Olats nanaman!

18 1 0
                                    

"Bessy, may sasabihin ako sayo. Ewan ko kung bad news or good news to para sayo" - Triztan

"Ano?"

Kalalabas lang namin ng office at katatapos lang din nilang kausapin si Fed. Si Fed siya yung crush ko. Hindi ko alam kung ano nagustuhan ko sa kanya. Normal lang naman yun diba? Hahaha. Saka alam nila Triztan na crush ko siya, crush nga lang ba talaga? Hay.

"Gusto ka naman daw niya e.." sabi niya sakin habang pasakay kami ng Tricycle

"Kaso.." dugtong pa niya.

"Langiya naman bessy!! Wag mo ng putulin!" Sabi ko sa kanya ng may kasamang tingin na masama

"Chill lang bessy. Hahahaha, gusto ka naman daw niya talaga kaso nga lang.." pagputol niya pa. Langiya! Ganyan ba talaga pag may sasabihin sayo yung kaibigan mo about sa crush mo. Kailangan putol putol? Deym!

"Gusto ka daw niya kaso may MAHAL SIYANG IBA!!" singit ni Cj.

May mahal siyang iba..

May mahal siyang iba

May mahal siyang iba

May mahal siyang iba

Nag eco ata sa tenga ko yung sinabi ni Cj. Para akong binagsakan ng langit at lupa nung sinabi niya sakin yun. Tulala lang ako, well from the start naman alam ko naman na hanggang dun na lang talaga e. Ako lang naman tong pinipilit yung sarili ko na may chance pang magbago. Hay. Hindi na ako na sanay.

"Bessy okay ka lang?" tanong sakin ni Triztan

"Oo naman!! Saka ano ba kayo! Sabi ko naman hindi ako nag eexpect diba?" I smiled.

Jaan tayo magaling, ang mag pretend na okay lang ang lahat. Kahit deep inside. Gusto mo ng sumabog :( talent na ata nating mga babae yan e. Hay

Akala ko Ikaw na, Akala ko Tayo na, Akala ko lang Pala.Where stories live. Discover now