Chapter 7

4.4K 148 12
                                    

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Pagtatanong ko nang mapansin kong 7pm na at hanggang ngayon nandito pa din ako sa bahay nila Kai. Tinignan ko ulit ang cellphone ko, sigurado akong pag malaman ni mama na wala ako sa bahay at wala si kai sa bahay, patay patay talaga ako!

"Wag mo munang paalisin ng bahay si Kai pag gabi ah? Bilin yan sakin ng mama niya." Yan ang pinaka sinabi ni mama sakin.

"Uy, uwi na kaya tayo?" Lumapit ako sakanya na busy sa pakikinig ng music. Hindi niya ako pinansin. Argh.

"Kaaaaaaaai ano baaaaa, yari ako sa nanay ko eh." Inalog-alog ko na siya, alam ko naman kasing hindi siya natutulog. Nambbwisit lang yan.

"Kaya nga gusto ko andito tayo eh, para patay ka sa nanay mo." Dumilat siya this time at nag smirk. Punyatero talaga tong lalaking to.

"Kung ayaw mo, wag mo! Leche, ako nalang uuwi magisa." agad akong tumalikod, kinuha ang bag ko at binuksan ang pinto. Nainis nga ako eh, hindi man lang talaga sumunod. Matigas talaga ang ulo niya, nakakabanas. Tapos hindi man lang ako pinakain sa bahay nila. Porke hindi siya gutom hindi ako papakainin! Eh ako gutom na gutom na ako.

Habang naglalakad ako sa madilim na daan, parang may naramdaman akong sumusunod sakin kaya nakaramdam ako kaagad ng takot. "Shet bakit pa kasi ako naginarte dun?" Bulong ko sa sarili ko habang binibilisan ang paglalakad ko.

"Aray ano ba yan?" Bigla akong napatalikod nung may narining ako sa likuran ko and that's when i saw three strange girls na sinusundan nga ako.

"Bakit niyo ko sinusundan?" Hindi na ako naginarte pa at tinanong na sila. Tinakot kaya nila ako!

"Eh ikaw? Bakit mo sinusundan si Kai Oppa?" Tanong niya ng naka crossed arms pa. Pfft nakakatuwa lang itsura niya. Humarap ako lalo sa kanilang tatlo at ginaya ang pagkaka-crossed arms niya.

"Excuse me ah? Hindi ko PO sinusundan ang oppa niyo. Pwede ba alamin niyo muna ang lahat bago kayo mag sabi ng bagay bagay? Tsaka nakakaistorbo kayo. Para kayong mga stalker kung maka sunod sakin." Tumalikod na ako sakanila dahil waste of time lang sila at papa-alis na sana nang magsalita nanaman yung isa sakanila.

"Wow, sino ang stalker? Kami? Nakakatawa ka, sasaeng fan." At dun na nga nag-init ang dugo ko. How dare her call me sasaeng fan? Makukulit ang utak nila ah? Hindi nga ako sasaeng fan. HIndi nga ako fan eh! Sasaeng pa kaya?

Lalapitan ko na sana siya at akmang sasabunutan pero agad na may humila sa braso ko at inakbayan ako.

"Girls, stop it. She's with me. Hindi niya ako sinundan." Pag tingin ko dun sa lalake, si Tao! Aba jusmiyo saang lupalop galing to?

"Tao, pati ba naman ikaw? Layuan mo siya! She's a sasaeng fan and you know what a sasaeng fan can do. She can do the most disgusting thing ever. Please, tao." She begged that surprised me. Siya ata ang sasaeng fan eh.

"Ibang type siya ng sasaeng fan. Keep that in mind, girls." Nag wink siya at naglakad na kami papalayo. Hindi ko nalang napigilan ang sarili ko na tumawa.

"Bakit ka tumatawa? What's funny?" tinanggal na niya ang pagka-akbay niya sakin at tinignan ako ng seryoso kaya napatigil ako sa pagtawa.

"Bakit ka nga pala nandun?" Pagtatanong ko. Gabi na tapos nag-gagala pa to hindi kaya naghahanap ng gucci sa daan yan?

"Kai texted Kris Hyung. Pagod siya kaya ako nalang." Napatingin ako kaagad sakanya.

"Kai texted him? Bakit naman?"

"Tsk, tinatanong pa ba yan? Malamang pinapahanap ka. Lagi namang ganyan eh, si Kyungsoo or si Kris tinetext ni Kai kapag nawawala o naiiwan ka. Concern ang mokong sayo, can't you get that?" Hindi nalang ako sumagot. Ayoko lang gumulo ang takbo ng isip ko. Nakarating na kami sa hintayan ng bus but unfortunately, kailangan pa namin maghintay.

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon