The Boy Next Door - 5

5.1K 214 35
                                    

I decided not to go to work the next day. Aside from the fact that I woke up at 8 am, gusto ko nang makausap si Shin ngayon. Sabado naman ngayon so I expected Shin to be in his condo.

Biglang nag-ring ang phone ko.

"Yes, Jessica?" drowsy kong bungad sa kanya.

"Where are you, sir?! May meeting kayo within an hour, at 'yung sweldo ko!" sagot ni Jessica.

"Hindi ako makakapunta ngayon. Tell them I'm not feeling well. Yung payslip mo nasa drawer ng desk ko," sabi ko naman.

"Talaga? Not feeling well ba ang puso mo?" tanong ni Jessica.

"I'll try to talk to Shin today," sabi ko.

"Anong try? TALK to him," sermon niya sa 'kin.

"Opo. Oo na. I have to prepare," sabi ko naman.

"Okay. Bye! Good luck po, sir!" sabi ni Jessica bago niya pinutol ang tawag.

Kaya naman naligo agad ako at nag-ayos. Pambahay lang ang suot ko, but I did my best to look nice. Lumabas na ako ng condo ko at naglakad papunta sa pinto ng condo ni Shin.

I sighed bago ko pinindot ang door bell, pero natigilan ako dahil nakasiwang ang pinto. Kumunot bigla ang noo ko.

"Shin?" tawag ko.

Walang sumagot.

Sumilip ako sa pinto at nakita ko na nagkalat ang mga gamit niya sa sahig. Dali-dali naman akong pumasok.

"Shin!" sigaw ko.

Pumasok ako sa kusina niya pero wala siya. Wala rin siya sa kwarto maging sa CR niya.

"SHIN!" tawag ko pa.

Dali-dali akong tumakbo palabas ng kwarto niya at sumakay ako ng elevator pababa ng building.

Lumapit ako sa guard at nagtanong.

"Kuya, may nakita po ba kayong lalaki na umalis? Medyo pula po ang buhok niya, may kapayatan tsaka matangkad," taranta kong tanong.

"Wala po, sir. Kakasimula lang po ng duty ko," sabi ng guard.

Napahawak na lang ako sa noo ko. Alam ko na hindi pa naman ako pwedeng tumawag ng pulis dahil wala pang isang araw na nawawala si Shin. Bumalik na lang ako agad sa taas para tingnan kung may nawawala sa mga gamit ni Shin.

Halos tumalon na ang puso ko sa matinding kaba. Sinubukan kong isipin na walang nangyaring masama kay Shin pero tinatalo ako ng kaba at takot ko.

Pagkabalik ko ng condo niya ay agad akong tumingin sa paligid kung may nawawala, pero wala naman akong napansin na nawala sa mga gamit niya. Nandun ang TV, ang laptop niya. . .

Maybe he was kidnapped. 'Yun ang agad na nabuong ideya sa isip ko.

"What are you doing here?" nagtatakang tanong ng boses ni Shin sa likod ko.

Hindi ko na inisip pa kung ano ang gagawin ko. I just ran towards him, locked him in my embrace, and kissed him deeply on his lips.

"Wait, what the hell are you doing?!" sabi niya sabay tulak sa 'kin.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sa 'yo? What happened here?" taranta kong tanong sa kanya.

"I'M COMPLETELY FINE! Ano ba ang nangyari sa 'yo? Nagpa-laundry lang ako ng mga damit!" singhal niya sa 'kin.

Natigilan ako.

"What?"

"Nagpa-laundry ako," ulit ni Shin.

The Boy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon