Ang Pagpapakilala

22 1 0
                                    

Almost one hour na rin yung conference naming tatlo. Ganun parin ang tema, sila nag uusap ako naka mute parin. Sabi Triztan magsalita na raw ako para daw makilala na ako ni Josh kaso sabi ko gusto ko muna makinig sa kanilang dalawa. Napag-alaman ko rin na simula nung nag hiwalay si Josh at Quennie nag bago na si Josh. Nagpapakalunod na siya sa alak, sunog baga sa yosi, at napabayaan na ang sarili. Naisip ko na ganun talaga kalaki ang epekto ng pag ibig sa isang tao no? Nagagawa niyang baguhin ang buhay ng taong sobrang nasaktan. Habang nag uusap sila tahimik lang akong nakikinig sa pag uusap nilang dalawa,unti unti ko na ring nakikilala kahit papaano si Josh, naisip ko nga na ang tangang babae ni Quennie, nagawa niya pang lokohin si Josh gayung sobra naman siyang mahal nito. Habang nag uusap may biglang sinabi si Triztan na kinakaba ko..

"Be, may ipapakilala ako sayo. Kesa mag mukmok ka jan at magpakalunod sa nakaraan. It's time na rin para makahanap ng bagong magmamahal sayo" pagkasabi ni Triztan biglang nag hold yung tawag. Hindi ko na sila marinig.

Ilang minutes din akong naghintay na bumalik yung linya nila. Habang nag hihintay ako hindi mawala sa isip ko si Josh, kung ano yung sakit na dinadala niya ngayon, kung paano niya nakakayanan ang ganung sitwasyon. Bilib na talaga ako sa lalaking ito. Pero may part sakin na kinakabahan at natatakot. Paano pag pinakilala ako ni Triztan? Magugustuhan niya kaya ako? Mag t-take nanaman ba ako ng risk ng walang kasiguraduhan kung mananalo ba ako o matatalo nanaman? Hay.

Habang nag iisip ako, may namuong ingay sa kabilang linya. Ibig sabihin naka-connect na ulit ako sa kanila.

"Bessy? Hello? Nanjan kapa ba?" Pagtawag sakin ni Triztan. Na hanggang ngayon ay naka-mute parin ako

"Baka naman wala na." May nagsalitang lalaki sa isa pang linya

"Hindi nanjan pa yan!" pag tutol naman ni Triztan kay Josh

"Hello bessy!! Magsalita kana!!" Sigaw sakin ni Triztan.

Ugh! This is it!! Bahala na!! Kaya mo yan Faith! Fighting!! Pagkakuha ko ng lakas ng loob saka ko inunmute yung phone ko. Hudyat na para magsalita ako

"Ahm. H-Hello?" Ugh! Bakit ano nauutal. Kinginaenae naman. Relax lang! Wag ka kabahan Faith!

Bigla ako nakarinig ng mahinang tawa ng isang lalaki.

"Hahaha. Bessy, may ipapakilala pala ako sayo" sagot naman ni Triztan "Magsalita kana be" dagdag pa niya

"Ah. Ako nga pala si John Josh... *tu tu tut*" magpapakilala na sana siya ng biglang namatay ang tawag. Deeeeeymmm!!!

Akala ko Ikaw na, Akala ko Tayo na, Akala ko lang Pala.Where stories live. Discover now