The Boy Next Door - 1

Magsimula sa umpisa
                                    

"No. 'Wag na. I'm fine—"

"I know it's hard to adjust in this new environment. Alam ko rin na mas may malalim na rason kung bakit ka umiiyak. Take this," sabi ko naman.

Kinuha na niya ang panyo.

"Do you want some help sa pag-aayos ng mga gamit mo?" tanong ko sa kanya.

"Thanks, but I'm done. Kaninang umaga pa ako naghakot ng mga gamit ko," sabi niya habang pinagpupulot ang mga gamit na tumilapon mula sa loob ng cardboard box na dala niya kanina.

He stood up and stared at me for a few seconds. "Uh, do you want to eat dinner? Nagluluto kasi ako. Maybe it's done by now," namumulang sabi ni Shin.

I chose practicality. Pagod na rin kaso at tinatamad nang magluto pa.

"Sure," sabi ko naman.

He then opened the door of his condo unit and led me inside.

Mahihiya ang condo ko sa condo niya. Halos lahat ng bagay dito organized. Magmula sa mga sofa pillows hanggang sa mga libro at mga dekorasyon. Everything is where they should be.

"Here," sabi niya sabay turo ng daan papunta sa kusina.

Kahit dito sa kitchen niya ay wala ni isang bagay o gamit ang masasabi mong out of place.

"Maupo ka na. I'm cooking kare-kare. Okay ba 'yun sa 'yo?" tanong niya.

"It's actually my favorite dish," sabi ko naman.

Shin smiled a bit bago siya bumaling sa stove. His smile changed his aura a lot. Pagkatapos ng ilang minuto ay naglalaway na ako sa harap ng sandamakmak na kanin at napakabangong kare-kare na nakahain sa harap ko.

"Mauna ka na," sabi naman ni Shin.

Kumuha na ako ng pagkain. Hinintay ko naman siyang makakuha ng pagkain niya bago ako nagsimulang kumain.

My taste buds exploded the moment I chewed my first bite of his kare-kare.

"You have great cooking skills," impressed kong sabi. "My mom will surely consider you a threat."

Shin smiled. "Thanks. I think I inherited my mother's cooking skills. She never taught me how to cook, though. I learned to cook all by myself," sagot naman niya.

Tinitigan ko siya nang ilang segundo.

"Why are you crying in the hallway?" tanong ko sa kanya.

Natigilan siya bigla.

"Nothing," sagot naman niya agad.

"You can't lie to me. Come on, I'll listen," sabi ko naman sa kanya.

Shin just sighed.

"Lumayas ako mula sa bahay," sabi niya sa mababang boses.

"May I know why?" tanong ko naman.

"I'm not in good terms with my father and three other sisters," sagot ni Shin. "I am the youngest. Kahit noong bata ako ay hindi naman ako malapit sa mga kapatid ko. Hindi naman ako maka-relate sa kanila. If I'm not alone, I always spend my time with my mother. Malapit rin kasi ang mga kapatid ko kay papa," sabi niya.

"I'm always overshadowed by my sisters. My eldest sister is a doctor. The second one is already a marketing head in my parents' company. While my youngest sister will be the heir of my dad's company," sabi pa niya.

"How about you?" tanong ko naman.

"Ako? I'm just the nobody son who followed his passion and took up Education. My dad's really disappointed with me sa nangyari," sagot ni Shin.

"But being a teacher is not bad at all," sagot ko naman.

"I know, but dad expected me to take up a business-related course. Kaya mas lalo lang na napalayo ang loob ko sa kanya at sa mga kapatid ko dahil sa nangyari. Si mama na lang ang umintindi sa 'kin," he said bitterly.

"I stayed in our home for the past three years para kay mama, but lately ay masyado na akong nasasakal sa kanila. Last night ay nakasagutan ko si papa. Then I left the house for good. May earnings naman ako, so I was able to buy a condo unit here. Tsaka malapit na akong gumraduate. Makakahanap ako ng trabaho and I'll be able to live all by myself. Binibigyan pa ako ni mama ng pera kasi," sabi ni Shin.

"I really can't imagine a parent doing that to his own child. I mean, you're his son! He should be happy and proud! I chose Business Ad because gusto ko talagang sumunod sa yapak ng parents ko. They never pressured me. Kung ano man daw ang gustuhin ko, susuportahan na lang nila ako," sabi ko naman.

Shin smiled bitterly. "I wish I have parents like yours. I only have my mother, some friends, and myself."

"Hey, stop the negativity. Just smile and be happy. Isipin mo na lang na balang araw ay mare-realize din ng papa at mga kapatid mo ang pagkakamali nila," sabi ko.

"Yeah. I hope so," matamlay na sabi ni Shin.

"Tsaka mukhang mabait ka naman. Kung hindi ka mabait, malamang na hindi mo ako pinakain ng libre. Malamang din na hindi mo ako pinansin kanina," sagot ko.

He rolled his eyes. "Oo na. By the way, kunin mo na lang ang coat sa may sofa. Doon ko nilagay," sabi niya.

"Sa 'yo na lang 'yun," sabi ko naman.

"Are you serious? 'Di ko 'yun kailangan," sabi ni Shin.

"Sa 'yo na nga. Tsaka marami akong coats. Bayad ko na 'yun para sa pagkain," sabi ko naman.

"Oo na. So you're already working?" tanong ni Shin.

"Yeah. I'm 23 years old, by the way," sabi ko naman.

"I'm 19 years old. Grad-waiting," sagot ni Shin.

I laughed a little. Maya-maya pa ay bigla na lang siyang naglahad ng kamay niya.

"Nice to meet you!" sabi niya sabay ngiti.

Napatitig na lang ako sa mukha niya. And then I found myself shaking hands with him.

"Nice to meet you, too," sagot ko.

Isa lang ang nasa isip ko sa mga sandaling 'yun.

He's one of those rare persons who give the most sincere and sweetest smiles ever.

The Boy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon