The Boy Next Door - 1

10.4K 231 5
                                    

It was such another long day sa trabaho ko. I'm curreny dragging myself into the building kung nasaan ang condo unit ko. Habang nasa elevator ako ay bigla na lang na nag-ring ang phone ko.

"Yes, Jessica?" bungad ko sa secretary ko.

"You have an additional meeting para bukas, sir. Mr. Chua said that he wants to talk with you about your proposal," sabi niya.

"Oh, okay. Sige. Tell him that I'll expect him at three in the afternoon," sabi ko naman.

I'm the CEO sa kumpanya ng parents ko. I just graduated a couple of years ago at halos ilang buwan pa lang ako sa trabaho ko. I'm still adjusting kaya naman madalas pa akong mapagod at ma-stress. My parents are supportive kaya naman kahit papaano ay wala akong problema sa kumpanya.

I'm Kevin Henares Olivio. 23. I'm the only child kaya naman habang maaga pa ay sinalang na agad ako sa business ng parents ko. I graduated Magna Cum Laude sa course na kinuha ko. Now, I'm living independently. I currently live alone here in my condo. Mula nang gumraduate ako ay umalis na ako sa bahay to be on my own.

And my condo's a total mess. Ewan, lalaki kasi at busy palagi kaya minsan napapabayaan ko na ang condo ko.

My eyes were already half-closed habang naglalakad ako sa hallway ng building. Pagkatapat ko sa pinto ng condo ko ay napalingon ako bigla. There was a guy na nasa harap din ng pinto ng kasunod na condo unit. May kausap siya sa phone.

"'Ma, I'm completely fine, okay? Maayos naman 'tong condo na nahanap ko. Dad's really angry and I can't stand my sisters anymore kaya sana maintindihan mo po ako kung kailangan kong umalis sa bahay. Sorry po. I'll take care of myself. Tsaka malapit naman 'to sa school ko," sabi ng lalaki.

I kept on staring at him habang nakahawak ako sa door knob ng pinto ng condo ko.

"Opo, 'ma. Bye po. I love you," sabi pa ng lalaki.

I was about to enter my room nang bigla na lang akong nakarinig ng kalabog. Lumingon ako ulit at nakita kong nagkalat na sa sahig ang laman ng cardboard box ng lalaki.

Kasalukuyang nakasandal ang ulo niya sa pinto ng condo niya. I saw tears running down his cheeks, glistening faintly in the light. He then crouched on the floor and wiped his tears with his hands. He hugged his knees and buried his face on his legs. Tahimik lang siyang umiyak habang nakasubsob sa binti niya.

I sighed bago ako lumapit sa kanya. Hinubad ko ang coat ko at sinuklob ko 'yun sa kanya.

Bigla siyang nag-angat ng mukha.

A bunch of reddish and messy hair, hazel-brown eyes, long and dark eyelashes, a kind and tired face, and reddish-pink lips. 'Yun ang hitsurang bumungad sa 'kin.

He looked kinda awkward sa coat na sinaklay ko sa kanya. Medyo oversized kasi ang coat lalo pa't may kapayatan din ang lalaki.

"What's your name?" tanong ko sa kanya with a tiny smile.

His eyes widened a bit, further revealing his attractive brown eyes.

Agad siyang nagpunas ng mga luha niya.

"S-Shin. Shin Baylon."

His voice was very calm kahit na panay kakaiyak siya kanina.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

He nodded.

"By the way, I'm Kevin Olivio. I live just next door. Bago ka rito?" tanong ko sa kanya.

"Yeah," sabi niya.

"Welcome! By the way, here. . ." sabi ko sabay abot sa kanya ng panyo ko. "It's my spare handkerchief."

The Boy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon