"Ilang buwan na pala ang baby mo sa tiyan?" tanong ulit niya. Pero this time ay matino namang tanong.


"Magtutwo months na." sagot ko sa kanya.


*sayaw*


*sayaw*


*sayaw*


*sayaw*


"Pwede bang ako ang maging Daddy ng anak mo kung hindi ka niya panagutan?" - Jameshin


This time ay hindi naman ako makasagot sa tanong niya. Parang biglang tumaas ang balahibo ko kahit wala naman ako no'n.


"Change!" sabi ng MC.


Tapos ipinasa na ako ni Jameshin sa ibang lalaki. Nakahinga na ako nang maluwag. Buti na lang at nagsabi ng 'change' ang MC. Ang ganda ng timing niya.


Pagkatingin ko sa bago kong partner ay biglang tumibok ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit.


Tapos nag-iba na rin ang song. I Love You So naman by Nathalie ang pinatugtog nila pero warm version siya.


"Do you like the song?" tanong niya na mas ikinabilis pa ng puso ko. Hindi ako nagkakamali. Siya yun.


"Yup. Ang warm kasing pakinggan." sagot ko sa kanya.


"Ako rin but I prefer boy version. Girl, I love you so." sabi niya habang kinakanta ang lyrics. Ang ganda talaga ng boses niya.


*sayaw*


*sayaw*


*sayaw*


Nagkatitigan kaming dalawa. Mata sa mata. Pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang nandito.


Napatigil kaming dalawa sa pagsasayaw at unti-unting nagkalapit ang mga mukha namin sa isa't isa.

The Maid Meets The Hunks (Book 2): Past VS. PresentWhere stories live. Discover now