****50

5.8K 177 34
                                    

Jake's POV

"Kay....."



"Kaninong number yan Jake?" tanong ni Dhavid sa akin

Sana wala siyang gawing masama kay Nikki. Baka anong magawa ko sa kanya.



"Kung hindi ako nagkakamali, isa ito sa mga number ni Nicoleen" sabi ko sa kanila.

"Isa? So, marami siyang ginagamit na Sim Cards?" tanong naman ni Cy

"Apparently, yes. Paiba iba siya ng number. At sana wala siyang gawing masama kay Nikki" medyo bakas sa boses ko na iiyak na ako ano mang oras.

Oo, aaminin kong masana akong tao. Puno ng hinanakit at galit pero sa taong mahal ko kaya kong maging tunay na ako. Na walang hinanakit at galit sa isang tao. Na kaya kong ipakita ang tunay na ako. Ang tunay na Jake. Ang masayahin, palabiro at mabait na Jake. At kaya kung magpatawad alang alang sa taong mahal ko. Alang-alang kay Nikki.

Sabihin na nating ang dali lang ng panahon para mahalin ko kaagad si Nikki, pero ito ang nararamdaman ko ngayon. At hindi naman siya mahirap mahalin.



She's almost perfect. I love all about her and her imperfections make her perfect.


"Anong nasa message?" alalang tanong ni Tita Reina.



"Well, your princess is with me hahaha and I know na alam niyo na, na ako ang nagpakidnap kay Nikki dahil for sure sinabihan na kayo nung langyang Jake na yan. Nasa abandoned building kami, sa lugar naman na yun dinadala ang kinikidnap di ba? San pa nga ba? Kaso limited lang ang pwedeng pumunta dito. Si Daemon babe ko, Ang langyang Jake na yan at ang prince babes ni Nikki na si Christian. See you, guyyssss" basa ni Dhavid sa message

"Bilisan na natin baka kung ano pang gawin nung baliw na Nicoleen na yun kay Nikki" sabi ni Tian. Nag-aalala talaga siya kay Nikki. Mahal niya nga ito.


"Pero alam niyo ba kung saang abandoned building niya dadalhin si Nikki?" tanong ni Dhavid. Oo, di pala nagbigay ng address si Nicoleen.



"Baka yung abandonadong gusali malapit sa Lily's" sabi ni Cyrus.


"Hindi doon. Malapit ang abandonadong gusali na yun rito. Kilala ko si Nicoleen, papahirapan niya tayo bago makita't makuha si Nikki" sabi ko sa kanila.



"May naisip ka ba kung saan?" tanong ni Daemon



"Marami ang possibility. Pero isa lang ang lugar na sigurado ako." sabi ko sa kanila.


"Saan?" tanong ni Tian



"Yung dating building ng kompanya nila Nicoleen. Ang lugar kung saan una kayong nagkita,Daemon" sabi ko sa kanila.  Sigurado ako sa iniisip ko.

"Bilisan niyo na" atat na saad ni Dhavid.


"Mauna na kayong pumunta roon. Susunod ako. Tatawag ako ng pulis para sa back up. Dhavid at Cyrus samahan niyo lang ang Tita Reina niyo dito. Tatawag na lang ako sa inyo, okay?" utos ni Tito sa kanila


"Dad, gusto ko pong sumama. Baka ano po ang mangyari kay Nikki" alalang saad ni Dhavid

"Huwag na, Dhavid. Nailigtas mo naman rin papaano si Nikki. Nung muntik na siyang mabaril, nailigtas mo siya. Di na namin hahayaang may mangyari na namang masama sa iyo, sa inyong lahat" mangiyak ngiyak na pagkasabi ni Tita Reina.


"Okay. Dito na lang po ako Dad. Pero magtext po kayo agad ha?" Dhavid


"Oo. Dhavid, Cy, bantayan niyo ang Tita Reina niyo. Hali na kayo" sabi ni Tito Arthur at lumabas na kami ng bahay.


Pagkadating namin sa garage....


"Tian, magtext ka sa akin kung nandun na kayo. Tatawag muna ako ng pulis. Mauna na kayo dun. Siguraduhin niyong walang mangyayaring masama kay Nikki, sa inyo. Susunod din kami agad" pabilin ni Tito sa amin.






"Dito na lang tayo sa kotse ko sasakay." insist ko




"Sige, tara na. Bago pa tayo mahuli" sabi ni Christ at nagpaalam na kami ni Tito Arthur.




Pinaandar ko na ang kotse at nagmaneho na.



"Siguraduhin mong wla kang kinalaman dito, Jake" paninigurado ni Tian sa akin.



"Oo, wala talaga akong alam rito. Aaminin kong may plano ako pero para kay Daemon yun at hindi kay Nikki. Pero wag kang mag-alala, Daemon.Di ko na yun itutuloy. Napatawad na rin kita at sana mapatawad mo rin ako" sincere kong pagkasabi



"Ako dapat ang humingi nagtawad. Sorry, Jake at sana mabalik natin ang dating tayo. Ang dating closeness natin"

"Maibabalik pa rin natin yun" sabi ko at tumingin sa rear view mirror para makita silang dalawa. Ngumiti ako kay Daemon at ganun rin siya



"That's nice. Mas mapapadali nating makuha ulit si Nikki sa kamay nung langyang Nicoleen na yun" may galit sa boses ni Tian nung sinabi niya yun 

"Oo tama ka, Tian." pag sang ayun naman ni Daemon.

"Kuya, totoo bang naghalikan kayo ni Nicoleen? Sinabi yun ni Nikki. Totoo ba?" this time si Tian ang nagtanong ng  seryoso.


"Oo, totoo yun pero si Nicoleen mismo ang humalik sa akin. Inawat ko pa nga siya" sabi ni Daemon.




"Alam kong gagawin yun ni Nicoleen. Pinigilan ko naman si Nikki na huwag pumunta sa condo mo that day pero nagmatigas siya" pag-amin ko sa kanila.

"So, plano niyo to?" tanong ni Tian sa akin.



"Hindi ko to plano. Plano lang to ni Nicoleen. Di ko nga alam na mangyayari to" pagsabi ko sa kanila ng totoo

"May alam ka bang dahilan niya para gawin niya to kay Nikki?" tanong ni Tian sa akin.

"Isa lang naman ang maaring dahilan niya, ikaw yun Daemon. Ikaw ang dahilan niya para mag udyok sa kanyang gawin ito"


"Sinabihan ko na siyang di ko na siya mahal" seryosong saad ni Daemon.

"Ganyan ka niya kamahal Daemon. Kaya niyang gawin lahat para lang bumalik ka sa kanya" paliwanag ko sa kanila.

"She's too desperate and brat" saad ni Tian

"Nandito na tayo" sabi ko sa kanila at pinatay ang makina ng kotse.

Bumaba na kaming tatlo at tinahak ang daan papasok ng abandonadong gusaling ito.

Madilim ang loob ng gusali kaya kinuha namin ang kanya kanya naming cellphone at ito ang nagsisilbing liwanag namin dito sa loob.

"Baka nasa rooftop sila" sabi ko.

"Sigurado ka ba - - - - -"




*Kringggg! *Kringggggg!

"Tama nga ako. Nasa rooftop sila" sabi ko matapos basahin ang message na nareceive ko galing kay Nicoleen.

Tumakbo na kami paaakyat ng hagdan. Mga ilang minuto bago kami makarating sa harap ng pintuan ng rooftop.





"Ako na" sabi ni Tian.







Unti-unting pinihit ni Tian ang doorknob. Pagbukas ng pinto......














"Nikki!!!!!!!!!!" sigaw naming tatlo

My Step-Brothers Are  Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon