Ma, nakakahiya naman sa kaniya! Baka maabala natin sila.

Mababait ang mga tao rito, Sendy. Don’t worry.” How did she know? Tumira na ba siya rito?

Tumira ka na po ba rito-” hindi natuloy ang sasabihin ko.

Sila ba ang sinasabi mo, Dara?” Napatingin kami ni Mama doon sa nagsalita. Bumalik na ’yong babae na may kasama ngayong dalawang babae.

Oo, Val! Tutulungan natin sila sa paglilipat ng mga gamit nila.

Pinasadahan ko ng tingin ang dalawang babae at base sa mukha at kilos nila, ang isa ay mukha namang mabait at ang isa ahm-mukhang ayos naman siya at mukhang mataray nga lang.

Nagsimula na kaming maglipat ng mga gamit papasok sa loob ng bahay. Sinimulan namin sa maliliit na kahon pagkatapos ay nagtulong na kami pagdating sa pagbubuhat ng mga malalaking kahon.

Natatawa ako sa kanila minsan. Kapag kasi pinagmamasdan ko sila ay nakikita ko ang masayang pagkakaibigan nila. Ang sarap siguro sa pakiramdam kapag may kaibigan.

Catch!

Naalarma ako nang ihagis ng mukhang mataray na babae sa akin ang isang maliit at babasagin na vase ni Mama. Mabuti na lang ay nasalo ko ito. Kinabahan talaga ako roon. Phew! Malilintikan ako kay Mama nito, eh!

Ano nga pala ang pangalan mo?” The girl who has the golden brown hair asked me.

Selendria Alstrein,” I simply answered.

Ako naman si Kendara Syffel-

Ako naman si Valeria Linder! You can call me Val, nakangiting pakilala naman ng isa pang mukhang mabait. She has a black shoulder length hair, pointed nose and tanned skin. Pansin ko ang kakaibang ganda niya. Maliit siya kumpara sa akin.

Hindi pa ako tapos magpakilala, Val!” pagmamaktol ni Kendara.

And that girl is Winzé Witchy Cross. Tinuro ni Val iyong babaeng mukhang mataray na abala sa pagkuha ng mga gamit sa kahon. Well, she has a curly black hair. Ngunit bagay niya ito.

You know, mataray talaga ’yan lalo na kapag hindi kayo close pero magkakasundo naman kayo n’yan, for sure. Tumango na lang ako.

Gabi na nang matapos ang lahat. Maaga silang pinauwi ni Mama at kami na lang ang tumapos sa pag-aayos ng iba pang mga gamit. Nakatulong talaga sila sa amin kaya todo pasalamat si Mama.

Sabi ko naman sa’yo, magkakaroon ka ng maraming kaibigan dito, nakangiting sambit ni Mama habang nagtitimpla ng gatas. Nandito kami ngayon sa kusina.

Masaya po pala magkaroon ng kaibigan.” To be honest, ngayon lang talaga ako nagkaroon ng mga kaibigan. Loner kasi ako dati bago kami lumipat dito kaya bago lang sa akin ang magkaroon ng mga kaibigan.

By the way, na-enroll na kita sa paaralang pinapasukan nila. Bukas na bukas ay pwede ka nang pumasok and guess what? May pa guess what pa talagang nalalaman si Mama! Since, kaibigan mo na sila, pinalagay kita sa section nila. My eyes widened. Hindi ako makapaniwala! Paano nagawa ni Mama ’yon?

Hindi po ba kayo nagbibiro? Baka kasi jino-joke niyo lang ako? Umiling lang siya at ngumiti.

□◇◇♡◇◇□

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now