Chapter 8 | Rambutan

Magsimula sa umpisa
                                    


Alex and Russ are my next options—well, there's Princess too pero hindi pa kami nag-uusap. It's weird coming over, makipag-ayos sa kanya at makitira. Parang nakipag-ayos lang ako para may matirhan ako... at ayoko n'on. Alam kong papayag siya dahil mababait ang kaibigan ko pero mas tumaas ata ang hiya at pride ko sa nakaraang tatlong taon.


Magtatanong daw si Dominique kung pwede ipa-extend ang contract ng kahit isa o dalawang buwan kung wala pa namang nakakakuha ng space at kay Marcus kung may available na unit sa kanila. Pero pinaalala niya na hindi siya makakatulong sa renta dahil kailangan din nila. At ayun talaga ang pinakaproblema ko.


Alam kong mali ang ginagawa kong pag-uwi uwi sa Quezon tuwing wala si Mama sa Pilipinas kaya nag-offer ako na makikihati sa renta ni Dominique pero hindi na pwede. Hassle na rin na galing akong Quezon at magtatravel ako papuntang Batangas, including the fact na wala na rin akong sariling sasakyan. Getting a place is easy; paying for it is the tricky part. Baka kasi mapunta na lang lahat sa renta ang sweldo ko.


Pero bahala na.


Hindi ko rin alam, e.


Dumiretso na kami sa trabaho ni Dominique pagkatapos naming kumain. Tadtad ako ng trabaho kaya kahit papano nawala sa isip ko ang mga problema ko sa buhay. Sinisimulan na rin namin ni Matt ang project ni Lean at tinatarget naming makapagsimula ng maaga dahil mapapaaga daw ang tapos ng construction ng building.


I was busy editing some files when I got a call from the lobby na may bisita daw ako. I wasn't expecting anyone kaya nakakapagtaka kung sinong maghahanap sa 'kin sa kalagitnaan ng araw. Even Matt is confused when I passed by his cubicle. He mouthed, "Milagro! Nagka-social life!"


Ang gago lang.


"Alexa!"


Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang first name ko. Tumingin ako sa paligid, making sure na ako nga lang ang nage-exist na Alexa sa paligid sa mga oras na 'yon. Tinawag niya ako ulit, tumango siya at pinalapit ako nang tumingin ako sa kanya. He casually offered the chair in front of him nang makalapit ako.


"Excuse me?" Pero imbes na mawala ang tanong sa isip ko ay nginitian niya lang ako. "Do I know—"


"Gwapo mong ex!"


"Excuse you." Pero mas lumapad ang ngiti niya na parang hindi man lang siya naging aware sa sinabi ko.


"Hindi mo talaga ako maalala? I'm Jun." he offered his hand. Jun? Sinong Jun? "Mall. Security." Sabi niya, filling the questions in my head. "Yung poser."


"Ah! Yung boyfriend ko daw."


"Exactly—"


"Guard!!"


"Hey, hey, hey!" Bigla siyang tumayo at hinawakan ako sa braso ng nagtangka na naman akong sumigaw. "Hindi ako manggugulo, promise! Gusto lang talaga kitang kausapin."

Boyfriend Corp. Book 3 : After Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon