******24

8.2K 279 21
                                    

Daemon's POV
Nasa kwarto ako ngayon. Umalis kasi sina Tita at Dad, tapos yung mga kapatid ko eh may kanya kanyang lakad. Bumaba ako para kumain. Nagugutom na rin kasi ako. Di ako lumabas kasi tinatapos ko pa yung thesis ko. It's almost 7 pm tapos di pa akl kumain ng lunch at kahit snacks dahil sa thesis kong to.

Bumaba na ako para pumunta sa kusina. Gumawa lang ako ng sandwich. Ayaw ko naman kasing isturbohin ang mga maids. Alam kung dinner time na pero sandwich ang hanap ng tiyan ko eh.

Babalik na sana ako sa kwarto ko ng makita ko si Nikki na nasa sala. Nanonood ng tv. May tv naman siya sa kwarto niya. Trip niya lang siguro di ba? Lumapit ako sa kanya. Baka ito na yung tamang panahon di ba? No turning back.

"Hey!" umupo ako sa tabi niya. Nagulat ko ata siya.

"Oh hello" sabi niya sabay naka ngiti. Ang ganda niya talaga.

"So, anong movie yan?"

"Ahh, insurgent. Patapos na rin to" sabi niya sabay tingin ulit sa tv.

"Ahmm,  Nikki, naguguluhan ka ba?" tanong ko sa kanya. Ito na. Dito na ako magsisimula.

"Ha? Naguguluhan? Saan?"

"Sa kanila. Sa panliligaw nila" hindi ako tumitingin sa kanya this time.

"Medyo" sabay yuko niya.

Alam kong sobrang hiral ng sitwasyon ni Nikki ngayon pero kailangan ko na kasing umamin.

"I have something to tell you" di pa rin ako tumitingin sa kanya. Pag kasi tumingin pa ako, di ko pa tuloy masabi sa kanya ang gusto kong sabihin sa kanya.

"Ano?" I can see on my peripheral view na nakatingin na siya sa akin.

"You're very nice. Pretty as well and I like you." nakatingin na ako sa mga mata niya. Nararamdaman ko na ang pagbilis nang tibok ng puso ko. Nagiging abnormal na ang pagtibok nito.

"H-ha? S-si-sigurado ka b-ba?"

"I am. Ayaw kong mas maguluhan ka pa pero hindi ko na kasi kaya. Minsan nasasaktan ako kapag kasama mo ang mga kapatid ko. Naiinis ako sa sarilk ko dahil wala akong magawang effort para sayo. I guess ito nga ang tamang panahon" nasabi ko na sa wakas

"Pe-pero- - - - - -"

"I'll give you time to think, Nikki and just let me court you." sabi ko. Nasabi ko rin.

"O- okay. Napaka unfair naman kung aayaw ako kaagad ng hindi mo pa pinapakita ang effort mo" sabay yakap ko sa kanya. Teka!!!! Ba't may flow ng electricity? Ang gay ko na masyado.

"So-sorry, Nikki. I didn't mean to hug you it's just - - - -"

"It's okay" sabau smile niya.

*Duggg!!! *Duggg!!! *Duggg!!!

Yung ngiti niya talaga. Pinapalakas ang tibok ng puso ko.

"Aheeeemmm" si Dad? Kanina pa kaya sila? Ang mga tingin ng mga kapatid ko, nakakamatay pero okay lang, nasabi ko naman ito kay Dad at Tita Reina eh.

"So, sinabi na niya sayo anak?" tanong ni Tita Reina kay Nikki.

"Y-yes m-mama" nauutal niyang pagkasabi.

"Be the best man wins,guysss. Akyat na po ako sa taas Dad, Tita Reina. Tatapusin ko pa yung thesis ko." at umakyat na nga ako sa taas ng naiwang naiinis ang mga mukha ng mga kapatid ko at may mga ngiti sa labi nina Dad at Tita Reina.

Wala na akong dapat itago. Nasabi ko na sa kanya. Ang kailangan ko na lang eh paano ko masuuyo si Nikki. Kahit na nasaktan na ako noon, kailangan ko tong gawin. Ayaw ko nang masaktan ulit kaya gagawin ko ang lahat para mapa-oo si Nikki. Dapat.

My Step-Brothers Are  Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon