Chapter 67

82.5K 1.6K 208
                                    

~Shayne’s POV~

Nandito kami ngayon sa beach, last day na namin ‘to mamayang 6 pa kami uuwi kaya yung iba sinusulit ang pag s’swimming habang ako iniisip parin yung mga sinabi sa akin ni Keith kahapon.

“Hey.” Tawag sa akin ni Jake tapos tumabi sa akin

Tumango ako

 

“Kanina pa sya nakatingin sayo, alam mo ba yun?” sabi nya pagkaupo sa tabi ko

Napa-“Huh?” naman ako sakanya pero imbes na sagutin nya ako, tumingin sya sa mga grupo nina Zander na nasa beach. Nakatingin sa amin si Keith ng masama?

 

“Is he jealous?” tanong sakin ni Jake, nag kibitz balikat na lang ako

“Bess! Jake! Tara dito!” tawag sa amin nina Cielo kaya tumayo kami at lumangoy sa beach

 

“Laro tayo!” sigaw ni Royce kaya nagsilapitan kami

Nag-group kami into three at kagroup ko si Keith! Ako, sya at si Ivan. Kulang kami ng mga players na lalaki kaya nag-parinig sila Tracy at Sofie sa mga boys na nag-lalaro sakabila at ayun sumali na rin sila. Kakilala naman ni Sofie kaya okay lang.

 

“Wrestling tayo!” napanganga kami sa sinabi ni Ivan “Pero girls ang lalaban at tayong boys ang magiging paa at likod nila.” Paliwanag naman ni Royce.

 

“Game!” sigaw namin. Nag-posisyon na yung mga girls sa balikat g mga boys habang yung isa naman nilang partner nakahawak sa likod para suportahan sa pagkahulog.

 

“Dito ka na.” narinig kong sabi ni Keith sa akin, napanganga ako. Ako bubuhatin nya?!

Si Ivan naman nakatingin sa akin habang nakangisi. Nung napansin nya atang naiilang ako, hinawakan nya kamay ko at nilapit nya ako sakanya

 

“Dito ka na sa balikat ko.” Sabi nya tapos bumaba ng konti sa akin.

Wala na akong nagawa kundi sumakay sa balikat nya.

 

“Bro, wag masyadong hawakan ah?” sabi nya kay Ivan, tumango si Ivan tapos ngumisi sakin tapos hinawakan nya yung bewang ko para suportahan.

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Where stories live. Discover now