[9]

 

Nagtext sakin si Enrique noong gabi bago ako matulog, gusto raw niya pumunta sa bahay namin. Bahay namin? An old white house, pero sobrang laki para saming anim.

Pero parang naliliitan pa din ako pag magkaharap na kami ng magaling kong step-sister na si Coleen. Oo minsan, gusto ko siyang bantayan. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil concern lang din ako, pero siya naman tong kinukulit ako minsan na nagsisimula ng away.

 

"Lance, may bisita ka?" Tanong sakin ni Kuya Louis ng lapitan ako malapit sa hagdan ng entrance door namin. May hawak rin akong gitara na patuloy ko pa ding inaaral.

"Oo kuya, di ko nga alam kung anong oras dadating eh. Kaya dito na lang ako, para aabangan ko na lang siya. Hindi na maistorbo si Yaya."sagot ko sa kanya habang nakatingala. Dumating naman si Coleen na nasa likod ni Kuya.

"Oh Coleen, bakit ganyan ang ayos mo?" Tanong ni Kuya Louis.

 

Naka make-up siya ngayon?

 

"Ahh, Kuya.. Si Julie Inaaya niya ko, shooting daw eh. Pero, si papa naman kasi ayaw akong payagan. Kaya eto," Pinakita niya ang hawak niya kay Kuya, galit pa rin ata dahil di pa din siya tumitingin sakin. "Ano yan?"

 

"Magazine! Cover kasi si Julie Anne tapos si Elmo." Nakita kong ngumiti siya.

Hindi pa ata niya ko napapansin?

 

"Eh bakit naka make-up ka?" Tumingin naman agad siya sakin ng magtanong ako, pero dumeretso lang siya ng lakad at Inirapan pa ko.

Umupo siya doon malapit sa garden at binuklat ang magazine na hawak niya.

 

"Kausapin mo Lance, magbati agad kayo. Di kayo ganyan dati." Tumayo ako at nilapag ko ang gitara sa sahig.

 

Dati? Tss. Ano pa nga ba?

 

"Psst. Coleen." Di siya lumingon sakin, instead sumagot siya ng "Yes?" na tila donya na pagsisilbihan.

"Okay, Princess Coleen..."Nag-asta pa kong sasaludo sa kanya, pero napatigil nalang ako bigla. Para bang may nagflash sa utak ko. Naihulog rin niya ang magazine niyang hawak kaya pinulot ko habang napapailing.

May konting sakit akong naramdaman sa ulo ko..

Nakaluhod ako hawak ang Magazine niyang nahulog, napahawak ako sandali sa ulo ko. Paglingon ko sa kanya ay nakatingin siya sakin pero agad niya itong inalis."K-kuya..Okay ka lang?"

Tanong niya sakin habang mabagal na kinuha ang magazines sa kamay ko.

"Ahh..O-oo oo naman." Pinilit kong tumayo pero nahilo ako kaya naramdaman ko na tila babagsak ako.

She's my Step-SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon