Welcome back JILL! Chapter 13

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkahiga ko tinawagan ko agad si Excel.

Calling Excel…

 

Nakakadalawang ring pa lang sinagot na niya!

“Hello” Bungad niya sa kin.

“HIIIIIIIIIIIIIIIIII” Isipin niyo yung pag kasabi ko niya, yung isang taong parang nakalaklak ng energy drink, ganun!

“Ang taas naman ng energy mo! Haha.”

 

“Oo kasi nakakapagsalita na ko ng maayos, unlike kanina nung nasa trabaho ako. Haha.”

 

“Ah…”

 

“So anong ginagawa mo? Nasa bahay ka lang?”

 

“Nakahiga, kakauwi ko lang eh, lumabas kasi ako kanina.”

 

“Talaga? San ka nagpunta?” Talagang tinanong ko? -____- Eh sa gusto ko lang malaman.

“Dyan dyan lang!”

 

“Ah, sorry pala kanina kelangan koi baba yung tawag mo, kasi nabigla ako eh, saka nahiya ako sayo! Haha”

 

“Masiyahin ka pala, kasi kanina ka pa tawa ng tawa, muka ba kong clown?”

 

“Hindi naman sa ganun, eh sa natutuwa lang ako sayo! Cute mo kasi! Haha”

 

Hindi ko talaga mapigilan yung tawa ko, kasi ganito talaga ako, masiyahin akong tao, although minsan madrama din ako. Ewan ko ba, Siguro nga Bipolar akong tao! Hehe.

“Alam ko!”

 

“Yabang ah!”

 

“Hmmmmm, ang buo ng boses mo nu?”

 

“Bakit hindi mo sabihing pangit boses mo! Palibhasa yung boses mo, parang 12 years old!” Sa totoo lang pangit boses ko, mababa kasi eh, saka hindi girly! Minsan pa nga feeling ko boses lalaki ako, kainis lang! -____-

“Ah oo cute talaga yung boses ko. Hehe”

 

“Wala naman naman akong sinabing cute yung boses mo, ang sabi ko, cute ka, kasi diba maliit ka? Hahaha…” Dinadaan ko na lang sa pang aasar yung tuwa ko sa kanya, hindi ko lang maimagine na aabot kami sa ganito.

Kung ano ano pa yung napagusapan namin. May part na napagkwentuhan naming yung story niya, mga hilig naming gawin, mga simpleng bagay lang.

Nakakatuwa siyang kausap, hindi siya boring, although may mga part sa usapan namin na parang nagiging one liner, okay pa din. Come to think na hindi naman kami talaga magkakilala.

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon