Ang Nakaraan ni Josh

21 1 0
                                    

After maputol ng tawag tinext ko agad si Triztan na ibalik ako kaso sabi niya may gagawin na daw si Josh. Next time na lang daw ulit. Anak naman ng kabayo oh! Kung kailan ayun na e! Ayun na tayo e! Saka naman namatay yung tawag. Deeeym!!

"Nakakainis naman bessy. Kung kailan nandun na tayo saka pa namatay" pagdadabog ko sa tawag.

"Hahahaha. Gaga ka kasi e! Tagal mo mag salita e. Ayan tuloy." Sagot naman ni Triztan sakin

"Pero alam mo bessy, naaawa ako kay Josh. Hindi ko alam kung bakit. Sobrang mahal niya talaga si Quennie no? Kaso bakit nga ba sila nag break?" seryosong tanong ko kay Triztan

"Gusto mo akong mag kwento?" sagot niya

"Oo naman. Para makilala ko na siya no." pagpupumilit ko sa kanya.

"Okay. Ganito kasi yun." Pagkasabi niya na yan, bigla akong kinabahan at saka umayos ng upo. Interesado ako sa malaman ang nakaraan niya

"Si Quennie at Josh kasi parehas kong kaibigan.." pag uumpisa niya "Actually nilakad ko lang din sila sa isa't isa. Etong si Quennie matagal ng may gusto kay Josh, i mean parehas rin nilang gusto ang isa't isa kaya gumawa na ako ng way para magkakilala sila"

"Ahhh. So lagi ka palang tulay no?" Pagbibiro ko sa kanya

"Wag ka ng magulo!! Nag kkwento na ako e." sagot sakin ni Triztan "So yun na nga. Nilakad ko silang parehas, niligawan ni Josh si Quennie at sinagot naman niya ito. Maganda yung naging takbo ng relasyon nila, legal silang pareho sa family nila. Madalang sila magkita kasi pareho silang busy sa pag aaral. Kaso isang araw..." pagputol ni Triztan

"Kaso ano nangyari? Wag mo ng putulin! Lintek na!!" Sabi ko sa kanya

"Teka lang naman! Hindi ba pwedeng huminga muna ako? Hayop na're!!" Sagot sakin ni Triztan

"Kaso isang araw nagbago ang lahat.." pagtutuloy niya "Nagbago si Quennie."

"Nag bago? Panong nagbago? Ano pinag bago niya?" Sabay sabay kong tinanong kay Triz

"Ang sabi sakin ni Quennie sakin, nasasakal daw siya kay Josh. Masyado daw mahigpit. Lahat na lang daw pinansin. Napaka-seloso pa raw niya." Sagot niya

"E natural! Mahal na mahal siya ni Josh! Magtaka siya kung wala na siyang pakielam sa kanya no!" Pasigaw kong pagtatanggol kay Josh.

"E kasi bessy, ano daw e.. Humingi ng space si Josh kay Quennie. Cool off ba ganun." Sagot niya

Cool off? Parang alam ko na yung mangyayari pag nag start sa cool off. For me lang naman ha? Halos lahat ng kakilala ko na nag c-cool off nauuwi sa breakup e.

"Oh tapos, si Josh nanghingi ng Cool off? Tapos?" Tanong ko kay Triztan

"Tapos nag cool off na nga sila. Tapos after ilang weeks daw nabalitaan na lang daw ni Josh na may ibang boyfriend na si Quennie" sagot niya

"ANOOOOOO!!!! E DIBA COOL OFF  LANG ANG HININGI NI JOSH SA KANYA!! WALANG BREAK UP DIBA!! TANG*INA NAMANG BABAE YAN O!!" pasiga kong sabi kay Triztan. Nag init bigla dugo ko e. Argh

"Oh chill lang! Kahit nga ako nagulat nung nag kwento si Josh sakin e. Sobrang nasaktan si Josh sa nangyare, dumating pa sa point na halos lumuhod na si Josh sa harapan ni Quennie balikan niya lang siya Josh. Alam mo bessy. Awang awa ako kay Josh nun. Sobrang nakakaawa siya. Pati sarili ni Josh napabayaan na niya dahil sa nangyari." malungkot na sabi ni Triztan

Mangiyak-ngiyak na ako habang nag k-kwento si Triztan. Naaawa ako kay Josh, hindi niya deserve ang masaktan ng ganun ganun na lang. Lalo na kung totoo siya mag mahal :( feeling ko tuloy nawasak rin yung puso ko sa narinig kong kwento.

"Bessy umiiyak kaba?" Tanong sakin ni Triztan

"Ha? Hindi. Naaawa lang talaga ako. Hay. Yaan mo bessy. Ako na bahalang magpuno ng pagkukulang ni Quennie sa kanya" sagot ko kay Triztan

Desidido na ako sa desisyon ko na ibalik ang dating Josh. Bubuhayin ko ulit siya. Ako na bahalang puno ng pagkukulang ng ex niya sa kanya. Bigyan niya lang ako ng chance. Oo! Susugal ulit ako kahit hindi ko alam ang pwedeng mangyari. Atleast sumubok ako diba? Hindi ako naduwag. Yun ng mahalaga dun

"Bessy, ano real name niya?" Tanong ko kay Triztan

"John Joshua Perez" sagot naman niya "Osiya bessy. Bukas na lang, ikaw na bahala ha? Matutulog na ako. Goodnight" pag kasabi niya nun bigla ng namatay ang tawag.

"Parating na ako Josh. Ako ng bahala" bulong ko sa sarili ko.

"Panginoon, bigyan niyo po ako ng chance na makilala si Josh, ako na pong bahalang baguhin siya. Bigyan niyo lang po ako chance. Hindi niya po deserve ang masaktan ng ganun. Alam ko pong susugal nanaman ako. Pero last na po ito. Please lord? Amen." Pag kasabi ko ng Amen. Natulog na ako. Sana bukas ng umaga. May mangyari na.

Akala ko Ikaw na, Akala ko Tayo na, Akala ko lang Pala.Where stories live. Discover now