Chapter 2: Intruder

Magsimula sa umpisa
                                    

At ngayon, kanina pa kami naghihintay kay Ma'am Arah dahil siya na ang next subject namin ngunit lumipas na ang kalahating minuto ay wala pa rin siya. Gusto ko pa naman itanong 'yong spell at 'yong pinapahiwatig niya.

"This is the first time in history na wala si Ma'am Arah."

Narinig ko sa babaeng kaklase ko. Napa-isip ako ro'n. Hindi kaya dahil sa nangyari kahapon? Mukhang hindi naman 'yon, eh..

"Hindi kaya may sakit siya?" tanong ni Kendara. Hindi kami umimik. Nakaisip ako ng magandang ideya.

"Pwede naman natin siyang bisitahin sa bahay niya?" Nagkatinginan kaming lahat.

Dahil last subject namin si Ma'am Arah ngayon, pinayagan naman kaming umuwi na no'ng isang teacher na pumasok sa room namin.

"Alam niyo ba kung saan ang bahay niya?" tanong ko. Si Winzé ang nagmamaneho. Alam niya ba kung saan ang bahay ni Ma'am Arah?

"I still remember where is the exact location of Ma'am Arah's house. I've been there before." Iyon naman pala. Mabuti na lang alam ni Winzé kung hindi uuwi kaming luhaan. Siyempre joke lang.

Pero ayaw ko na siyang kausapin dahil sa tono ng boses niya. Parang susungitan ka ano mang oras, eh! Shut up na muna ako!

"Pero bakit ba natin siya pupuntahan?" Napatingin kami kay Val nang itanong niya 'yon. Oo nga, ano? Ano ba kasing ideya ang naisip ko! Kinabahan tuloy ako bigla!

"May sakit siya hindi ba?" sagot ni Kendara.

"SINO BA ANG MAY SABING MAY SAKIT SIYA?!" sabay na tanong ni Val at Winzé.

"H-Huh? Akala ko kasi may sakit siya! Hindi niyo kasi sinagot 'yong tanong ko kanina!" Napabuntong hininga na lang kami dahil kay Kendara.

"Pero si Sendy! Siya ang nagsabi na pwede naman natin siyang bisitahin sa bahay niya? Edi siya ang sigawan niyo at hindi ako!" Ginaya pa talaga ni Kendara ang boses ko kanina. Nakatingin na lahat sila ngayon sa akin.

"Malay niyo tama naman si Kendara, 'di ba? Haha!" tinapik-tapik ko pa ang balikat ni Kendara kaya kumunot ang noo niya.

"Dara ang itawag mo sa akin." Okay.

"Dara, 'di ba nagmamalasakit lang naman tayo?" Hindi niya ako sinagot. Pero buti naman at hinayaan na lang nila.

Nang makarating na kami sa bahay ni Ma'am Arah ay isa lang ang napansin ko.

"Bakit nasa gitna ng gubat ang bahay niya?" Iyan nga ang gusto kong itanong Val. Bakit inunahan mo ako? Pero napansin ko rin na..

"Ito lang ang nag-iisang bahay dito." Isa ka pa Dara! Inunahan mo rin ako! Pero ang creepy talaga dito!

"Duh! Ganiyan din ang mga naisip ko nang makapunta ako rito. Sobrang creepy kapag mag-isa ka!" Akala ko hindi natatakot si Winzé sa mga ghost. Wala kasi sa hitsura niya, mataray.

"Dito ba talaga ang bahay niya?" nag-aalangang tanong ko.

Malaki at disente naman ang bahay niya. Ngunit sa ganda ni Ma'am Arah, ang tanong! Bakit dito sa gubat niya pa gustong tumira? Dito sa tahimik at mapunong lugar pa!

"Do you think na dadalhin ko kayo rito para lokohin lang? Oh Com'on!" Sabi ko nga Winzé. Parang nagtatanong lang.

"Tara na, girls! Hindi kasi ako komportable rito sa labas.." Sumang-ayon kami sa sinabi ni Val. Para kasing ano mang oras ay may mananakmal sa amin dito sa labas, eh.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon