Chapter 10 - His "advice"

131 2 0
                                    

Chapter 10

-- His "advice" --

[Lei’s POV]

Pagkatapos ng crying session ko doon sa may field, dumirecho na ako sa office nung teacher namin sa English dahil gusto daw niya ko makausap tungkol sa hindi ko pagpasa ng movie review. Na-realize kong walang pahihinatnan ang pag-iyak ko. Bring it on!

Kumatok ako sa pintuan niya at narinig ko namang sumigaw siya ng “come in!” kaya pumasok ako. Pagpasok ko sa loob, nakita ko siyang may kausap din na babae. Pareho naman silang napalingon sa akin at nakita ko yung kaklase kong si Thia. Yung maganda.

“Ikaw pala yan, Miss Fabro. Have a seat”

Pinaupo niya ako sa katabing upuan ni Thia na nakaharap sa kanya. Ang weird pakinggan kapag nagtatagalog yung English teacher mo no?

“So…….” Huhu, magsasalita na siya. Papagalitan na niya ko!!! Eto na ba yung part na kakausapin ka ng teacher mo tapos gagawa siya ng letter at ipapatawag niya yung magulang mo at mag-uusap sila sa Principal’s Office tapos malalaman mo na drop-out ka na sa school at ipapadala ka ng mga magulang mo sa ibang bansa dahil isa kang juvenile delinquent?! WAAAAHH!!

“Ma’am, I promise to finish that movie review. Just give me one week!” I begged. Wala na kong pake kung nasa tabi ko tong diyosang to. Wala rin tong pake sa’kin I bet.

“Uhuh? No Miss Fabro. You have to pass that thing TOMORROW. Period. You two may leave now”

“You didn’t pass the project?” – Thia. Pabalik na kami sa room ngayon. Mejo awkward lang kasi hindi naman kami close. Gulat lang ako nung bigla siyang nagsalita.

“Yeah. I.. forgot.”

“Really?! Sa states bawal yan. Ipapatawag agad ang parents mo kapag hindi ka ng pasa ng stuff na kaylangan sa deadline. Tsk.” Ow….kay? Care ko naman? Eh nasa Pinas ako wala naman sa States? Hmpf! Maiwan nga to.

Binilisan ko ang lakad ko at iniwan siya.

“Hey, don’t leave me! I don’t know the way back to our class room!! Sam, wait!”

Hahahaha! Eh, bahala ka diyan! Dito sa Pinas bawal yan. Maliligaw ka pag di mo alam yung daan! BLEH!

[Josh’s POV]

pea brain ka talaga

Anong masama sa sinabi ko? Inasar ko lang naman siya tapos nagwala na siya dun, haynako. Mga babae talaga, PMS masyado.

At tsaka, ako nga dapat ang magalit dahil hindi manlang napakinabangan yung binili kong Romeo and Juliet book sa kanya last time sa National bookstore e. Sabi niya gagawa daw siya ng movie review, pero hindi naman nagpasawa. Tssss.

Nandito ako ngayon sa library to kill time at para matulog na din. Nakakatamad naman kasi sa loob ng room. Nakakabagot lang dun.

Pumwesto ako sa pinaka-dulong table at inihiga ko ang ulo ko sa table para matulog. Pero biglang may umupo sa harap ko at dinabog ang mga libro sa table kaya nagulat ako.

“Err, that librarian!She was supposed to teach me Math! Stupid”

Inangat ko ang ulo ako at nakita ko si Thia sa harap ko, looking very annoyed.

“Joshua?”

Binigyan ko lang siya ng isang boring na ngiti at binalik na ulit ang ulo ko sa table.

“Why are you here?”

“zzz...”

“You’re supposed to be at the room”

Dream On!Where stories live. Discover now