nga. Teka lang naman! Tatakbo ba yung bahay? Tatakbo ba?" Galit na balik ni Snow dito.

She bid me one last farewell at tuluyan na nga siyang lumabas ng classroom.

I sighed. Wala na naman akong kaibigang kasabay umuwi.

Kanina pa umalis si Lightning at Rain. As in 'pag sabi pa lang ng last period teacher namin na "class dismissed" na, agad na silang tumayo, nagpaalam sa amin, at lumabas ng classroom. On their tails were their partners.

This had been the routine since in-announce nga yung about sa By-Pair performance. Sabi kasi sa amin ni Rain, the just yesterday during lunch, sobrang sintunado daw ng kapartner niya kaya kailangan niyang gawan ng paraan ito para kahit papaano ay maging "tolerable" pa rin ang performance nila. As for Lightning's... well Azalea's been my classmate since first year so I know how strict her personality is. Siguro takot na lang ni Lightning if he even dared to slack off. Especially since Azalea's eyes are so sharp... it's like she's stabbing you to death just by her mere gaze.

So... 'yon. Uuwi na ako. Sisimulan siguro yung ibang mga homework ko and if maaga ko ito matatapos, edi makakapag-hayahay na lang ako for the rest of the weekend.

The Replacement VocalistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon