Chapter Forty Five

Start from the beginning
                                    

"Siguradong matutuwa ang matakaw na 'yun," natatawang sabi niya sa sarili nang makabili ng pagkain.

Habang tumatagal, lalo pa siyang natutuwang panuoring si Joy na kumain nang kumain. Noong una, napapa-iling pa siya dahil hindi niya talaga maisip kung saan nito inilalagay lahat ng pagkain na 'yun.

Ngiting-ngiti pa siya habang nagmamaneho nang malingunan si Joy na sumakay sa kotse ni Rei. Napahinto agad siya at siniguro kung tama ang nakita.

Mabilis ang tibok ng puso niya habang sinusundan ng kotseng sinasakyan ng mga ito. Hindi siya makapaniwalang ilang oras lang siyang nawala, nakipagkita na agad sa lalaki ang asawa. Hindi niya napigilang mapaluha habang nakatitig sa likuran ng kotse pero pinunasan niya agad 'yun at pinilit kalmahin ang sarili.

Nagbigay siya ng malaking distansya sa kanila habang sumusunod. At nagulat pa siyang sa mismong tinitirhan nila pumunta ang dalawa.

Tumigil siya malayo sa mga ito para pagmasdan ang dalawa. Nagsisikip ang dibdib niya sa nakikita. Napahigpit ang kapit niya sa manibela. Hindi niya malaman kung anong gagawin niya.

Sandaling nag-isip siya at mayamaya'y pinaandar ang kotse palapit sa dalawa sa desisyong kumprontahin ang mga ito.

~*~

"Mukhang alagang-alaga ka ni Ian ah?" nakangiting sabi ni Rei kay Joy habang nagmamaneho ito.

Ngumiti siya nang malapad dito saka tumango.

"He's much better than I hoped for. You know, when I get married."

"Dream guy, huh?"

"Yes," mabilis na sagot niya.

"At least mapapanatag na ako. I know you're in good hands. And I know you're happy," anito.

"Wow ah? Mapapanatag talaga?" natatawang sabi niya.

Nanahimik ito sandali.

"Remember when I left when we were still young?" anito.

Tumango siya. Hindi niya makakalimutan ang araw na 'yun.

"I promised you that I will come back for you." Tumingin siya rito at pinakinggan ang mga sinasabi nito. "That... I'll marry you when I get back... I was actually worried when I saw you again. 'Coz you might have hold on to that promise."

Napangiti siya sa sinabi nito. Hindi niya akalaing naaalala pa nito 'yun.

"I meant it that day when I said it. It's just that... Aaliyah came. And I realized that what I felt for you before isn't that kind of love." Tumingin sa kanya si Rei sandali bago bumaling uli sa pagmamaneho. "Maybe that was sisterly love or something. Nasanay na kasi akong kasama ka palagi. Saka alam kong may pagnanasa ka sa akin," anito sabay tawa.

Nanlaki bigla ang mga mata niya bago ito mahinang hinampas sa braso. Mahirap nang ma-aksidente sila kung mapalakas ang hampas niya.

"Pagnanasa talaga?! Grabe ha!" aniya.

"Bakit, wala ba?" anito.

"Well, siguro pareho lang tayo nun ng naramdaman. We're just familiar with each other that we assumed it was love. Iba kasi kay Ian e. Alam mo 'yun... 'Yung..." Nag-isip siya ng tamanag word para i-describe kung anong nararamdaman niya para sa asawa pero wala siyang maisip. "Hindi ko maipaliwanag e," aniya na lang.

"I know what you mean," ani Rei. "It must be the same way I feel about my wife."

Ngumiti siya rito saka tumango.

"I think it is," aniya.

Ilang minuto lang at nakarating agad sila sa log house. Sabay na bumaba sila ni Rei ng sasakyan.

"Wow! This is yours?" tanong nito.

Tumango siya. "Yup. Ian bought it for me," aniya. "Gusto mong makita sa loob?" tanong niya.

Nag-isip ito sandali saka umiling.

"Next time na lang siguro. I'm sure my wife is waiting for me. Ugh, I miss her already," anito. Lumapit sa kanya ang lalaki saka sandali siyang niyakap. "See you next time, sana kasama na si Ian." Hinawakan pa nito ang isang kamay niya.

"Yeah, sure. I-schedule na lang natin. Para siguradong makakasama na ang asawa ko," aniya.

Saktong binitawan ni Rei ang kamay niya nang dumating ang kotse ni Ian. Napangiti agad siya nang makita itong bumaba roon.

~*~

The moment he got out of the car, he had every intension to confront the two. Pero biglang naumid siya nang makita ang reaksyon ni Joy nang makita siya. It's as if she won something.

Lalo pa siyang napatigil ang yakap agad ang isalubong nito sa kanya.

"Ian! Miss mo ko 'no?" anito sa kanya.

Hindi niya maipaliwanag ang sayang nakikita niya sa mga nito.

Bahagyang ngumiti siya saka hinalikan ito sa noo.

"Yeah, I did," aniya.

Kahit na medyo gumaang ang pakiramdam niya sa yakap nito, nandun pa rin ang kung ano mang pumipiga sa puso niya. Lalo na nang mapatingin siya kay Rei.

"Oo nga pala, nandito si Rei. Hinatid niya lang ako. We met earlier sa Starbucks," ani Joy. Hinila pa siya nito papalapit sa lalaki.

"Ian, pare!" masayang bati ni Rei sa kanya. Iniabot pa nito ang kamay.

Parang wala na siya sa sarili dahil tinanggap niya pa ang pakikipagkamay nito.

"Sayang naman wala ka kanina. But next time, we want you to be there. Para maka-bonding naman namin ang nagpapasaya dito kay Joy," anito.

Nakita niya pa kung paanong pinandilatan ni Joy ang kababata dahil sa sinabi nito.

"Sige, mauna na ako."

Tumango si si Joy dito saka nagsalita, "mag-iingat ka," anito.

Tinanguhan niya lang ang lalaki nang sa kanya naman ito bumaling para magpaalam.

Tahimik lang na nakatingin siya sa kotse nitong papalayo. Hindi niya na alam kung anong mararamdaman. Parang naghahalo-halo ang iba't-ibang pakiramdam sa loob niya.

Napapitlag pa siya nang yakapin uli siya ni Joy saka hilahin papasok sa loob.

"Sandali lang akong nawala, MJ," hindi niya napigilang sabihin.

Napabitaw agad sa kanya si Joy at tinitigan siya. Sa pagkakataong 'yun, hindi niya na napigilan ang mga luha niya.

"What are you talking about?" anito.

Napangiti siya nang mapait.

"Do you love me?" tanong niya rito.

Napa-atras si Joy sa sinabi niya. Nakatitig ito sa kanya at halatang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Do you really love me?" ulit niya sa tanong.

"I can't believe this," ani Joy. Nakita niya ang galit sa mga mata nito.

Naiiling na tumalikod pa ito saka pumasok nang tuluyan sa loob.

Naiwan siyang nakatitig sa likod ng papalayong asawa.


to be continued...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nayi's Note:

Estimated 2-3 chapters na lang hahaha

He's My BrideWhere stories live. Discover now