Entry #1

10 0 0
                                        

Entry #1

Dear Jake,

Alam mo ba? Nakakita ako ng standee mo ngayon. Kyaaa. Gusto ko sanang kunin yung Standee kaso baka mabanned nanaman ako, katulad dun sa mall noon dahil kinuha ko yung poster nyo ng grupo mo. Hehe. Hindi ko naman kasalanan na patay na patay ako sayo. *pout* Bakit kasi nakaka-inlove ka? Pwede bang akin ka na lang? Kaso, sa dami rami ng nag mamahal at mga fans mo sa buong mundo, isa lang akong patatas na nagmamahal sayo. Swerte ko kasi malapit lang yung bahay nyo samin. Kaso ilang beses ko ng balak makapasok para makita ka, lagi akong na-f'fail sa sobrang daming guards na naka bantay sa mansion nyo. One time, pumunta yung mga ka-group mo dyan. Nakita ko sila, pero bakit kulang sila ng isa? Asan si Buern? May shoot pa ba? Binalak kong mag pa-picture, kaso nakapasok na agad sila sa loob ng bahay nyo. Kaya yung van na sinasakyan nyo nalang yung nakuhanan ko. Sana sa susunod makapag papicture na ako sainyo.

Your Fan,
Yesha

Diary Of A Fan GirlPovești de care să fii obsedat. Descoperă acum