Ang Pagrereto

15 1 0
                                    

After 30mins nakarating na kami ng Sm. And Oo tama kayo! Kasama namin si Fed at ang iba pang Ypro. Pumasok na kami sa loob at ewan ko ba tahimik lang ako habang sila masaya. Si Fed naman lumalapit sakin pero ang cold ng pakikisama ko sa kanya. Sana nga hindi niya nahahalata

"Faith okay ka lang?" tanong sakin ni Fed

(Hindi ako okay Fed e). sabi ko na lang sa isip ko

"Oo naman!" I smiled

"Bakit ang tahimik mo?" tanong niya

"Masama lang pakiramdam ko" sagot ko

"Bakit? Ano masakit sayo?" tanong niya ulit

"Puso ko.." bulong ko sa sarili ko

"Ano yun?" Sagot niya

"Ahhhh! Wala. Hahaha. Sabi ko masakit lang yung ulo ko. Pero okay na ako" i smiled

Buong araw wala akong gana. Para lang akong lantang gulay. Pilit ko man itago yun kaso pag natatahimik ako bigla ko na lang naaalala yung sinabi nila Cj at Triztan sakin. Hay pag ibig!! Bakit ba pumapatay ka ng isang tao! :((

5pm na at kailangan na namin umuwi.

"Bessy tara na" aya ko kila Triztan at Cj

Pagkaaya ko sa kanila sumakay na kami ng tricycle. Buong byahe tahimik lang ako. Ewan ko ba, hindi ko rin maintindihan e.

"Hindi kami sanay ng ganyan ka, Faith." malungkot na sabi nila sakin

"Alam mo! May irereto na lang ako sayo. Kaibigan ko siya since high school. Mabait siya saka gwapo rin. At higit sa lahat hindi siya tumitingin sa physical image ng isang babae. Mahilig siya sa matataba." sabi ni Triztan

Nabuhayan ako ng loob nung sinabi niya sakin yun. Hindi yung may irereto ha? Yung sinabi niya na MAHILIG SIYA SA MATATABA. Hanep nato!! "Hayop ka! So ibig sabihin mataba ako ganun?" sabay hampas ko sa balikat niya.

"Hahahaha! Gagi. Hindi naman sa ganun. Basta!! Hahahaha" nag tawanan na lang kaming tatlo.

Ng pababa na ako ng tricycle biglang may sinabi sakin si Triztan

"Itetext ko lang sayo yung number niya. Bye bessy!! Ingaaat!!"

At umalis na sila. At ako sumakay na ng bus pauwi sa amin.

Akala ko Ikaw na, Akala ko Tayo na, Akala ko lang Pala.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon