*******07

15.9K 594 66
                                    

Nikki's POV
Pagdating namin galing sa univerity ni Dhavid, nanuod kami ng "Divergent". Total 2 PM pa naman kaya nakapag decide kami na manuod na muna ng movie.

"Kapareho pala yan ng pangalan ng bago mong kaibigan, Nikki oh. Si Tres" turo ni Dhavid sa babaeng nagngangalang Beatrice sa Divergent. Yung bidang babae.

"Oo nga." at natawa ako ng mahina. Siguro na kakita na si Beatrice sa movieng ito kasi pareho pa sila ng palayaw ng bidang ito haha

"Anyways, nasa iyo pa ba yung binigay kung bracelet?" tanong ni Dhavid habang tumitingin pa rin sa tv.

"Oo. Heto oh" sabay pakita ko sa suot kung bracelet na tinutukoy niya.

Tumingin siya at tinitignan niyang mabuti.

"Salamat" sabi niya sabay ngiti ng malapad

"Salamat? For what?" taka kong tanong sa kanya

"Kasi suot mo pa rin yan. Kasi hindi mo tinanggal at hindi mo pinabayan" suot niya pa rin ang malapad niyang ngiti.

"Ahh ganun ba? No worries" sabi ko

Nakita ko si Daemon papasok ng bahay. 2 pa naman ng hapon ahh ang aga naman ng uwi nila.

"Kuya, ang aga mo naman" tanong ni Dhavid sa Kuya niya

"Masakit ang ulo ko" still wearing his blank expression at dinaanan niya lang kami.

"Ahhh. Magpahinga ka na muna kuya. Sasabihan ko na lang si Manang na dalhan ka ng gamot." sabi ni Dhavid na mapapansin mong nag alala sa kapatid niya.

"Sige" matipid na sagot ni Daemon at umakyat na sa itaas.

Nang makaakyat na si Daemon.

"Ako na lang ang maghahatid ng gamot sa kwarto ni Daemon" sabi ko kay Dhavid

"Are tou sure? Pwede namang sina Manang na lang" sabi ni Dhavid.

"Yeah. I insist" sabi ko at pumunta na ng kusina para magkuha na ng tubig at gamot.

Daemon's POV
Wala naman talaga kaming klase. Free time nang lahat ng student ng Guxily University. Sinabihan ko lang si Dhavid dahil ayaw kong sumama sa kanya. Kilala ko ang kapatid ko. Alam ko kung anong pampalipas oras ang sinasabi niya. Mga babae. Oo. Pampalipas oras lang talaga niya ang mga babae. Kahit ilang beses ko na siyang pinagsabihin, wala pa rin sa kanya.

*Flashback*
Nasa quadrangle ako ng may nareceive akong message.

One new message
From: Dhavid
Kuya, where are you?

To:Dhavid
Quadrangle. Why?

From: Dhavid
Puntahan mo kami dito ni Nikki sa cafeteria.

To:Dhavid
Fine.

I'm on my way to cafeteria. Gusto ko ng kausapin si Nikki, gusto kong magsorry sa kanya. Sa paghalik ko sa noo niya. Alam kong matagal na yun pero I need to apologize.

Malapit na ako sa cafeteria at tanaw ko na sina Dhavid at Nikki, may kasama rin pala sila. Geez!! Napahinto ako! F**k Nahihiya tuloy akong lumapit sa kanya.

Umalis na si Nikki at yung kasama nilang babae. Lumapit na ako sa table na inuupuan ni Dhavid.

"Ba't ang tagal mo?" sabi ni Dhavid habang kinakain yung nova niya.

(Napapansin niyo ba na kadalasang junkfood na naiinvolve sa story ko eh, Nova? Favorite ko eh hihi A/N)

Nakosingit ka pa talaga Ms.A haaa?

My Step-Brothers Are  Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon